19

729 38 14
                                        

Someone's POV


"Kanina kapa dyan?"

Tawag pansin ni Seokmin sa lalaking nakaupo na nakatalikod sa kanya.

"Di naman. Anu ba yung sasabihin mo?"

"Eto na yung una at huling beses ko sayo tong sasabihin ng harapan kaya sana tandaan mo"

Pagkasabi nun ni Seokmin tila ba alam na ni Jisoo na di nya magugustuhan ang mga susunod na maririnig.

"anu ba yun? Kinabahan ako bigla ah hehehehe"

"Matagal na kitang gusto, i mean mahal pala. Hahahahaha nakakatawa diba? Minahal kita despite of your coldness"

"Ah.… uhm…"

Tila ba nawalan ng sasabihin si Jisoo.

"Ako muna ah? Sabi ko kahapon titigilan na kita kaya hayaan mo akong sabihin lahat to. Mahal kita sa di maipaliwanag na dahilan. Mahal kita kahit alam kong mahal mo sya. Mahal kita kahit alam kong walang pag asa kaya eto nganga. Hahahaha hayaan mo natauhan nako. Ayoko na umasa. Salamat!"

"Mahal kita pero mahal mo sya. Yun yung masakit, umpisa palang alam ko pero dahil tanga ako minahal pa din kita. Nakakapagod nang umasa at maghintay na ako naman ang mamahalin mo, na ako naman ang mamahalin ng mga taong mahal ko!!"

"Hindi ko naman sinabing hintayin at mahalin mo ko."

"Hahaha yun nga eh. Kaya nga titigil nako. Ok na?"

"Seokmin…"

"Di mo kelangan sumagot, di naman kasi tanung yun. Pwede favor? Huli na to."

"Ahh s-sige. Anu yun?"

"Pwede bang kalimutan mo nalang na nakilala moko? At the same time kakalimutan ko din na nakilala kita." Huminga muna sya ng malalim at  pinagpatuloy ang sinabi "Ay classmate nga pala tayo!! Ganto nalang, kunyare kilala mo lang ako kasi classmate mo ako. Yun lang! Paalam"

"Seokmin sandali lang"

"Bye Jisoo" pagkatapos sabihin ng mga katagang yan ay nakangiti at kumakaway pa sya na tila ba sobrang saya nya at di sya nasasaktan bago tuluyan nang umalis.

"Mahal na din kita. Sana lang naririnig mo. Bakit kasi umalis ka agad"

~
kung may naguguluhan huhuhuhu comment lang kayo.

Unhealthy Heart (Seoksoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon