"Eunice!"
Napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sakin."Oh, ikaw pala yan Kim."
"Kanina pa kita tinatawag. Wala ka ata sa sarili mo ngayon"
Sabi nito."Pasensya na, may iniisip lang ako."
"Bilisan mo ang lakad, late na tayo."
Sabi nito sabay hila sa akin para tumakbo.
Agad akong napatingin sa relo na nasa kaliwa kung kamay at nakitang limang minuto nalang at mag uumpisa na ang klase.*******
Andito ako ngayon sa garden nang school nagpapahangin. Ang ganda talaga dito, nakaupo sa bangkong kawayan habang naka tingin sa ulap.
"Psst!"
Hmm? Agad akong napatingin sa paligid nang may sumitsit. Ngunit wala akong nakitang tao.
Baka guni guni ko lang yon."Psst Ms. Eunice!"
Napatayo ako sa inuupuan ko nang masiguro kung may tumatawag sakin. Tiningnan ang paligid kung may tao bang nantitrip sakin.
"Ms. Eunice dito sa baba"
Napatingin agad ako sa sapatos ko nang may maramdaman akong parang langgam na umaakyat sa paa ko.
Nagkamali ako nang inakala, hindi langgam ang nakita ko, kundi taong sing liit nang hinlalaki nang normal na tao.
******
"Wha... What are you?"Naguguluhang tiningnan ko sya sa mga mata nya. Hindi ako makapaniwala na nakakita ako nang ganitong kaliit na tao, o kung tao ba ang tawag sa kanila.
Nandito kami sa kwarto ko ngayon, matapos ang pangyayari kanina nung nakita ko sya sa garden nang school. Agad akong tumakbo paalis nang skwelahan, naiwan ko nga ang bag ko dahil sa kaba.
Ngunit di ko alam kung bakit pag dating ko sa bahay ay nakita ko syang naka upo sa higaan ko."gente pequeña"
"Ha?"
"gente pequeña ang tawag sa amin."
AN:
gente pequeña means little people in spanish."Hindi kita maintindihan"
"Malalaman mo rin sa tamang panahon."
Sabi nya sabay turo sa salamin nang kwarto ko.
Pag tingin ko dun ay may nakita akong parang bagay na kumikinang.Agad ko itong nilapitan at nakitang isa itong sinaunang orasan. Na may kasamang susi?
"Ano to?"
Tanong ko sa kanya, ngunit pag harap ko ay wala na ito.Ano bang kailangan nya?
Sya ba yung bumubulong sakin gabi gabi na tulungan ko sila?
May kinalaman ba ito sa mga panaginip ko?*******
Habang nasa malalim na pag iisip si Eunice upang tuklasin kung ano ang nangyayari at ano ang kinalaman nang relong nasa kamay nya ngayon ay hindi nya namalayan na ang relong kanina ay hindi gumagana at sobrang lumang tingnan, ngayon ay bigla itong nagbago at bumalik sa dating itsura.
YOU ARE READING
Strange World (BTS-Jungkook Fanfiction)
FanfictionEunice Jhen Rovilla is a girl who can see a strange world inside her dreams. What if one day, she got trapped by her own dreams, and the only way to go out is to find and rescue the lost King. Genre: Teen-fiction, Adventure, Fantasy