Chapter 3

253 9 0
                                        

Chapter 3:Arrangement

Zei's P.O.V.

Limang buwan na mula noong nakuha ko ang Best Photojournalist sa Journalism Conference,madami na ding nagbago lalo na sa campus namin,halos ako na nga ang nagko cover ng mga activities dito sa campus e,nakilala na din ako sa campus namin maging sina jadelle at nicolle ay hinahangaan na rin ng mga estudyante dito

Nakakatuwa nga e,dahil sa isang conference ay madami ng nagbago,kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa Mr.Yabang na Joseph na yun,hindi ko akalain na malaki pala ang maiaambag nun sa buhay ko

Kapag nga nakikita ko yung certificate,sash,at trophy ay naaalala ko si Mr.Yabang,kahit naman inis na inis ako dun e isa pa rin sya sa dahilan kung bat ako nanalo BUT

Isang malakiiiiing BUT

Kung magkikita man kami ay hindi parin ako magiging mabait sa kanya,di ko padin nakakalimutan ang nangyari sa conference na makalaglag panga...letche!!

Kapag naman naiisip ko yun,naiinis ako...binahiran nya ng dumi ang malinis at inosente kong mga mata kaya di ko sya mapapatawad

"Ano anak tapos ka na?"

Tanong ni mommy sa kabilang side ng pinto....may pupuntahan kasi kaming business meeting daw? Ewan ko ba kung bat pati ako ay kailangang pumunta dun..di naman ako makahindi kasi sabi ni mommy at daddy kailangan daw nandun ako

Nagpunta kami sa sikat na A Restaurant,isa sa pinakasikat na restaurant dito sa Pilipinas at may mga branch din sila sa ibang bansa

May kinakausap sina mommy at daddy na mukang business owners din..mag-asawa siguro sila

Nagpaalam na ako kina mommy at pumasok na sa loob ng Restaurant...sinalubong ako ng isang lalaki na mukang dito nagtatrabaho...tinanong ako nito kung may kasama ba ako kaya sinabi ko na kasama ko ang parents ko

"May reservation po ba kayo?"

I nod...

"Pangalan po?"

"Rivera"

Sagot ko...alam ko naman na hindi yung pangalan ko talaga yung tinatanong nya kundi yung pangalan ng nakareserve...Sinundan ko sya at pumasok kami sa Private section ng restaurant,itinuro nya sakin kung saan uupo kaya umupo na muna ako

Ang tagal naman nila mom and dad

Habang nagiintay ay may lumapit sakin,hindi na ko nagabala pang tapunan ito ng tingin dahil mukang ito yung waiter

"Later"

Tipid na sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko,narinig ko naman na mahinang tumawa yung waiter

Natigilan ako sandali dahil sa tawa nya

Yung tawa nya




Parang










Parang narinig ko na dati

Tumayo ako at hinarap ang waiter pero laking gulat ko ng malaman na hindi pala waiter ang nasa tabi ko kundi si......










"Joseph?!"

Gulat na tanong ko..nginitian nya lang ako...as usual dala pa rin nya ang pagiging mayabang at mahangin nya....i just rolled my eyes on him...naramdaman kong umupo sya sa may harap ko pero di ko sya pinansin

Complete StrangersWhere stories live. Discover now