Wag humanap ng Rebound
Bes, nasaktan ka na nga tapos gusto mo pang makasakit ng iba? Ano yun? Humanap ka ng panakip butas para mawala kahit kaunti yung sakit na binigay niya sayo? Hello! Tao din sila. Hindi porket gusto ka nung tao eh gagamitin mo na agad siya para makalimot sa sakit na naidulot sayo ng taong nanakit sayo. Buti sana kung mamahalin mo din siya eh. kung hahanap ka naman ng bago siguraduhin mong mamahalin mo siya, hindi yung siya lang ang magmamahal sayo. Ano yun? One sided love ang peg niyong dalawa.
