(So ayun november2017 ko pa pala na update tong story na to. Binasa ko ulit siya mula simula parang ang cringe pero into this story na ulit ako at masusundan ko na ulit. Sana ma enjoy nyo sorry sa 9 months na pag hihintay hehehe😅.
BTW: Smooth lang tong update ko don't expect too much masakit umasa.dejoke!😂)
Keir Jane Travor's POV
"Kase naman eh! Pwede namang tumanggi nalang kayo. Atsaka diba staycation ka? tapos ikaw diba mag tra-travel kayo ng family mo?" tanong ko kay cheya at tzuyu na prenteng naka higa sa kama ko, habang ako nakatayo at stress na stress na sakanilang dalawa.
"We change our mind. Gusto naming pumunta sa korea with you. Great idea right?" Sagot ni tzuyu at ngumiti pa ng napakalawak. "And besides its been a year since nung nakapunta ako sa Inkigayo, gusto ko ulit manuod ng live." Dagdag pa niya.
"True! Nag comeback yung favorite boygroup ko. I wanna watch them performing live." Singit naman ni cheya.
So no choice ako kung di lumipad papuntang korea kasama tong dalawa. Akala ko pa naman makakapagbakasyon ako ng walang sakit sa ulo.
"Sasama si kuya charles ayieee kilig na ano niyan ni keira." Tinarayan ko si tzuyu at pumagitna sakanipang dalawa. "Sleep over kame dito ah!" tumango nalang ako. No choice naman ako dahil nandito narin yung mga maleta nila pati passport atsaka yung plane ticket.
Kim Rae-Won's POV (Ray)
"Ano na park chaerim?" tanong ko sa pinsan ko. Trainee siya sa isang Entertainment agency dito sa korea at mag de-debut na siya next year.
Pano ko siya naging pinsan eh park last name niya? Simple yung nanay niya kapatid ng tatay ko eh park last name ng tatay niya kaya park siya hindi kim gets nyo?
"Kalma ka lang saglit na nga lang eh!" inis niyang sabi. aba naku park chaeyoung onting onti ka nalang sakin. Isang isa ka nalang talaga!
"Kanina pa yang saglit mo tapos papasok ka nanaman sa isang store tapos saglit nanaman!" Sinimangutan nya lang ako at nagtuloy tuloy padin siya dun sa isang store. "Di bale rae-won kapag nakapag debut naman na yan di niya na magagawa tong mga ganto." bulong ko sa sarili ko. Pag tiyagaan ko nalang dahil next year malaya nako sa pagsama sakanya mag shopping.
"Ray!!" Tawag ng boses babae mula sa likuran ko. Lumingon naman ako para makita kung sino iyon.
"Oh! Tapos na tapos na happy ka na?!"
Keira Jane Travor's POV
"Medyo maliit lang mall nila ah mas malaki sa pinas pero bongga." Nakangiting sabi ni cheya. Kahapon pa kame nandito sa korea pero natulog lang ako maghapon at sila nag gagagala sa seoul ngayon lang ako nakasama.
"Can you just hold this tzuyu?" inis na sabi ni charles sa kapatid niya. Yes totoo nga kasama nga siya samin at dun din siya nag sta-stay sa bahay namin dito sa korea. Pero wag kayong ano magkakahiwalay kame mg kwarto.
"Ikaw na kuya pogi ka naman eh ayieeee tuwa na yan." Tinarayan lang siya nito at tumawa lang si tzuyu. Kakaiba talaga tong magkapatid na to. Minsan nga naiisip ko bakit parang magkabaligtad sila eh? mas mahinhin pa si charles kesa kay tzuyu ka turn off pero okay lang yun crush ko parin siya.