Five in the Morning, nagising ako sa isang malakas na katok, at nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa labas ng bahay. Binuksan ko ang pinto at hindi ko alam ang sasabihin ko
"Bunso"
"Kuya Jerome, p-pasok ka"
Nanginginig ako sa takot, pinapasok ko sila sa bahay at pinagtimpla ng kape
"Sya nga pala si Agnes girlfriend ko, Nes si Zoe kapatid ko, mabait yan"
"Hi Zoe, nandito kami para asikasuhin yung papel ko, ikakasal kasi kami ng brother mo"
"Kasal? Wala pa ata kayo isang buwan ah"
"Di naman na uso yang tagal nayan, basta mahal mo, mahal mo"
"Desisyon nyo yan"
Gumayak na ako sa pagpasok dahil ayaw ko namang magstay sa bahay
"Kuya, may stock ako sa ref, bale magluto nalang kayo ng food ok?"
"Sige thank you bunso"
Naiinis ako pag tinatawag nya akong bunso, pero sana lang nagbago na sya, sana hindi na sya nananakit.
Pumasok akong tulala, ang aga ko kaya umidlip muna ako sa table ko, Nagising ako nang may nadinig akong pumasok sa pinto
"Good Morning sir"
"Aga mo ngayon?"
"Ah, may bisita po kasi ako"
"Ok"
Wala syang interest sa kwento ko, kaya hindi na ako nagsalita, nginitian ko lang sya
Ipinagtimpla ko ng coffee si sir, nang biglang dumating si Sir Prince
"I want coffee too"
Sabi nya, kaya sinunod ko lang, pinagtimpla ko ng coffee si sir Prince at bago ako pumasok ay nadinig ko ang usapan nila
"Dad is pushing your engagement with D"
"Ang aga mo akong iinisin Prince"
"Let's celebrate, it's your dream right"
"That was before, stop it Prince"
"Goodluck to you"
Pangaasar ni Sir Prince, ako naman ay nakadama ng konting kirot sa puso, pero bakit? medyo iritable akong pumasok sa office
"H-here's your juice, I mean coffee sir"
"You took so long Zoe"
Sabi ni Sir Prince ans again he called me on my first name
"I mean Ms. Valdez, uhum uhum!"
Sabay bawi, napansin kong ngumiti si Sir Marcus
"You're blushing"
Pangaasar ni Sir Marcuz kay Sir Prince
"Ayaw ko ng coffee mo, ang pangit ng lasa"
Iniwan ni Sir Prince ang coffee at lumabas ng office, ngunit bigla syang bumalik
"Ms. Valdez, your secret is safe with me"
Anong secret? Yun ang tanong ko sa isip ko
"anong secret?"
"about dun sa conversation natin pauwi from Batangas"
"Ah ok, haha sige sir! Salamat"
Umalis na sya ng tuluyan
BINABASA MO ANG
My Arrogant Bosses (COMPLETED)
RomantikZoe is in a relationship for seven years with Vince, pero nakipaghiwalay ito, 3 Months after makilala ang bagong ka workmate sa NGC Company. Zoe's Bestfriend Dimple offered her a job as secretary of NCG's General Manager with 4 Months contract, She...