Chapter 18 : The Worst Person

715 17 0
                                    

Marc's POV

Pinermahan ko ang waiver ng Hospital at pumayag sila, sinabi ko kasi na wala ang parents ni Zoe, gamit ang ambulance nila ay hinatid sa bahay si Zoe at nakaabang na si Vicky doon.

Bumalik ako sa bahay ni Zoe para kunin ang mga damit nya, nakaimpake ang dalawang bag, sinilip ko ang laman nito at puro damit ang isang bag ay naglalaman ng mga gadgets.

Binitbit ko nalang iyon at sinakay sa car, bago isara ang pinto, nakita ko ang cellphone nya, kung saan sya nakahiga noon, basag na ito at low battery.

Bumalik ako sa bahay para i charge ang phone nya, wala itong lock kaya mabilis kong naopen, wala akong balak makibasa sa mga messeges nya, pero gusto ko makita ang kuya nya para mahanap na ng mabilis ng mga police

Habang nag hahanap ako ng picture, nakita ko ang isa pang babae, familiar sya sa akin, naghanap pa ako ng picture at nakita ko ang sarili ko

"Sya nga yung nasa Italian Cuisine"

Himbis na magalit ay natuwa ako, ayaw nya umamin na sya yon dahil marahil ay takot na takot sya sa akin, ang suit nayon ay regalo ni D kaya mahalaga yon sakin, pero hindi na ako galit ngayon.

Walang picture si Zoe ng family nya, kaya hinayaan ko nalang.

Maya maya'y may dumating na car

"Prince?"

"I'm staying here until she gets better"

Well iba din to magkagusto sa babae, nakahanap na sya ng katapat nya, pero bakit hindi ko ganon ganon nalang maibigay ang babaeng ito sa kanya?

Nasa guest room ang room ni Zoe dahil sa mas madali itong puntahan at para hindi kailangan umakyat-baba sa hagdan kung sakaling magising na sya.

Tumawag sa akin si Dad at nagtataka kung bakit pinilit ni Prince na magstay sa bahay na kasama ako, pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo, kilala ko si Dad.

"Vicky, kamusta si Zoe"

"Wla na syang lagnat pero tulog padin"

"Buti naman"

"Sabi sayo sir, masasanay ka ding Zoe ang itawag mo sa kanya"

"Ha?"

Napansin ko nga na Zoe na ang tawag ko din sa kanya

"Mas madali kasing banggitin"

"sabagay sir hehe"

Kinabukasan, nabalitaan kong gising na si Zoe, kaya pinuntahan ko agad sya sa room nya

"How are you?"

Tanong ko

"medyo masakit tong sugat ko pero yung ulo ko ok na, salamat nga pala sa pagtulong mo sakin Sir"

"Salamat din sa pag save mo sakin"

"wala yun"

Nakangiti nyang sabi, biglang dating ni Prince

"Hey!"

"Sir Prince"

"Ok kana?"

"yes po"

I can see that Prince is in love with her already, pero bakit ako nasasaktan? Iniwan ko sila sa room, pag labas ko ay hindi maganda ang nakita ko

"Dad? Mom?"

"Hey! Let's be together again, we will just stay here for a week"

"G-good to see you two"

Inutusan ko ang mga maids para i akyat ang gamit nila sa master bedroom at inilayo ko sila sa guest room

My Arrogant Bosses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon