Sheena's Pov
Hindi na ako nagulat ng makita ko si Inspector Martinez. Sinabi na rin kasi niya kagabi sakin na baka pumunta siya sa school namin. Kinaylangan ko kasing sumama sa mga pulis dahil ako ang nakaidentify ng bangkay. Basic questions lang naman ang mga itinanong sakin ni Inspector.
Nagtataka nga ako kung bakit kakaylanganin pa niyang pumunta. Malinaw kasi na hit and run ang nangyari. Ngayon ko lang nalaman na tinitingnan rin palang posibility ang suicide or murder.
Malapit lang ang bahay namin kina Camile kaya hindi rin nakakapagtaka na sa may malapit samin nakita ang bangkay niya.
Napapikit ako ng muling magflash sa isip ko ang imahe ng patay na katawan ni Camile.
Will I ever be able to forget it? Ewan.
"Ayos ka lang?" nagaalalang tanong ni Ivy na lumapit sa upuan ko.
Tumango ako
"Ivy. Actually. Nakita ko ang nangyari kay Camile kahapon," pagbibigay alam ko.
"What?!" pasigaw na saad niya.
Napatingin ang iba naming kaklase kaya pinandilatan ko siya.
"Sorry."
Ikinwento ko sa kanya ang nangyari kahapon pero hindi ko na idinetalye ang itsura ng bangkay ni Camile na naabutan ko.
'Sheena next," tawag ni Ma'am Aimee.
"Magiging ok ka lang ba?"
Tinanguan ko lang siya sabay tayo. Lumabas ako at dumiretso sa kabilang classroom na pansamantalang ginawang interogation room.
Nakaupo sa may teacher's desk si Inspector Martinez. Napangiti siya ng makita ako.
"Ikaw na pala. Sige maupo ka," sabay turo sa upuan sa may harap mismo niya.
Lumapit ako at umupo.
"Kumusta ka?" tanong niya.
"Ok lang po," mahinang tugon ko na hindi tumitingin sa kanya.
"Mabuti naman. Ikaw ba ang nagpaalam sa mga kaklase mo? Nahirapan ka siguro."
"Ah. Yung kaklase ko po kasi ang nagsabi sa kanila. Narinig niya pong pinaguusapan sa faculty, " sabi ko.
"Ganoon ba? Kung ganun magsimula na tayo. May mga bagay lang akong hindi naitanong sayo kahapon."
"Kung ganun, hindi po hit and run ang nangyari?"
"Well inaalam pa namin. Ok, let's start. Nakaupo sa harapan mo si Camile hindi ba?."
Tumango ako.
"Wala ka bang napapansing kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw? Wala ka bang napansin na iba sa ikinikilos niya?" tanong niya.
Umiling lang ako.
"Wala ka bang naririnig man lang mula sa kanya o kahit ano lang?"
Muli akong umiling.
"May kilala ka ba na malapit sa kanya. May nakikita ka ba na kasa-kasama niya."
Madami pang itinanong sa akin si Inspector pero puro iling lang ang naisagot ko.
"Ok. Bumalik ka na sa room niyo,' aniya na mukhang dissapointed dahil wala man lang akong maitutulong.
I stood up at nagpaalam na.
BINABASA MO ANG
Suicide Murders
Mystery / ThrillerSome sinners do not deserve to be forgiven ... It's pay back time ... Are you ready to kill yourself?