Chapter 2

32 0 0
                                    

Sheena's Pov

Halos magdidilim na ng makarating ako ng bahay. Didiretso na sana ako sa kwarto ng marinig ko ang boses na iyon ni mama.

"Nak nandito ka na pala,' saad niya.

Kasalukuyan siyang nagk-cross stitch ng mga sandaling iyon sa may sala.

"Nagmerienda ka ba? Nagluto ako ng pansit."

Pinagmasdan ko siya ng maigi. Ngayon ko lang napansin ang wrinkles sa may gilid ng mga mata niya. Tumatanda na pala si Mama. Ngayon ko lang napansin.

Umiling nalang ako at saka umakyat ng hagdan.

Dalawang taon na simula ng makausap ko ng matino ang mga magulang ko. They've tried to talk to me many times. They always wanted to know what I feel pero parati ko silang iniiwasan.

How will I open up myself to them kung sila hindi rin ako pinagtitiwalaan? They are hiding something from me. Alam ko yun. Pag andyan ako parating iba ang kinikilos nila. Parating maingat kahit mga salitang binibigkas nila.

Hindi kami ganito noon. Masaya ang pamilya namin . At lalong hindi rin ako ganito.

Pumasok ako sa kwarto ko. I leaned againts my door at nakiramdam. Gusto kong i-test ang sarili ko kung kaya ko na. Then it came.

Lumalim ang hininga ko. Nanginig ang mga tuhod ko. And suddenly I was running out if air. Napahawak ako sa chest ko. Tears were streaming down my cheeks. I felt the fear seeped through my entire body.

I swear I could see the walls closing in on me. Nakakatakot. Sobra. Para akong kinukulong. At habang tumatagal ay paliit ng paliit ang kwarto ko. I felt trapped na tila ba wala na akong takas. Hanggang sa di ko na kinaya.

Napatakbo ako sa may bintana at binuksan iyon. Huminga ako ng malalim. I felt relief as I feel the air fill my lungs. Maya maya pa ay naging stable na ang paghinga ko.

Di ko pa rin talaga kaya. Claustrophobia. Yun ang tawag dun. Ang fear of enclosed places. Di ko alam kung paano ako nagkaroon nito. Nagising nalang ako isang araw na hindi ko na kayang matulog sa kwarto ko ng nakasara ang pinto. My parents told me na walang mali sakin.

Pero sinong niloko nila? Alam ko ang sakit ko. Alam ko na isang uri ng anxiety disorder ang sakit ko. Ibig sabihin sakit sa pagiisip.

Minsan nakakalimutan ng mga magulang ko na 16 years old na ang anak nila. Hindi na ako bata na mauuto nila ng basta basta. At hello may wikipedia kaya.

Nang kumalma na ko ay tinungo ko ang pinto at binuksan iyon ng kaunti bago nagbihis. Even the sight of my closet brought shivers down my spine pero pinili ko nalang na ignorahin iyon. I put on white t-shirt that says "Don't mess with the nerd ones" and my sweat pants. Pagkatapos ay lumabas ako para magjogging.

Ang totoo ay ayoko talaga na nag-i-stay sa bahay. Maging sa school ayaw ko na ring pumasok. Punong puno kasi ng mga mapagpanggap na tao.

Dumiretso ako sa park. Nagexercise muna ako for about 1 hour bago ako nagdecide na umuwi na.

"Ahhhh!"

It was followed by a loud collision.

Agad akong napahinto nang marinig ko iyon. Sa di kalayuan ay may nagkumpol kumpol na mga tao. Nakapalibot sila sa kung ano.

Mukhang may naaksidente. Sa bandang unahan ay isang truck ang nakahinto. Iyon ata ang nakabunggo.

Nagulat ako ng bigla na lamang iyong kumaripas ng takbo. Wala nang nagawa ang mga naroon kundi hayaan na lamang iyon.

Suicide MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon