Wag siyang i-stalk
Diba sabi mo magmu-move on ka na? Bakit nags-stalk ka pa? Ganito kasi yan eh, kung gusto mo na talagang maka move on, unang-una tigilan mo na pag bisita sa mga accounts niya. Mapa facebook, Instagram o twitter man yan. Para ano? Para updated ka sa buhay niya? Eh ang tanong may mapapala ka ba? Tanggapin mo na na hanggang doon nalang yun. Tigilan mo na siya. Kasi mag da-doubt ka lang sa nararamdaman mo sa kanya. Oo di natin maiiwasan na bisitahin yung timeline niya , pero kasi at the end tayo din yung masasaktan, Paano nalang kung may makita ka dun na hindi maganda? Alisin mo na yung interes mo sa kanya, I enjoy mo nalang ang sarili mo.
