Chapter Three

18 2 7
                                    

1 month.

1month na ang lumipas matapos akong bisitahin nang nilalang na kung tawagin ay "gente pequeña" at simula non. Hindi nako nananaginip ulit.

Naguguluhan parin ako sa mga pangyayari.

Napatingin ako calendaryo na nasa harap ko at nakitang full moon pala ngayon.
Matutulog na sana ako nang may marinig akong ugong nang mga aso.

Tumayo ako at pinuntahan ang bintana nang kwarto ko at tiningnan ang mga asong tahol nang tahol. Napatingin ako sa buwan at nakitang sobrang laki nito.
Oo, full moon ngayon pero bakit parang sobrang laki ata.

Napadako ang paningin ko sa malaking kahoy sa harap nang bahay namin at nakitang parang may taong nakatingin sakin.

"Who are you?"
Sambit ko sa mababang tinig. Habang nakatingin sa taong naka hodi.

*********

"Eunice dear?"
Napa talon ako sa gulat nang hawakan ni Mama ang braso ko.

"Are you ok? Anong ginagawa mo dito sa labas nang bahay?"

"Po?"
Napatingin agad ako sa paligid ko at nakitang nasa labas na pala ako nang bahay. Wait, anong ginagawa ko dito?
Kanina ang alam ko nasa kwarto ko pa ako.

"Ok ka lang ba Eunice? Nakita kitang lumabas nang kwarto mo kanina. Tinatawag kita kanina, wala ka ata sa sarili mo. Kaya sinundan kita dito."
Sabi nito na may pag aalala sa mukha nito.

"Mom? I... Am. I'm ok. Pasok na po tayo sa loob."
Inilibot ko ang paningin sa paligid upang hanapin ang taong nakahodi ngunit wala na ito.
Ano bang nangyayari?

*********

Tik tak tik tak

"Hmmmm...."

Someone's POV

Habang natutulog ang dalagang si Eunice ay ang orasang ibinilin nang nilalang na gente pequeña ay nag simulang gumana at umilaw.


*********
"Haaaaaaah!"

Sigaw ko nang may humahabol na naman sakin. Pero this time, hindi ko alam kung nasan ako.

Black and white ang paligid parang sa lumang panahon.
Takbo lang ako nang takbo natatakot akong maabutan nila.

Titigil sana ako nang matabunan ako nang sobrang kapal na hamog.
Wala akong makita, takbo lang ako nang takbo dahil naririnig ko pa ang boses nang mga taong humahabol sakin.

"Eunice! Dito!"

Napatingin ako sa taas nang makitang nandun yong nilalang na bumisita sakin.
At napansing nakasakay ito sa malaking Hot Air Balloon.

Agad akong napatakbo papunta sa kanyang sinasakyan at umakyat ngunit nahawakan nang taong humahabol sakin ang paa ko.

Nagsimula nang lumipad pataas ang Balloon at kunting konti nalang mahuhulog nako at maiiwan, ngunit agad nyang binunot ang kanyang maliit na ispada at tinusok ang kamay nito.

Naawa ako sa kanya dahil mataas na ang inilipad nang Balloon. Ngunit kailangan ko munang iligtas ang sarili ko dahil kahit ako ay nahihirapan narin sa sitwasyon kung naka kapit sa Hot Air Balloon.

Nang maka sakay na ako at naging comportable ay saka naman kumulog at umulan.

"Kumapit ka!"

Agad akong napakapit sa malaking lubid nang biglang pumasok ang Hot Air Balloon na aming sinasakyan sa malaking buhawi.
Para kaming laruan na pina ikot ikot.
Ang huling naaalala ko lang matapos akong matamaan nang kahoy na nagmula sa sinasakyan namin ay ang pagsagip samin nang taong naka hodi.

Strange World (BTS-Jungkook Fanfiction)Where stories live. Discover now