33

597 26 0
                                        

Seokmin's

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung umalis sya. Dalawang linggo na din akong araw araw pumupunta sa park kung saan lagi kaming magkasama at dalawang linggo na din akong nababaliw dahil sa kahit saan ako tumingin ay mukha nya ang nakikita ko.

"Namimiss na kita Jisoo. Balik kana. Promise kapag bumalik ka maniniwala na akong mahal mo ako." Shet ito na naman yung mga luha ko. Nakakainis

"Hanggang kailan ba ako maghihintay na bumalik ka? Dalawang linggo na oh." Dalawang linggo na puro iyak nalang ata ang halos na ginawa ko.

"Wag ka lang maghintay. Try mo gumawa ng paraan para magkita na kayo" napatingin ako sa nagsalita. Nakayuko kasi ako kanina. Ewan ko kung gasul na nagsasalita na parang nuno dahil sa liit o siguro batang gasul lang talaga sya?

"Bata sino ka? Maglaro ka nalang dun wala ka pang alam sa nangyayari sakin." Sabi ko sa bata habang tinuturo ko din yung iba pang batang naglalaro.

"Aba kingina mo di nako bata! 18 na ako boy. Di nga kita pinintasan na mukha kang kabayo tapos ako pipintasan mo na mukhang bata? Dagdag mo pang sinabihan mo ako ng gasul?! Gusto mo bang mawalan kayo ng happy ending kingina kang kabayo ka. Sapakan nalang oh." Aba pati pagiging mukhang kabayo ko dinamay? Pero dahil wala din naman akong makakausap pagtyagaan nalang tong batang to kahit mukhang baliw.

"Ano bang pangalan mo? Mukha ka pa ngang bata eh."

"Gagu mukha lang akong bata kasi baby face ako pero 18 na ako. Shayne ang pangalan ko. Tsaka namumuro kana saking kabayo ka ha! Inisin mo pako out kana!"

"Mukha kang bata dahil sa height mo, hindi dahil sa mukha mo."

"Whatever. Pero alam mo Seokabayo much better kung puntahan mo at sundan si Jisoo hindi yung magmumukmuk ka dyan at puro iyak. Kilus kilos bes! Jusq gusto ko na tapusin tong story nyo kaya wag kana pabebe."

"Pano mo nalaman lahat yun tsaka anung pinagsasabi mo?!"

"Makinig ka nalang sakin pwede. Kamusta mo nalang ako kay Wonwoo at Gyu sabihin mo ako future wife nilang dalawa hihihi. Babye na!"

"Hala baliw?" Ayaw ko pa sanang paalisin yung bata pero tumakbo na kaya di ko na hinabol.

Siguro tama nga si Shayne. Ako naman yung kikilos para sa amin ni Jisoo. :) susundan ko sya sa America.

-
Last chapter na. Huehue! XD pasensya talaga sa pagiging epal ko.

Unhealthy Heart (Seoksoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon