(A/N: Siguro napansin nyo sa Chapter 3 magulo right? Hahahaha nalilito kasi ako kay Cj at Charles eh. Sorrna😁 )
Keira Jane's POV
Nandito ako ngayon sa bilihan ng mga pagkain. Nagpaiwan na ako sakanila dahil uulit pa daw sila sa Space Shuttle.
Himala dahil hindi gaano marami ang tao ngayon unlike dati na napaka haba ng pila.
Bumili ako ng DQ Oreo Blizzard at naglakad lakad ako titingnan ko kase kung bukas na yung rio grande.
May mga nadadaanan akong mga Schoolmates namin at mga naka tingin sila saakin. May nakakapagtaka sa muka nila eh. Parang naka tingin sila sa likod ko tapos kinikilig sila na muka silang natatae na ewan -_-
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at himinto ako bigla. May bigla namang bumangga sa likod ko."Aray!" Sigaw nya. Tumama kase yung ulo nya sa likod ng ulo ko. Ang sakit nga. Lumingon ako sakanya at nanlaki yung mata ko. Kamuka nya si Korean Guy na nakatabi ko sa Space Shuttle.
"Sorry Miss." Sabi niya saakin at ngumiti. Kamuka niya yung nakatabi ko pero muka tong masayahin.
"Korean ka?" I asked. Malamang maintindihan ka niya keira korean nga siya eh. Malamang di yan nakakaintindi ng tagalog. I'm so Stupid. Nakotongan ko tuloy yung sarili ko ng wala sa oras.
"Bakit mo binatukan sarili mo?" Sabi niya habang natawa. Oh tingnan mo nabatukan ko pa yung sarili ko dahil sa katanghan ko.
"Ahh hehehehe wala" Sabi ko sakanya at nag Peace Sign. Tumingin naman siya sa Bracelet na suot ko.
"Nice Bracelet huh!" Sabi niya. This guy look so Friendly. Madali siyang maka sundo and he always smile i think? Halata naman sa Itsura niya. "Where did you buy that?" He asked pero hindi parin nawawala yung ngiti sa labi niya.
"Hindi ko to binili. Someone gave me this bracelet as a promise i think? But i forgot to ask his name" Medyo malungkot kong sabi. Nag Flashback nanaman sakin yung nagyari nung 13 years old ako. Ang tanga ko kase hindi ko man lang tinanong pangalan niya.
"Ahhh. Nakakalungkot naman. By the way saulo ko lahat ng Pasikot sikoy dito sa EK do you want me to tour you here? Mukang naliligaw ka ata?" Sabi niya nakangiti parin siya. Siguro likas na masayahin talaga siya.
"Actually Yes. Nakalimutan ko na nga siguro. 13 years old pa kase ako simula nung pumunta ako dito tapos ngayon nalang ulit nasundan ikaw ba?" Tanong ko sakanya. Nagsimula na kaming maglakad ako may hawak na DQ ice cream siya may hawak na Coke in Can.
"Every Year nandito kami. Family Bonding ba." Sabi niya napa Ahh naman ako. Rk to malamang.Nag ikot ikot kame masarap siyang kasama huh. Madali kameng magkasundo parehas kami ng mga Taste sa pagkain pati sa mga rides.
"Ano pang Rides gusto mo sakyan? maaga pa naman." Tanong niya saakin. "By the way saang school ka nag aaral?" Tanong niya.
"Wilford Academy." Sagot ko.
"Wow. Rich kid ka noh? Nabasa ko kase sa Internet about sa School nyo. Puro Rich Kid lang daw nag aaral dun. Maganda rin daw magturo yung mga Teachers dun at anti bullying ang School nyo." Manghang sabi niya. Naku kung alam mo lang mr.korean guy oppps i yung name niya hindi ko papala alam kanina pa kame magkasama.