"Aba hija! Nakatunganga ka na naman diyan." Napatingin naman ako sa kaibigan kong si Anise nandito nga kami sa coffee shop para sa pagpaplano sa gaganaping charity event.
"Sorry." Nasabi na lang niya sa kaibigan. Ikalawang araw na niya sa Spain at mabaliw baliw na nga siya sa nangyayari sa kanya.
"Move on, move on din kasi tayo no. Tignan mo Cheche ang hot nung guy." Tiningnan niya nga ang lalaking tinuturo nito sa labas ng coffee shop. Matangkad ito matipuno thats all.
"He doesn't have those james dean daydream look in his eyes either." Sabi nga niya sa kaibigan at inirapan pa ito. Sino ba naman tao ang magmomoveon ng dalawang araw lang nang walang wala na?
"Dios mio Corazon! Malamang hindi yan si Aziel kaya wala yang james dean james dean. Nako Cheche ikape mo na nga lang yan. Tignan mo nga din yung bagahe mo sa mata. Mukha ka ng zombie my friend." Sabi nga ni Anise sa kanya pero hindi na lamang niya ito pinansin. Kamusta na kaya ito ngayon? Masaya kaya ito sa babae niya? Bakit ko nga ba iniisip ang ganito? Mukhang one sided lang naman kami.
Bakit nga ba? Hindi nga masabi sa kanya ni Aziel ang three magical words. Atsaka wala nga naman sila bakit nga ba siya magmumukmok? Bakit nga din niya ito inaalala kung plaything lang siya nito?
"Ahhh." Kasakit ng ulo. Nasabunutan na nga niya ang sarili niya. Nakita naman niya na napatingin sa kanya ang ibang tao sa coffee shop. Nagpeace sign na lang siya sa mga ito.
"Gosh She. Unti-unti na talaga kumakalat ang sisa virus sa katawan mo." Sabi nga ng kaibigan niya na parang natatakot pa. Napabuntong hininga na nga lang siya at nagpaalam dito. Wala siya sa mood o kahit sa anong activity sa ngayon gusto lamang niyang matulog at magkulong sa kwarto.
Iisipin na lang niya ay dala ito ng jetlag. Leche Plan na Life naman kasi ito di ba.
Naglalakad nga siya pauwi sa kanila ng makakita siya sa daan ng isang pamilyar na sportscar. Kakulay ito ng sasakyan ni Aziel.
Kagagahan mo na naman Shea. Tumigil ka nga diyan! Bakit ka naman niya susundan sa Spain?
Lord please naman oh wag niyo po ako bigyan ng signs kung magkikita naman kami ni Aziel. Hindi naman po ako magaling sa mga sign sign. Options na lang po please. It's either magkita kami kasi kaya ko siyang harapin o hindi dahil baka humagulgol na lang ako sa harapan niya. Please po Lord.
Mukha na nga siyang nababaliw kakausap sa sarili. Kailangan nga lang niya siguro ng tulog mula sa jetlag. Isang araw ba naman ang biyahe. Buti na nga lang at malapit ang bahay nila kaya naman ay hindi na niya kailangan pang magsasakyan. Nang makalapit na siya sa gate nila ay nakita niya na naman ang pamilyar na sasakyan naginit naman ang mata niya ng makita ako. Don't tell me nandito ang kanyang pinsan.
Pumasok na nga siya sa loob ng bahay at hindi na nga kagulat gulat na narito ang kanyang pinsan si Blaine.
"Anak nandiyan ka na pala." Bati sa kanya ng ina pero tinanguan lang niya ito. Dirediretso siyang naglalakad parang hindi niya nakikita ang pinsan.
"Shea." Sabi nga ni Blaine. Naramdaman pa niya ang paghawak nito sa pupulsuhan niya pero binawi agad niya ito. Nakita niya naman na umalis na ang kanyang mommy.
"Ano bang gusto mo?" Pagtataray niya kay Blaine. Hindi naman siya normally mataray talaga e pero pinrovoke siya nito at wala na nga siya magagawa.
"Shea about last time please forgive me." Napatingin siya dito. Forgive? Baliw ba ito? Matapos kung ano ano sabihin niya kay Aziel forgive? Aish.
"Blaine give me time." Pataas na nga siya pero pinigilan siya nito.
"Shea, I'm sorry. Nadala lang talaga ako that time. I'm so frustrated kaya ko yun nagawa." Tinignan niya ito ng may hinanakit.
BINABASA MO ANG
Libidinous Series 6: Aziel Clive Conte
ChickLitWarning: Rated SPG| Strictly prohibited under 13 years of age| pero kung malilit ka go ng go parang globe konsensya mo na rin yan| Enjoy Reading Aziel Clive Conte, a man who loves to eat delicious foods; sweet, spicy, sour name a flavour and he will...