32

700 32 0
                                    

Jihoon's

Lahat kami nakatingin lamang kay Seokmin habang binabasa nya yung chat sa kanya ni Jisoo ng bigla na lamang pumatak ang kanyang luha. Inaasahan na naming mangyayari to pero bilang kaibigan nya nasasaktan kami para kay Seokmin.

Nndito kaming lahat sa kwarto ni Seokmin dahil alam naming mangyayari to, alam naming lahat na ngayun ang flight ni Jisoo. Wala dito sila Soonyoung dahil hinatid nila si Jisoo kay Vernom este sa airport. Nang makita naming hindi lang basta pagtulo ng luha ang ginagawa ni Seok kundi pag iyak na ay agad na itong nilapitan ni Jeonghan.

"Seok wag ka ng umiyak. Kaya nga sya umalis para di ka na mahirapan diba?" Sabi ni Jeonghan habang yakap pa rin sya nito.

"Bakit kasi ang tanga ko? Hindi ko sya pinaniwalaan pero hindi nyo naman ako masisisi diba? Nasaktan lang ako at dahil sa sakit natuto akong maging maingat upang hindi na ulit masaktan pero bakit nasasaktan ako ngayun?"

Naaawa ako kay Seokmin. Alam kong isa ako sa naging dahilan kung bakit sya nagkaganun. Hindi ko napansin agad na mahal nya din si Soonyoung at dahil isang mabuting kaibigan si Seokmin ay nagparaya sya. He don't deserve this pain.

"Seok alam naming mahal mo sya, siguro nadala ka lang dahil sa paulit ulit na sakit na naransan mo. Seok mali mo lang yung dahil sa takot mong masaktan ulit ng ibang tao eh hindi mo na napapansin na ikaw na mismo gumagawa ng dahilan para masaktan ang sarili mo. Sinabi ko na sayo nung nakaraan na mahal ka nya pero ayaw mo maniwala." Si Seungkwan naman ang nagsalita ngayun.

Kung ibang araw at pagkakataon to baka nagpaparty nako dahil sa pagkaseryoso ni Seungkwan pero alam naming lahat when it comes in this kind of situation sumiseryoso lahat.

"A-ang s-sama ko b-ba guys? *sob* S-siguro d-dapat lang s-sakin t-to. *sob* Tapang t-tapangan kasi ako k-kahit yung t-totoo hindi."

"P-pero diba s-sabi n-nya m-mahal nyako? *sob* k-kung mahal n-nya t-talaga a-ako dapat d-di n-nyako i-iiwan *sob* d-dapat m-mas patun-nayan n-nyang mah-hal nya ak-ko *sob*"

"P-pasensya J-jeonghan h-hyung pat-ti ik-kaw dinamay k-ko."

"Wala yun Seok. Naiintindihan kita. May Seungcheol na ako at masaya na kami."

Gustong gusto ko ng sabihin yung totoo dahil sobrang naaawa na talaga ako sa kanya pero baka nga ito yung tama para sa kanila. Yung iba naman ayaw magsalita at napapaiwas nalang ng tingin.

"Gago kung mahal mo sya siguro naman dapat ikaw ulit ang gumawa ng way para maayos na to. Kingina nyo andadrama nyo sa buhay. Tumigil ka sa pag iyak ihahambalos ko gitara ko sayo eh." Pagalit na sabi ko at iwas ng tingin baka kasi matawa ako bigla sa itchura ng Seokmin tulo na uhog kakaiyak eh. Mukha kasing namatayan si kabayo eh buhay na buhay pa naman si Jisoo.

Nang tingnan ko ulit sya mukha naman natauhan dahil pinunasan na yung uhog nya

"Tangina Seok dinamayan na nga kita tapos pinangpunas mo pa ng sipon mo damit ko?!" Nandidiring sabi ni Jeonghan

"Hehe pasensya naman ikaw lang malapit sakin tsaka alangan kamay ko pangpunas ko? Ang baboy ko naman nun. Si Seungkwan lang naman baboy dito, kabayo lang ako." Natatawang sabi ni Seok habang kumakamot pa sa ulo, ulo sa taas. Naka PH care sya kaya di kakati baba nya. Oo PH bes yun trip nya eh.

"Tangina mo Seok maaawa na sana ako sayo pero dinamay mo pa ako? Ikennat. --hala putangina jeonghan hyung walang ganyanan kadire omagath!!" Tili nang parang kinakatay na baboy. Pano ba naman kasi tumayo si Jeonghan para magpalit ng damit eh di nya sinasadyang masandalan si Seungkwan nang bigla syang mapatid so ang labas pati si Kwan may uhog na ni Seokmin sa damit.

Tangina ang bababoy ng mga to nahawa sa kababuyan ni Seungkwan. Minsan este madalas napapaisip ako kung paano to sila naging kaibigan, kung bakit sila pa at kung paano ako nakatagal sa mga to. Kingina pero nung tingnan ko ulit sila napangiti nalang ako. Siguro ganto talaga kami konting drama at balik sa dating gawi katulad nalang ngayun.

Mukha namang maayos na si Seokmin dahil nakapagkalat na sya ng uhog nya eh lumabas na ako ng kwarto baka kasi pati ako magkauhog sa damit masira pa gitara ko dala pa naman ni Jisoo gitara nya.

Malalagpasan din to ni Seokmin, maaayos nya din to. Tanga nya lang kapag pinairal nya pa ulit pride nya.

Unhealthy Heart (Seoksoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon