Chapter 2

49 3 0
                                    

Carissa Blair's POV

"S-sigurado ka? H-hindi ka mag-iingay?" Paninigurado niya. Psh. Anong akala niya sa akin? Tsismosa?

"Mukha ba akong hindi sigurado?" Panguuyam ko.

"O-okay. In o-one condition." Aba't!

"What?" Tanong ko.

"Let go of me first." Sabi niya.

Pinakawalan ko na siya at pinaupo sa upuan.

"OK. Now." I signalled again.

"Naniniwala ka ba sa magic?" Tanong niya. Ano ako, baliw?! Aba'y deputek tong lalaking to ah!

"Sinabi mo na sana na baliw ka kanina pa." Sarkastiko kong sagot.

"Seryoso ako, binibini." Ang pormaaaal.  Seryoso daw? Odi waw.

"Okay, explain. And proofs." Maikling tugon ko.

"O-okay. Kung hindi ka naniniwala, eto ang ebidensya. Ako ay isang Water Magic User." Sabi niya sabay pakita ng majika niya.

Binukas niya ang palad niya at lumabas doon ang isang water ball. Kinokontrol niya at ito nang matapon ito sa sofa. Nainis ako kasi nabasa yun. Akmang babatukan ko siya nang kinumpas niya ang kamay niya na para bang kinukuha ang tubig sa nabasang parte at lumabas ang tubig dun at bumalik sa kamay niya. Hinawakan ko yung 'nabasang' parte at napagtanto kong hindi na yun basa.

"Isa rin akong Summoner." Sabi nanaman niya.
"Pixilles, mi supanta ul." Bulong niya. ("Pixies, I summon you.")

Pagkatapos niyang ibulong yun ay ang paglabas ng mga pixies. Hindi fairies, kundi mga pixies alone. Namangha ako sa ganda. Nag-foform ito ng mga words. Unang finorm nito ang buong pangalan ko. Teka nga. Pano niya nalaman ang pangalan ko?! Stalker ba 'tong hype nato?!

"At nakalimutan ko. Mind reader din pala ako." Paliwanag niya. Edi nabasa niya ang mga nasa isip ko kanina? Tss. I don't care. Totoo naman din.

"Okay. Name ng school niyo?" Cold na Tanong ko.

"Bonturia High." Sagot niya. Cool ng name. Eh ano ang history?

"Anong history sa world niyo? May antagonist kingdom din ba? Ah, wait." Sabi ko sabay tayo. Kukuha ako ng tubig dahil sigurado, uuhawin yun pagkatapos.

"So, explain." Sabi ko ang makabalik na ako sa pwesto ko.

"Para ano yan?" Turo niya sa tubig na nasa gilid ko.

"Basta. Now, start." Pabalang kong sagot.

"G-geez, kalma. So, it may sound like a bedtime story but it is the truth. There are seven kingdoms. Namely, Bontueria, the strongest kingdom, dahil some said na hindi nila mawari ang kapangyarihan nila. Fyro, where the fire elementalists live. Watirshae, where the water elementalists live. Ayir, where air elementalists live. Ertia, where the earth elementalists live. Randomili, where the people with random magics live. And lastly, the Mayniute kingdom, where a dark magic is controlled."

"So, long time ago, nung mga lolo't lola pa namin ang nagru-rule sa Selepana, hindi pa naging antagonist ang Mayniute Kingdom. At hindi pa naging kontra sa Magic World ang Dark magic. May anim na bata ang magkaibigan. Ang prinsipe't prinsesa sa Bontueria, Ertia, Mayniute, Fyro, Watirshae at Ayir. Naging mabuti silang magkaibigan hanggang sa kanilang paglaki. Kinalaunan, nagkagusto ang Prinsipe ng Bontueria at Mayniute sa iisang prinsesa, ang prinsesa ng Ertia. Sabay silang nanligaw nun. Sinagot ng prinsesa ng Ertia ang prinsipe ng Bontueria ng palihim."

"Nalaman ito ng prinsipe ng Mayniute kingdom at naghimagsik. Nagdeklara siya ng gyera laban sa mga Taga Ertia, Ayir, Watirshae, Fyro, Randomili at Bontueria. Pagkatapos nun, bigla nalang daw ito nawala.  At sabay rin nun ang pagtakwil ng Bontueria sa Mayniute. Hindi nagtagal, nagpakasal ang mga prinsipe't prinsesa na nagsama-sama at sila ay naging hari't reyna. Nabuntis ang Naging reyna ng Bontueria. Nalaman ito ng Mayniute king at nagplano na sumabak pagka-anak ng reyna sa bagong prinsesa ng Bontueria. Nanganak ang reyna sa ika-21 ng Nobyembre. Magdidiwang na sana sila nang may marinig silang putukan sa labas ng kastilyo nila. Pumasok ang isa sa mga kawal nila at sinabing nagsimula na ang digmaan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok ang Hari ng Mayniute kingdom. Sinubukan niyang patayin ang Prinsesa ngunit hindi siya nagtagumpay nang pumasok ang isa sa mga kawal niya at sinabing kaunti na lamang sila. Kaya sumurrender na sila ngunit sabi ng hari na babalik siya at maghihiganti sa Prinsesa."

"Tumigil ang lahat ng ingay, bumalik sa ayos ang mga nasirang gusali at bumalik sa dati ang nasirang kalapit kaharian. At napagtanto nila na napakalakas ng kapangyarihan na taglay ng prinsesa. Ngunit hindi nila ito pwedeng palakihin at alagaan si Selepana. Dahil anumang oras, araw at buwan, babalik ang hari ng Mayniute kingdom at patayin ang prinsesa. May kwintas na inilagay ang reyna sa sanggol na sumusimbolo sa kaharian ng Bontueria, upang mapadali ang paghahanap nila sa prinsesa. At kung sakaling mawala ito, may birthmark ang prinsesa sa upper right ng likod niya na dragon na kumurba ng infinity sign. Sineal nila ang kapangyarihan ng prinsesa dahil lalaki ito sa M.W.. Nagcast ng spell ang reyna mananatiling naka-seal ang kapangyarihan ng prinsesa hanggang sa dumating ang kanyang ika-18 na kaarawan. "

"Ipinaubaya nila ito sa pinagkakatiwalaan nilang kawal. Sinabi ng reyna na ipaampon sa taga-Mortal ang prinsesa. Nagcast na ng spell para sa portal papunta sa M.W. ang kawal. Nang makarating na sila ng M.W., nakakita ng malaking bahay ang kawal at sa isip niya,  mapalaki ng maayos ang prinsesa ng mga taong nagmamay-ari ng bahay. Inilapag ng kawal ang sanggol sa harap ng gate  at nag doorbell. Umalis na ang kawal bago pa siya makita ng mga ito. Ngunit sa kasamaang palad, pagtungtong niya sa Selepana, pinaslang siya ng mga Olpgor. Isang creeture na galing sa Mayniute Kingdom. A creature with wings of a dragon, a mouth of a crocodile, feet and saliva of a komodo dragon, and a  body of a lion."

"Naghintay ang hari't reyna sa kawal ngunit nabalitaan nalang nila na namatay na ito. Kaya simula noon, nagpagawa sila ng eskwelahan para sa lahat ng estudyante sa magkaibang kaharian. Ngunit sa pagtungtong lamang nila ng highschool bago sila mag-aaral sa Bonturia Academy. Dahil sa pagkawala ng Mayniute King at nang nalaman nila na nagtatayo ito ng sarili niyang kaharian, napagkasunduan nila na ang magiging pwesto ng eskwelahan, ay kung saan ang Mayniute Kingdom dati." Mahabang litanya ni...sino nga ba to? Zelard?Zena? Aish!

"Zynyrd, Zynyrd Garcia." Pambabasa niya sa isip ko. Humahangos siya na para bang naghihinghi ng tubig. Inabot ko naman sa kanya ang hawak kong tubig kanina.

"Oh, inom." Utos ko.

"Salamat." Medyo paos niya sabi at ininom na ang tubig

"So, that was the history of Selepana? Tsk, the typical." Sabi ko ng mapagtanto ko na parehas sa history ng ibang story na mababasa ko sa wattpad.

Tinignan ko ang orasan. O_O. 12:36 a.m. na? Hindi pa ba to hinahanap sa kanila?

"Hindi naman. Bukas pa ang gabi doon. Pwede bang dito muna ako hanggang bukas?" Tanong niya. Ano daw? Dito? Hanggang bukas? Aba'y baka reypin ako neto.

"Hindi naman ako manyak, eh." Shit! Bakit ba nambabasa to ng utak?! Tae. Malilintikan to sakin eh. Gilitan ko kaya ng leeg to saka itapon sa sapa ang bangkay?

"G-grabe s-siya oh. H-hindi na ako magbabasa. P-pramis." Nautal niyang saad.

"Matanong nga, may mga mortal bang basta-basta nakakapasok sa Selepana?" Tanong ko. Diba? Ano nalang kung may Selepanian na gumawa ng portal tapos napasok accidentally ang mortal.

"Uhm, hindi. Kasi kapag nakapasok ka sa portal tapos wala kang magic, or hindi ka talaga Selepanian, babalik ka sa M.W. at makakalimutan mo ang about sa Portal." Sagot niya.

- - - - - - - - - - -

Bonturia High: The School Of SelepanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon