Chapter 13: Everybody Hurts

725 19 0
                                    

Lumipas ang ilang mga araw, nanatili akong tahimik sa mga nangyari, ang linggong na marahil ang pinaka kakaiba at komplikado, simula nang nagtrabaho ako sa NGC ang daming nagbago sa buhay ko.

Isang Linggo nalang at 2 months na ako sa Company, nagreready nadin ako dahil susunod ako kay Dimple after ng contract ko dito, tatapusin ko lang din ang taong ito.

Naikukwento ko sa kanya lahat ng nangyayari sa buhay ko, araw araw

October na, abala na ang lahat sa mga Christmas Decoration, maganda din ang takbo ng sales ng company dahil sa season na ito.

Napadaan ako sa isang store, naalala ko muli ang mga panahong magkasama kami doon ni Vince, iba talaga kapag nakasama mo ng matagal, ma mimiss at mamimiss mo sya.

Dumating ako sa Office, at kaka announce lang na magkakaroon daw ng company Outing ang Executive, Administrative at Marketing Department.

Meaning kasama doon ang executives at ang mga designer, pati mga marketers. Kinabahan na agad ako, si Vince ay nasa Marketing Department, marahil ay magkikita kami kapag sumama ako.

"Zoe, sama ka ah.."

"Ma'am Beltran, parang ayaw ko po ata"

"Bakit naman?"

"Basta po"

"Naku, kasama pa namn ang VP, at si Sir.. Naku masaya sila kasama"

"Masaya?"

"Taon taon kami pumupuntang Batangas at masaya silang kasama lalo kapag mga nakainom na"

"Hehe naku ma'am hindi ko po sure ah"

"Pilitin mo padin, para naman magkabonding na tayo.. Malapit kanang umalis oh.. 2 buwan nlng"

"Sige po ma'am"

Nagdecide akong sumama sa Outing, sabi din ni Dimple na mas Ok na malaman ni Vince na nakamove on na ako. Pero pano ko sya haharapin kung ako ang reason kung bakit natanggal sa trabaho ang Girlfriend nya.

After Two weeks

Bukas ang Outing namin, hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa ako, nandoon ang tatlong taong iniiwasan kong makasama sa mga ganoong event. Si VP, si Sir at si Ma'am Dianne

Abala ang mga admin sa magaganap na Outing.

"Sir, kailangan nyo daw po itong permahan sabi ni Ma'am Beltran"

"What's that?"

"I don't know sir"

"Ok"

Umalis ako sa Office pero bago pa man ako lumabas ng pinto ay

napabalik ako bigla

"Sir"

"Why?"

"Sasama po ba kayo ni VP sa Outing?"

"I don't know yet, Maybe not, Why?"

"Ah wala po"

"Prince is busy this week so He might not able to join the event"

"Ah Ok po, salamat"

Nang malaman kong hindi sila sasama ay nagmadali na akong umuwi ng hapon para maka pamili ng mga gagamitin ko bukas

9PM na ako nakauwi sa bahay at tsaka ko inayos ang mga pinamili ko, bigla akong tinawagan ni Ms. Beltran

"Yes ma'am?"

"Sasama kaba?"

"Opo"

"Ay very good, see you"

My Arrogant Bosses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon