Chapter 5:Is it???
Zei's P.O.V
7:00 am na ako nagising,inayos ko ang sofa na hinigaan ko at nagunat
Damm it! Ang sakit ng likod ko!!
Napatingin ako sa maayos na kama
Mas maaga pa syang nagising sakin?..Siguro maaga ang pasok nya kaya ganun
Bumaba muna ako at nagtungo sa salas,manonood muna ako ng MYX para masaya haha...binuksan ko ang tv at inilipat sa channel 73 halos mapaindak ako dahil sa magagandang tugtugan ang maririnig dito
Napatingin ako ng may magsalita mula sa kusina
"Can you please lower the volume,so loud"
Reklamo ni mokong...
Psh..!! Akala ko pa naman umalis na sya at masosolo ko na ang bahay kahit papano...hindi pala! :3
Pinatay ko na lang ang tv,nawalan na ko ng ganang makinig sa MYX dahil sa kanya
Naligo na lang ako at nagbihis na ng uniform ko
Papasok na ko,ayoko talagang makasama ang lalaki na to dahil nagiinit talaga ang ulo ko pagnakikita ko sya
Akmang hahawakan ko na ang doorknob para umalis ng magsalita na naman ito
"Leaving without eating breakfast huh?"
Tiningnan ko naman sya at tinaasan ng isang kilay
Ano naman sa kanya kung hindi ako kumain,e sa ayoko talagang makita sya e,pwede naman akong kumain sa cafeteria ng school namin
"Gusto mo bang sabihin kita kay tita?"
:3...sumbungero talaga
Wala rin naman akong nagawa kaya kumain na ko and as usual konti lang ang kinain ko dahil maunti naman talaga ako kumain
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ko para umalis
"Di mo man lang ba iintayin ang mister mo?how rude"
Nagiinit ang ulo ko talaga!!wala akong oras makipagtalo sa kanya
Aish!!...dali dali kong sinukbit ang bag ko para makaalis na pero hindi ko alam na kalahi pala sya ni flash dahil sobrang bilis nyang nagbihis at ngayon ay nasa harap ko na sya na nakapoker face
Problema nya?
"Hey!!!"
Wala na naman akong nagawa ng kunin nya ang bag ko at sinukbit sa kanang balikat nya
Ang cute nya pala haha!!
Wait.............
Anong sinabi ko?...aish!
Sinenyasan nya ako na sumunod sa kanya
Pinagbukas nya ako ng pinto at umupo naman ako
Pinagdrive nya ako papuntang school...bababa pa sana sya para pagbuksan ako ng pinto kaso pinigilan ko sya
"Wag na,i can open the door by myself"
Pinaningkitan nya lang ako ng mata na parang naghahanap ng rason
Ayoko lang naman na makita sya ng mga kaschoolmates ko especially classmates ko kasi diba?! Sikat sya at baka pagkaguluhan sya dito...kilala ko na sila at alam ko na ganun ang gagawin nila once na makita nila na kasama ko si Joseph
"Give me a reason"
Walang emosyong sabi nya sakin...di naman ako nakasagot dahil alam ko na wala syang pakialam sa rason ko...ewan ko ba kung bat hindi kami magtalo dahil dito siguro dahil nagsawa na ko na lagi na lang syang kabangayan
"Cant give me a reason"
"E kasi ano--"
He cut me off
"Kung wala kang mabigay na rason,ako madami,i have a lots of reason why do i need to open this door for you"
Bat ganun?...ano tong nararamdaman ko?...shit!!...why do im feeling this?
Hinayaan ko na syang pagbuksan ako ng pinto at isang "thank you" na lang ang ibinigay ko sa kanya
Pagkababa ko ay umalis na rin sya
Sinalubong naman ako ng mga kaibigan ko na may malawak na ngiti...i mean mapangasar na ngiti pala
Whats with them?
7:30palang kaya maaga pa kami,naglibot libot muna ako kasama ang mga kaibigan ko sa loob ng campus,ilang araw din kaming walang pasok haha..
Ng magring ang bell ay pumunta na kami sa classroom at parang hangin namang lumapit sakin si Vicky,classmate ko
Tinaasan ko na lang sya ng isang kilay dahil tinatamad akong magsalita
"I saw you......"
Pinagsasabi nya?....malamang makikita nya ko,may mata sya e
"With Bryan"
"Bryan?"
Sinong Bryan ang sinasabi nya? Wala naman akong kilalang Bryan
"Joseph Bryan Ace Alcantara"
Parang tumigil ang buong sistema ko ng marinig ang pangalan nya...
Shit! May nakakita pala at classmate ko pa
Anong sasabihin ko?
"Its him right?kotse nya yung naghatid sayo"
Hindi ako makapagsalita...
Ano bang nangyayari sakin?...kayang kaya ko namang itanggi yun a...kayang kaya kong sabihin na hindi si Joseph yun
Pero.....
Pero may kung ano sakin na parang gustong sabihin na "oo si Joseph nga yun",parang may kung ano sa loob ko na gustong ipagmalaki ko na SYA yung naghatid sakin,na SYA yung Future Husband ko
Natapos ang buong klase ko at parang bigla akong naexcite ng marinig na magring ang bell at dali dali kong inayos ang mga gamit ko at pumunta sa parking lot....
Inaasahan ko na kakaunin nya ko pero hindi ko nakita ang kotse nya
Damn this feeling!! I hate it!!
Sumabay ako kay Jadelle umuwi,pag uwi ko ay inaasahan kong nandun na sya pero......wala sya!!
Gosh!i hate this...
Ano bang nangyayari sakin?..
Why do i always want to see him?
Why?
~~~~~~~~~~
thanks for reading my story this far ...Ipagpagpatuloy nyo po hanggang ending :)
YOU ARE READING
Complete Strangers
Short StoryARRANGE MARRIAGE Hindi na ito bago sa mga tao na nasa business category dahil most of the times ay sila yung nakikipagarrange marriage and hindi na rin ito bago sa mga stories na nababasa natin.... ARRANGE MARRIAGE WAS SO COMMON IN STORIES BUT.... ...