Chapter 12:Jellies
Ace's P.O.V
(Ito po yung part na hindi sya nakaon ni Ace(chapter 7:Zack)
Hinatid ko si Zei sa gate nilang mga highschool,mas matanda kasi ako kay Zei ng isang taon,and I am in college now while she was on grade 12,ang alam nya dun lang kami sa Conference nagkakita pero mali sya,maling mali!Hindi yun ang una naming pagkikita,hindi ko nga alam kung bakit di nya matandaan yun e,baka dahil sa katagalan ay nakalimutan na nya,mga bata pa kasi kami ng mga panahong iyon
"Joseph,pakopya naman ng assignment natin sa trigo,nakalimutan ko kasing magsagot kahapon e"
Saad ni Vincent,isa sa mga kaibigan ko...binigyan ko lamang sya ng isang cold look bago ibinaling sa katabi kong bintana ang aking pansin"Ang damot mo talaga Joseph parang di kaibigan"Hindi ko parin sya tinapunan ng tingin,ayaw ko syang pansinin dahil hindi nya lamang ako titigilan
"Bro!"Malakas na bati samin ni Aaron na isa rin sa mga kaibigan ko,kilala na sila ng dalawang kaibigan ni Zei,base sa kwento ni Vincent ay nagkabungguan daw sila sa isang mall,kaya pinaniwalaan ko na lang kahit may pakiramdam ako na hindi iyon totoo
Hindi ko rin sya binalingan man lang ng tingin at bored pa ring nakatingin sa labas
Hindi ko alam pero parang gusto ko na agad matapos ang klase ko at makita ang nagiisang babae na laging nagpapabilis ng tibok ng puso ko....noong una hindi ko pinansin pero habang tumatagal naiintindihan ko na,naiintindihan ko na kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko sya,napakabakla mang sabihin pero Mahal ko na sya at ayokong maagaw pa sya sakin ng iba,nasa akin na sya kaya bakit ko pa bibitawan?
"Naku!bro,siguro si Zei ang inisip nan"Napabalik ako sa katotohanan ng marinig ang pangalan nya na binaggit ni Vincent dahilan para mapabaling sa kanila ang tingin ko,itinulak ko paloob ang pangungulila ko sa kanya at pinalitan ko iyon ng isang blankong emosyon bago sila tapunan ng tingin
"Pagnagmamahal nga naman"Singhal naman ni Aaron,alam kasi nila na may pagtingin ako kay Zei kaya eto,palagi nila akong inaasar,kasalanan ko ba na mainlove sa kanya?kasalanan ko ba na mahalin sya?kasalanan ko ba na mangulila ako sa kanya kahit ilang minuto o oras pa lamang ang lumilipas?,hindi ko kasalanan ang lahat ng iyon,kasalanan ni Zei dahil pinatibok nya ng ganito ang puso ko pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil dumating sya sa buhay ko,lagi ko syang inaasar dahil hindi ko kaya kapag hindi nya ko pinapansin o kinakausap man lang,kaya kahit na nagsisigawan kami ay sumasaya ako,dahil napapansin nya ako at kinakausap,masaya ako na makasama sya at maging fiance ko,ang future wife ko kahit alam ko na ayaw na ayaw nya akong maging husband,oo gusto ko syang tulungan dahil ayaw ko na nahihirapan sya at sa sitwasyon namin ngayon alam kong nahihirapan sya at labag sa loob nya ang makasal sakin pero kahit gustuhin ko syang sundin na ipatigil ang arrangement ay hindi ko maaaring gawin,walang nakakakilala sa ama ko,what he wants,what he gets...ganun sya!kaya hindi ako makakatutol
Inakbayan ako ni Vincent kaya mabilis ko iyong tinanggal at binigyan sya ng maitim na tingin"Vincent bakla ka na ngayon?Wala akong kaibigang bakla ha"Pagloloko ko sa kanila para kahit papaano ay mabawasan ang pangungulila ko"Oo,joseph bakla na yang si Vincent,lagi nakabuntot kay Zack e"Napakunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng lalaking kinaiinisan ko,naiinis ako sa kanya dahil lagi nyang napapatawa si Zei samantala ako lagi ko syang iniinis....Oo aaminin ko na pinapasundan ko sya kay Vincent para malaman kung ano ang ginagawa nya,magkapareho lang kami ng eskwelahan ni Zei at hindi nya iyon alam dahil hindi nya man lang inaalam,napapansin ko din ang palagiang pagpunta ni Zack sa kanila tuwing lunch at recess namin at pati na rin ang mga tingin nya kay Zei,lalaki ako kaya alam ko kung paano nya tingnan si Zei,noong una wala lang sakin pero habang tumatagal may mga napapansin na ko
![](https://img.wattpad.com/cover/107320787-288-k673751.jpg)
YOU ARE READING
Complete Strangers
ContoARRANGE MARRIAGE Hindi na ito bago sa mga tao na nasa business category dahil most of the times ay sila yung nakikipagarrange marriage and hindi na rin ito bago sa mga stories na nababasa natin.... ARRANGE MARRIAGE WAS SO COMMON IN STORIES BUT.... ...