Chapter 20 : Drunk Princess

674 18 0
                                    

Zoe's POV

After two weeks na pahinga nakarecover na ako sa wound ko, naubos nalang ang araw ko dahil sa puro sakit at kamalasan ko

1 month and 1week nalang ako sa NGC, pero halos 3 weeks puro ako absent, after nung makita ako ni sir Marcuz with Vince ay hindi na sya pumunta sa bahay, ganun din si Sir Prince dahil ang balita ko ay nasa Japan sya for Business trip with the CEO

Pagbalik ko sa office ay agad akong kinamusta ni Ms. Beltran

"Zoe, welcome back, kamusta kana?"

"Ok na po, salamat sa pagaalala"

"Namiss nga kita eh"

"Ako din po... sya nga po pala nasan po si Sir?"

"Hay nako, may topak nasa office"

"Haha, sanayan lang po, salamat"

Agad akong pumasok sa office

"Goodmorning sir"

tumungo lang sya at nagsenyas na lumabas ako, kaya lumabas ako sa office

"Ano kayang problema nya?"

Napansin ko ang pagbabago ni sir, maghapon nya akong hindi kinausap o pinansin manlang

Umuwi ako sa bahay ng malungkot, naubos ang oras ko na walang nangyari.

Gusto ko sanang uminom kaso hindi naman pede, feeling ko kasi namiss ko si Sir

"Buwisit!"

humiga ako sa kama at tumingin sa kisame

Kinabukasan ay abala ang lahat

"Ms. Bletran bakit madaming tao sa baba?"

"Ah kasi nga magaanniversary na ang NGC in 3 weeks"

"Ah kaya pala ang daming visitors"

"Hindi lang yun, yung engagement ni Sir Marcuz at Ms. Dianne eh isasabay na"

"ha? nagkabalikan na sila?"

"Hindi ko alam eh, pero kasi araw araw nandito si Ms. Diane"

"Ah, siguro ok na sila"

Nagpunta ako sa Cr, hindi ko alam pero naluha ako

"crush ko lang sya, pero bakit ako nasasaktan?"

Paglabas ko sa CR ay syang bungad ni Ms. Diane

"Ms. Valdez"

"Ma'am?"

"Can we talk?"

"Yes po"

"Well, Marcuz and I are getting married, kaya sana dumistansya ka sa kanya, 2weeks kang nawala kaya baka naguguluhan ka, kaya kung may feelings ka sa fiance ko eh itapon mo na"

"Wala po akong nararamdaman for him Ma'am"

"Dapat lang, dahil secretary ka lang, at hindi ka bagay sa boss"

"Opo opo"

Umalis sya sa harapan ko.

Bumalik ako sa office, ang tahimik, feeling ko ay wala na akong halaga, feeling ko kaya na ni sir ang sarili nya at hindi nya na ako kailangan.

Nagulat ako nang lumabas sya sa office nya

" Ms. Valdez, we will leave at 1pm later we are going to Palawan"

"Sige po"

Nasa Palawan ang family ko kaya masaya ako, possible na makita ko sila kung sakaling magsstay kami doon ng buong magdamag

My Arrogant Bosses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon