Chapter 7

176 7 0
                                    

Chapter 7:Zack

Zei's P.O.V.

Friday ng hapon na ngayon at isang subject na lang at uuwi na naman ako...aish!! Makikita ko na naman ang pangit na joseph na yun

*kriiiing*

Napanguso ako ng marinig ang pagtunog ng bell...ito na nga ba e...pagkatapos magpaalam ng teacher namin ay lumabas na din kami

Ayoko pang umuwi pero no choice alangan namang magstay ako dito ng walang kasama baka kung anong isipin ng makakakita sakin,pati isa pa kawawa naman ang isang magandang kagaya ko kung magiisa ako dito

Nagpaalam na sakin sina Jadelle at Nicolle kaya ako na magisa ang nandito,no choice din pala ako,magiisa rin pala ako...haaay naku!

Akala ko ba kakaunin ako ng Joseph na yun? Asan na sya!!....nakakabwisit talaga yun!!!

"Zei!"

Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita si Zack na papalapit sakin...first year college na sya at Business Management ang kinuha nyang course..ayaw nya ring magpatawag ng kuya sakin kasi nakakatanda daw ,e muka naman daw kaming magkasing edad lang hehe....isa sya sa mga ka close ko dito sa school kaso bihira lang kaming magkasama dahil nga college na sya

"Uy Zack"

Bati ko sa kanya pabalik,umupo ito sa tabi ko

"Anong ginagawa ng magandang binibini dito magisa?"

"Ay nako Zack,alam ko namang maganda ako di mo na kailangan pang sabihin"

Si Zack kasi yung laging nakikisakay sa trip ko e ...nagtawanan kami pareho dahil sa kahanginan kong taglay haha...kapag lang naman andyan sya pati si Jadelle at Nicole tsaka lang ako nagpapakamahangin dahil alam ko naman na sasakyan nila ang trip ko pero kung kay Joseph naku!!...magbabangayan lang kami,and im so tired of it

"Wala kang kasama?"

Napatingin ako kay Zack,halata namang wala akong kasama nagtatanong pa...ang hilig magtanong ng obvious grabe!

"Meron"

"Huh?sino?"

Natatawa ako sa reaksyon nya e..haha pagkasabi ko kasi na meron e nagpalinga linga ito at hindi mapakali hahaha

"Malamang ikaw,sino pa ba?"

Iritang sambit ko...tumayo naman sya at pumunta sa cafeteria na hanggang ngayon ay bukas pa...akala ko hindi na sya babalik kaso bigla nitong inabot sakin ang ice cream na strawberry flavor at nginitian ako

"Para san to?"

Tanong ko sabay taas ng ice cream

"Peace offering"

Tipid nyang sagot habang kinakain ang ice cream nya na chocolate flavor...binuksan ko na din ang ice cream ko at kinain iyon..ilang minuto rin kaming tahimik habang kumakain ng ice cream di ko namalayan ang oras...7:00 pm na pala...sabi ko na e hindi ako susunduin ng lukong pangit na Joseph na yun e..bwisit talaga!!

Nagring yung phone ko kaya binuksan ko ito at binasa ang text

From:09*********

Hey!Where the hell are you? Its already 7:00 pm..go home

Complete StrangersWhere stories live. Discover now