Zei's P.O.V.
Madilim
Madamo
Masukal
Mapuno
Isang gubat...nasa loob ako ngayon ng isang gubat at patuloy na tumatakbo
Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo,pagod na pagod na ako,gusto ko ng tumigil pero tila may sariling isip ang aking mga paa,ayaw nitong huminto sa pagtakbo
Nakakita ako ng bangin na ikinalaki ng mata ko...pinilit kong tumigil sa pagtakbo pero hindi ko magawa,may kung anong pwersa ang tumutulak sa aking mga paa para tumakbo
Palapit ako ng palapit sa bangin..
Pinipilit kong huminto,buong pwersa at buong lakas ko ay ibinigay ko na para lamang huminto pero wala akong nagawa
Pinikit ko na lamang ang aking mata at hinintay ang sakit na mararamdaman ko sa oras na ako ay tumama na sa lupa
Pero......
Ilang minuto na ay hindi ko parin nararamdaman ang lupa..dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nagulat ako sa aking nakikita.....
Wala na ako sa kagubatan
Nasa isa na akong paraiso
Napapaligiran ako ng mapuputi at mababangong bulaklak
Ngayon ko lang napagtanto na nakahiga pala ako sa bulaklakan kaya bumangon ako at inilibot ang aking mga mata
Napakaganda dito,umupo ako sa swing na nakita ko,nakatali ito sa sanga ng isang matandang puno
Itinuon ko sa lupa ang aking mga paa at itinulak ang swing para ito ay tumayon...Sumabay naman ang napakalamig ngunit napakasarap sa pakiramdam na simoy ng hangin,pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin pati na rin ang tahimik na paligid
Hindi ko maiwasang hindi magtanong sa aking isipan
"Paano ako nakarating dito?"
Nahihiwagaan na rin ako sa nangyayari...kanina lang ay nasa loob ako ng madilim,masukal at nakakatakot na kagubatan ngunit ngayon ay nasa isa na akong paraiso
Nakaramdam ako ng tao na nagtuyan sa akin kaya iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo....medyo malakas ang pagkakatayon nya kaya hindi ko agad naihinto ang swing
Umupo ang misteryosong lalaki sa bench na hindi kalayuan sa pwesto ko...napagisipan ko na puntahan sya pero sa bawat hakbang ko palapit sa kanya ay parang nagiiba ang aking paligid
"Ano na namang nangyayari?"
Tanong ko sa aking isipan
Humakbang pa ulit ako ng isa palapit sa misteryosong lalaki na matiim na nakitingin lamang sa akin
Sa paghakbang ko pauna ay biglang nagbago ang lahat
Ang kaninang paraiso ay naging isang syudad
Nakita ko ang misteryosong lalaki na nakatayo sa ilalim ng ilaw ng poste sa di kalayuan
Nagdesisyon akong puntahan sya at tanungin kung may nalalaman ba sya sa nangyayari ...dire diretso akong naglakad,naagaw lang ng isang liwanag na nanggagaling sa isang sasakyan ang aking atensyon....Napatigil ako ng mapagtanto na babanggain ako nito at wala ng oras pa para makaligtas dito
*BEEEP*
Busina ng sasakyan,tatakbo na sana ako para makaligtas pero huli na ang lahat
Nabangga ako nito...napapikit ako sa sobrang sakit ng impact sakin,ang sakit ng katawan ko,walang tumutulong sakin hanggang sa dumilim na ang paligid
Nagmulat ako ng mata at nakita ang kulay puting kisame
"Nasa ospital ba ako?"
Isip isip ko habang nakatingin sa puting kisame
May naramdaman akong gumalaw sa tabi ko at doon ko lang napagtanto na may kamay pala na nakayakap sa akin
Sinundan ko kung sino ang nagmamayari ng kamay na yun at napatalon ako ng sobra dahilan para magising ang lalaki na katabi ko?!
"Pano nakatabi sakin ang lalaking to?"
Dahan dahan nitong iminulat ang kanyang mga mata at ngumiti ng nakita nya ako
Seriously?anong nginingiti nya?....
Hindi kaya....... >.<NOOO!wag naman sana
"Good morning love"
Aniya....wait!ano?love?...EEWWWW!!!...
"LOVE?"
Gulat na tanong ko sa lalaking katabi ko kanina..medyo blurd yung muka nya kaya hindi ko masyadong kita ang muka nya
"Oo,love"
Sagot nito sa tanong ko...medyo halata mo sa muka nya na naguguluhan sya
"Sino ka ba!!?at bakit magkatabi tayo?"
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko..samantalang ako ay naghihintay ng isasagot nya
"Nagka amnesia ka ba love?"
Ano?ako?magkakaamnesia...baliw ba sya baka nga sya tong may amnesia e
"Magasawa tayo love,dont you remember?"
0-0....ASAWA?....MAY ASAWA NA KO? KAILAN PA?
"WHAT?....NO.WAY"
"YES WAY LOVE"
No,this is impossible,sooooo impossible...how come na may asawa na ko?e wala pa nga ako sa hustong gulang para magasawa,16 pa lang ako..hindi pwede yun
Gusto kong sumigaw dahil sa dami ng tanong na nabuo sa isipan ko...nagpakawala muna ako ng isang sobrang lalim na buntong hinga bago sumigaw ng pagkalakas lakas
"NOOOOOOOOOOOOOOO"
Disclaimer:
Each imitation,facsimile or resemblances of any person (living or dead),places,events and incidents (fictional or not) happened in this story is simply,purely and clearly coincidental and not intend,meant nor planned by the author.Every details in this story big or small,huge or dwarf are from the author's precious and luxurious mind and wide imagination.Committing plagiarism is a heavy offense that may cause you to be a criminal.
"Never SLAVISH my work"
Complete Strangers
©DarkOfClover(2017)
SORRY PO SA MG TYPOGRAPHICAL ERRORS!!! UNDER EDITING PA PO SYA!!! KAMSAAA!!!
@HarleyQuinn582 thank you sa pagremind besshhhhhhhhhyyyyyy!!!! saranghamnidaaa!!!!
YOU ARE READING
Complete Strangers
Short StoryARRANGE MARRIAGE Hindi na ito bago sa mga tao na nasa business category dahil most of the times ay sila yung nakikipagarrange marriage and hindi na rin ito bago sa mga stories na nababasa natin.... ARRANGE MARRIAGE WAS SO COMMON IN STORIES BUT.... ...