Make peace with the past.
Natural lang sa isang tao ang magalit kapag ginawan siya ng masama. Pero maraming dulot ang tinatawag nating galit. Maaari nitong padaliin ang proseso ng paghihiwalay ng dalawang tao mula sa isang relasyon.
Pero kung patuloy tayong kakapit sa galit at sama ng loob mula sa mga nakaraang mga karanasan ay nadadala natin ito sa hinaharap. Nothing hurts more than when someone you love does something that causes you to reevaluate who you believed them to be. Syempre kapag sinira ng isang tao o ng mahal mo yung tiwala mo, masakit ito para sa atin.
Forgiveness
Matuto tayong magpatawad sa mga taong nanakit sa atin ng husto. Para ito sa emotional freedom natin. Hindi mo naman masasabing past ang nakaraan kung paulit ulit mo itong binabalikan. Awat na. Wag mo na isipin yung mga nangyari nung nakaraan. Magpatawad ka. Balewala rin kung niloloko mo ang sarili mo na naka move on ka na pero binabalik balikan mo pa ito. Wag din puro negative ang tingin mo sa kanila. Tignan mo rin yung mga positive sides nung una mo sila/siyang nakilala. Lahat naman tayo ay may flaws. Lahat nagkakamali.
