Chapter 1: First Heartbreak

2.6K 40 0
                                    

Zoe's POV

"It's not you, It's me"

Ang mga salitang lumabas sa bibig ni Vince bago kami nagbreak, nalaman ko kasi na may iba syang babae na ka officemate nya.

"Vince, let's talk! Ganun ganun mo nalang ba itatapon ang Seven years? we've been together since College, then you're breaking up with me? Dahil sa babaeng kakakilala mo lang nang wala pang 3 months?"

"Listen, you are so boring! 7 years akong nagantay pero sa simbahan moko laging dinadala, tsaka look at you! Nagbago kana! Pinabayaan mo yung sarili mo"

"So lumabas din sa bibig mo na katawan lang pala ang hinahabol mo sakin"

"don't be too confident Zoe, you look like an old maiden! kaya nawala pagmamahal ko kasi ang boring boring na!"

"Magbabago ako, just don't leave me ok?"

"Sorry but it's too late"

"Sige! Umalis ka! Kapag gumanda ako, Who you ka sakin"

Sinigawan ko sya habang umiiyak

"I'm leaving"

Umalis si Vince sa bahay at ako nama'y umiyak lang ng umiyak

Makalipas ang dalawang linggo ay dumating si Dimple na bestfriend ko mula Korea, sa bahay sya tumuloy, nalaman nya na din ang nangyari samin ni Vince

"Ano na Zoe? Ganyan ka nalang? Naliligo ka paba?"

"Ang hirap hirap naman kasi!"

"Teka, bakit pumayat ka? Baka di kana kumakain ah!"

"Gusto ko ng mamatay"

"Kararating ko lang, gusto mo na agad mamatay, halika nga muna dito at tulungan moko ayusin ang gamit ko, madami akong dalang beauty products dito"

"Talaga? Gaganda ba ako dyan?"

"Hoy! Ang ganda ganda mo kaya! Pumangit ka lang naman nung naging jowa mo si Vince, sya tong ayaw kang pinagsusuot ng daring na damit, at sya talaga nagpalosyang sayo sa dami ng topak nya sa buhay"

"Bes, Seven years yun bes! 20 palang kami nung maging kami"

"Eh ano? Masama bang mainlove ka ulit?"

"Bes naman"

"Natatakot kang maging virgin forever?"

"Sira ulo ka! Hindi yun.. Dapat kasi nagpropose nalang sya, kung yun lang ang gusto nya"

"Nako Zoe, mainam na nga na hindi pa kayo kasal, magloloko pa pala yan"

"Anong gagawin ko?"

"Ayusin mo muna ang sarili mo, may job offer sakin si Tonette, Secretary daw eh,gusto mo ikaw nalang? May contract pako sa Korea"

"Ayaw ko muna magwork bes"

"Pucha! Magtrabaho kana, mauubos ang milyones mo nyan"

"How I wish! Broken pa ako ngayon"

"Diba mas ok na nga na maging busy ka para makalimutan si Vince?"

"Gusto ko syang gantihan alam mo ba yun?"

"So manlalaki kana Zoe?"

"Hindi! Balik alindog program lang"

"No need naman Zoe, palit ka lang ng style sa pananamit tsaka yung braces mo 5 taon na ata yan? Ang baho na ng hininga mo"

"Nakakainis ka! next month tatanggalin nato, tsaka hindi ako bad breath"

"Haha! Napipikon ka naman, sige na ikaw nalang kumuha ng job na to, sayang din 4 months lang naman kasi yung secretary nung boss ay magmamaternity leave"

My Arrogant Bosses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon