************
Carissa Blair's POV
Napaisip ako. Hindi naman masamang sumubok diba? So, I'll just go ask him na lang.
"Pwede humingi ng favor?" Tanong ko.
"Wow. Bumait ka ata?" Tanong niya pabalik.
"Tss, di wag." Matigas kong sabi. Kung ayaw niya, edi wag. Tsk!
"Eto naman, joke lang! Oh sige, anong favor yan?" Pambabawi niya habang nakangiti.
"Pwede mo ba akong isama sa Selepana bukas ng umaga?" Diretsahang tanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha niya.
"Oh bakit? Try lang naman ah. About lang naman sa portal ang makakalimutan diba?" Tanong ko.
"Oo, pero kasi...kasi, kasi ano, uhm, ano..—"
"Tangina! KASI ANO?!" Sigaw ko. Puta! Bakit kailangan pabalik balik? Di pwedeng diretsahan?! Pucha. Mapapatay ko tong lalaking to eh!
"K-kalma ka n-nama—"
"PUCHA ANO? KALMA? PANO AKO KAKALAMA KUNG HINDI MO AYUSIN YANG PANANALITA MO?! HA?!" sigaw ko ulit.
"S-sorry.. Pero kasi ayoko lang na masaktan ka kung umasa ka." Sabi niya. TANGINA! Yun lang?! Ang sarap patayin netong ugok nato!
Sinugod ko siya at sinuntok sa mukha. Potek. Anong akala niya sa akin? Weak? Noob? Para maskatan nang ganun-ganun lang?! Gago!
"B-bakit k-ka ba nanununtok?!" Sigaw niya sa akin. Aba't sa pa talaga ang may ganang sumigaw?!
"Tangina mong gago ka ah! Ikaw pa talaga ang may ganang sumigaw sa 'ting dalawa?! Tanungin mo muna yang putanginang sarili mo bago mo ako tanungin! Langya!" Galit kong sigaw sa kanya.
Tinignan ko siya sa mata. Nanlaki ang mga mata niya. Kinalma ko ang sarili ko dahil baka masapak ko 'to nang wala sa oras.
"Oh?" Tanong ko nang nakalma na ako.
"W-wala." Utal na naman niya. Ano bang problema?
"Uy ugok, ano na nang sagot mo sa tanong ko?" I asked pertaining to the question I asked before.
Tumango lang siya. Odi maayos.
"Gisingin mo ko bukas." Sabi ko. Tumango nanaman siya. "Oh siya, matutulog na ako. Diyan ka sa sofa, ako dito sa sahig."
"A-ako na sa s-sahig." Suggest niya.
"Gago ka ba? Ano ka? Sinuswerte? Hindi! Diyan ka lang!" Singhal ko at tinusok ang putok niyang labi gamit ang kamay ko. Napa-aray naman siya. Kaya ngumisi ako.
Humiga na ako at natulog.
Zynyrd's POV
Grabe talaga makapagsalita ang babaeng 'to. Kada salita niya talagang may kasamang mura at insulto. 'Wag niyo nalang siyang kausapin kung ayaw niyong makarinig ng insulto. Pambihira.
Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Ang lakas niya para sa isang babae. Kaya niyang protektahan ang sarili niya. Minsan nga naiisip ko kung babae ba talaga to.
Nung sinabi niyang gusto niya sumama sa Selepana, parang lukso ng dugo ang aking naramdaman. But on the other side, hindi naman siya Selepanian at wala rin siyang magic. Kaya hindi siya makakapunta sa Selepana.
Kahit sandali ko palang siya nakilala, parang buong pagkatao na agad ang naipakita niya. Si Blair ang babaeng cold, palamura, at walang pakialam kung nakasakit na siya. Ngunit sa kabila nun, she cares. She cares for other people, yet, secretly. She doesn't show any emotions. She is good at hiding her emotions. She don't know how to express herself unto others.
- - - - - - - - - - -
P.S.: LIBRE MANGLAIT. I SWEAR, HINDI AKO MAGREREBELDE.
What a word. 'Magrerebelde' talaga? Hehehehe.
BINABASA MO ANG
Bonturia High: The School Of Selepana
FantasyEllaine Edsy Gwen Mendoza. Cold, heartless, fearsome. That's what they think about her. Even her so-called-friends in the world she grew. She was just living an almost perfect yet simple life with her parents. But when she knew the truth, she went s...