Dont trust anyone. Not even yourself.
Prologue
Tugudug...tugudug...tugudug...
Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa bawat hakbang ng mga paa ko. Bawat segundong lumilipas ay mas bumibilis pa ang pagtibok niyon pero wala akong pakialam.
Madami na rin akong mga sugat at galos sa braso at mga binti mula sa ilang beses na pagkatumba o sa mga sanga nadaraanan ko.
Masakit ang mga iyon. Alam ko.
Pero hindi ko maramdaman ang sakit. Maaring mamaya, o baka bukas, o sa makalawa. Yun ay kung makakatakas ako ng buhay sa lugar na ito.
Iisa lang ang layunin ko. Isa lang ang nais ko. Ang mabuhay.
Patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas pero andrenalin rush nalamang ang nagpapagalaw sa akin. Sa dami ng mga nangyari, hindi ko akalaing makakatakbo pa ako ng ganito kabilis.
"Wag ka nang tumakas!"
"Mahuhuli ka rin namin!"
Malapit na sila. Sobrang lapit na nila.
"Wala ka nang takas pa!"
"Hindi ako. Hindi ako ang killer. Wala akong ginagawa...wala akong pinatay!"sigaw ng utak ko.
Nahulog na ko sa bitag. Magaling siya. Sobra. Nagawa niya akong paikutin. Kaming lahat. Lahat sila iniisip na ako ang killer ngayon. Pero hindi yun totoo. Inosente ako.
Dahil sa bilis ng takbo ko at sa dilim ng paligid ay hindi ko napansin ang nakausling ugat sa dinaraanan ko. I tripped and fell face-first to the ground.
I tried to stand up pero sobrang sakit ng paa ko. Napilayan pa ata ako.
"Wala ka ng kawala!"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na iyon.
Hindi 'to pwede. Mga kakampi ko sila. Sa sitwasyong 'to, kami ang dapat na nagkakampihan.
Para akong nauupos na kandila sa kinauupuan ko. Bawat paglakas ng mga yabag, ng mga kaluskos at mga boses ay waring nagpapahiwatig sa nalalapit na katapusan ko.
Ito na ba? Hanggang dito na lang ba ko?
Just when I was about to give up, naramdaman ko ang pares ng mga malamig na kamay na iyon. And before I knew it, nahila na niya ako sa kadiliman.
*****
Thanks sa pagbasa sana subaybayan niyo pa ang mga susunod na chapters. Hehe. Start palang po yan so don't judge muna. Any comment or suggestion is highly appreciated. Thanks :)))

BINABASA MO ANG
Suicide Murders
Misteri / ThrillerSome sinners do not deserve to be forgiven ... It's pay back time ... Are you ready to kill yourself?