Seokmin's
Ngayun na yung flight ko papuntang America. Sana lang hindi pa huli ang lahat pero ang OA naman kung huli na ako samantalang magtatatlong linggo pa lang sya dun.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay may biglang nagpiniringdin sakin bago ako isakay sa isang van."Kuya maawa po kayo sakin. Bata pa po ako huhuhu! Tsaka mga kuya pwede ba atras nyo muna pagkuha sakin? Tangina nyo naman ngayun flight ko eh."
Hinihintay kong may magsalita pero wala pa ding sumasagot. Pipi o mga bingi ata tong kumuha sa akin.
"Kuya na kidnaper no offense ah? Tanung ko lang galing ka bang kobeta? Kasi amoy ebak yung kamay mo. May sanitizer ako sa bag ko hehe try mo gamitin."
"Kingina naman napakaarte mukha namang kabayo. Kasalanan ko bang andami kong nakain sa pasalubong nya kaya ako natae?!"
"Kuya ang baboy mo naman. Kadire ka. Pero ok lang yun naaalala ko sayo yung isa kong kaibigan. Baboy din yun eh. Kaboses mo nga eh. Seungkwan pangalan nya. Alam mo ba kung hindi ko lang yun kaibigan tinakwil ko na yun halos sya na kasi nakakaubos ng pagkain namin sa apartment eh ang kuripot naman."
"Bes pigilan nyo ko baka ibaon ko to sa lupa!!! Grrrrr! -kuya #1
"Tapos may isa din akong kaibigan na kapag gabi hindi mo na makikita sa dilim kaya naman minsan matatakot ka nalang kasi akala mo may lumulutang na damit. Kung hindi lang siguro yun ang taga luto at taga linis ng bahay pinalayas ko na din yun!! Isa din yun sa malakas kumain eh!! Mukha talgang sunog yun si Gyu. HAHAHAHAHAHAHA!!"
"Kingina gigil ako nito!! Di naman sya inaanu nang pagiging sunog ko ah?!" -kuya #2
"Merun pa pala!! May kaibigan din akong ginagawang motel yung apartment namin jusko kada gabi may naririnig akong ungol galing sa kwarto nya. Si Minghao yung kaibigan kong yun!Yung pagiging inosente ko nawawala huhuhu"
"Kelan pa to naging inosente? Hayup di halata!!"
"Tapos may tatlo pa pero wala pa naman akong masabi. Ok naman silang dalwa. Hehehe takot ko lang kay Jihoon. Si jeonghan hyung naman ayos lang ako sa kanya. Kay Dino naman ayos lang din kahit madalas ko yun nahuhuling nanunuod ng porn. Naiisip ko nga baka nagsasarili na yun sa c.r kasi minsan antagal lumabas."
"Oh bakit antahimik nyo? Pero mga kuya huhuhu wag nyoko papatayin ah? Mamahalin ko pa si Jisoo. Gusto ko pa magkalovelife huhuhu!! Wag nyo din pagsasamantalahan ang puri ko kasi nakalaan na to para kay Jisoo mylabs!!"
"Kingina mo kapag di ka tumahimik baka patayin na kita talaga lalo na sa mga pinagsasabi mo." -kuya #1
"Suportahan kita dyan bes!" -kuya #2
"Luh wala namn akong sinabi tungkol sa inyo." Mukha kasing banas yung mga kumuha sakin. Gusto na ata ako patayin. Wala naman akong maisip na dahilan para may kumuha sakin bukod nalng siguro sa pagkainsecure sa kapogian ko. Hays #PogiProblems
"Oh kalma. Hahahaha andito na tayo." -kuya #3
Medyo may kahawig talaga boses nila pero imposible naman yun. Alam ko kasi mas pinili pa nga nilang makipagdate kaysa ihatid ako sa airport. Hayup kala mo may poreber.
"Kuya di ko na ba kayo mpipigilan? Huhuhu pwede ba posponed yung kidnap na to? Pagbalik ko nalang abangan nyoko sa airport. May kailangan lang ako gawin para magkalovelife man lang ako bago ako mamatay. At wala din naman akong kasalanan sa kagwapohan ko kaya please kung etong pogi kong mukha problema nyo huhuhu ngayun palang sorry na ----"
"Tangina karindi boses kanina pa puro salita." -kuya #4
kingina bastusan si kuya pinasakan ng tela bunganga ko?!! Huhuhu ayaw talaga nila pagbigyan hiling ko na magkalovelife muna ako bago nila ako patayin. :(((
"Andito na tayo. Ipasok na yan!" -kuya #4
Huhuhu ito na ba ang katapusanng lahat?! Huhuhu ang malas ko naman. Mamamatay ata ako ng walang lovelife buti nalang di ako mamamatay na pangit. #ForeverPogi
Naramdaman ko nalang na may nagtatanggal ng pagkakatali sa kamay ko, nakalimutan ko pala sabihihin kanina na tinalian nila kamay ko. Pagtapos tanggaling ng tali sa kamay ko, yung piring ko at tela sa bibig ko naman ang tinanggal. Dahil sa sobrang liwanag di agad nakapag adjust yung paningin ko kaya naman kinailangan ko pang pumikit at pagdilat ko, hindi ko inaasahan ang bumungad sakin.
"Jisoo?!" Anung ginagawa nang taong to dito?!
"Hi Seok!" Nakangiti nyang bati.
-
Sa kasamaang palad to be continue po. hahahaha promise next update kototoong Epilogue na talaga. Bitin ba? :D
![](https://img.wattpad.com/cover/84617116-288-k983380.jpg)
BINABASA MO ANG
Unhealthy Heart (Seoksoo)
Fanfic"Mahal kita pero mahal mo sya. Nakakapagod na maghintay na ako naman mahalin mo." -Seokmin "Hindi ko sinabing mahalin at hintayin moko." -Jisoo