Hi~~<3 5: That smile. :D

155 5 0
                                    

Matchmaker ko si Simsimi ^^

Hi~~<3 5: That smile. :D

Soulmate’s POV

Ano kayang damit bagay sa kin? Well, lahat naman ng damit na maganda bagay sa kin e. Pero dapat mas astig akong tignan kesa sa iba. Alin kaya?

Ang gulo naman ng babaeng to, takbo ng takbo.

.

.

.

.

.

.

Oist! Niyakap pa ko o. Ang gwapo ko talaga.

“HOY! WAG KANG MAGTAGO SA LIKOD NG BOYPREN MO! HUMARAP KA SAKIN!”

Nakow. May kaaway pala. Sino naman to? Matanda na to a?

“SORRY NA PO. MALI PO AKO NG NAKITA. SORRY PO MANONG.” pag-eexplain nung babaeng yumakap sa kin. Ano kaya kasalan nito?

Tumingin sa kin yung matanda. Mulo ulo hanggang paa nga e.

Tinitingin- tingin mo dyan? Wag mo kong idadamay na matanda ka!

“Pasalamat ka gwapo yang boypren mo kundi…”

Pano ba yan? Kahit matanda nagsasabing gwapo ako. Hahaha! Umalis na yung matanda pero yakap pa rin ako nito. Makayakap a?

“Puwede mo na siguro akong bitawan?”

At ayun, binitawan nga ako kaya humarap ako sa kanya. Baka chicks e.

“Thank you. Sorry sa pagyakap ko.”

Hindi ko makita. Ano ba yan, nakatungo e.

“If I know binalak mo talagang gawin yun para mayakap mo ko.” –Ako

“What? Wow a! Bakit, pogi ka ba para-“ –siya at ngumiti siya ng sobrang laki.

0.0-> reaction niya nung una tpos nging ganto -> 0.o

Problema nito? A, ang gwapo ko kasi. Hahaha!

Ngumiti siya sa kin. Hindi naman siya maganda, hindi rin naman pangit. Pero yung ngiti niya, wagas e. Nakakahawa.

“So… Plinano mo talaga?”

Ayun nawala yung ngiti. Naging ganto: -_-

“Hindi no! Feeler ka naman. Hinahabol lang talaga ko nung matanda. Napagbintangan ko kasing manyakis. Hahaha! Nakakatawa no? hahaha!”

Edi siya na masaya.

“Ok. Sabi mo e.”

Maka-alis na nga. Tumalikod na ko sa kanya at naglakad palabas. Tyang gumagala o. Bakit ako napapangiti? Yung ngiting yun kasi, parang nakita ko na yun. Hindi ko alam kung saan, pero naaalala ko yun. San nga kaya? Hmmm...

Sumakay na ko sa kotse ko at nag-drive na pauwi. Pag dating ko sa bahay derecho na agad ako sa kwarto ko at humiga.

"San ko ba nakita yun? Bakit ba di ko maalala? Nakakainis naman o! Ang sakit kaya sa ulo mag-isip! Aish!"

Ikot-ikot sa kama. Tayo, higa ulit, takip ng unan. Tanggal ulit.

"Matutulog na nga lang ako."

Zzzzzz..... Zzzzzz....

"Oi soulmate... Oi. Bakit ka ba natutulog dyan? Gumising ka na! Naghihintay ako o." tapos ngumiti siya. Yung nakaka-adik na ngiti. Yung ngiting matagal ko nang hinahanap.

"Oi. Matagal na kitang hinahanap. Bakit ba hindi ka nagpapakita sa kin?" tanong ko sa kanya.

"Nakita mo na ko. Hindi mo nga lang ako pinapansin."

"Talaga? Kelan?"

"O diba? Sabi ko sa 'yo e. Kinalimutan mo na agad. Tsk." Hala ka. Paalis na siya.

"Teka! Saglit lang! Wag kang umalis! Wag!!"

*Blag!

"Aray ko! Pwet ko. Panaginip lang pala?" tumayo na ko at humiga ulit sa kama ko. Oo, nalaglag ako sa kama.

"Teka, ano nga ulit sabi niya? Nakita ko na siya noon? Pero hindi ko maalala? Ano yun?"

Nakakainis naman kasi e. Simula nung napaniginipan ko siya, di na siya maalis sa isip ko. Sabi niya kasi sakin siya yung soulmate ko. Kaya nga mejo matagal ko na rin siyang hinahanp e. Kaya lang parang panaginip lang talaga siya e.

"Nakita mo na ko. Hindi mo nga lang ako pinapansin."

"Talaga? Kelan?"

"O diba? Sabi ko sa 'yo e. Kinalimutan mo na agad. Tsk."

TEKA! NAKITA KO NA SIYA? DI KO LANG DAW NAPANSIN AT NAKALIMUTAN KO PA? WEH NGA?

Nakita? HIndi lang napansin? Hmmm. Yung ngiti niya, nakaka-adik.

“What? Wow a! Bakit, pogi ka ba para-“ at ngumiti siya ng sobrang laki.

"Ngumiti? AYT! OO NGA! SIYA YUN! YUNG BABAE KANINA SA BLANK! Teka anong oras na ba?" tumingin ako sa orasan, at 1:00 a.m na pala. Ano ba yan, napasarap tulog ko. Mamaya na lang, pupunta ako sa blank, baka nandun siya. Natulog na lang ulit ako.

.

.

.

.

.

.

.

*Tiktilaok! Tiktilaok!

"Umaga na!!!!" Edi ako na excited. Wahaha! >:))))

Naligo na ko, nagbihis at kumain. Umaga pa lang pupunta na ko sa mall. Hihintayin ko siya. Di ko alam pero feel ko dadating din siya. I think this is the day na makikilala ko rin ang soulmate ko. Sa wakas. :)))))

Matchmaker ko si Simisimi ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon