Chapter 6: Conversation with my Ex

819 20 0
                                    

Zoe's POV

Dumating ang araw ng pagalis ni Dimple

"Bes, sorry hindi kita mahahatid ah ingat ka mamaya pagalis mo"

"Ok lang yun, mamimiss kita"

"ako din, ang bilis bilis naman kasi ng isang buwan"

"Sana, makapagmove on kana kay Vince, yung mga beauty tips ko gawin mo, tsaka yung mga iniwan kong beuty products gamitin mo ah? Hindi mo kasi ginagalaw"

"Alam mo namang hindi ako sanay!"

"Manood ka sa youtube, naku ang dry dry ng skin mo eh, tsaka wag na wag kana mag ga glasses ulit ah.. Sasampalin kita talaga"

"Opo, magconsult ako sa optha and dentist sa weekend para sa braces ko, papatanggal ko na"

"Mabuti! Yung mga damit na iniwan ko, sayo un"

"Ha?"

"Anong Ha! Ah basta ipakita mo kay vince na di sya kawalan, tsaka mas magagandahan mo pa ung Girl Friend nya ngayon no"

"salamat bes"

"I love you bes"

"I love you too"

Umalis ako ng bahay, si Dimp kasi ay 9am pa aalis, kaya nauna na akong umalis at pumasok.

"Hindi ata papasok si Sir Marcuz kaya payapa ang buhay ko, sana ay laging ganito"

Bulong ko

Maya maya lang ay may pumasok sa pinto na labis kong ikinagulat

"Marcuz!"

Sigaw nito

"S-sir He's not here"

"Oh! Ms. Valdez right? why you're still here?"

Hindi ako kumikibo at nagulat ako nang lumapit sya sa akin at binulungan ako

"Let's play! I'm the Tiger and you're my prey... I will make you regret staying here"

sabay labas ng office, Natulala ako sa sinabi nya

Lunch time na at nasa isip ko padin ang pagbabanta ni Sir Prince, totoo ngang masama ang ugali nya at nakakatakot sya.

Tinawagan ako ni Dimple na nasa Airport na daw sya, nalungkot ako bigla sana ay sumama nalang ako sa kanya sa Korea, kung alam ko lang na para akong nasa Hell sa piling ng mga Boss ko

Uwian na at hindi nga pumasok si Sir

"Kung alam ko lang na di sya papasok sana sumama na ako sa airport, haizt"

Naglalakad ako papunta sa sakayan ng Van nang isang sasakyan ang dumaan sa harap ko dahilan para mabasa ako ng tubig mula sa kalsada dahil kakaulan lang.

"Badtrip!"

Huminto ang sasakyan, kaya tumakbo ako, kinatok ko ang driver

"Kuya naman sa susunod baka pwedeng magdahandahan kayo, alam nyo bang favorite ko ang damit na ito? pano kung magmantsa to?"

"Magkano ba miss" sagot nito

"Hoy! hindi matutumbasan ng pera ang halaga ng damit na ito! nakakainis bakit ba ang dami nyong bastos sa mundo? sana nagsorry ka nalang eh"

"Pasensya na"

"Nakakainis!"

"Leave her, we're late"

My Arrogant Bosses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon