Napasinghap ako nang malamin kasabay nang pagbabalik ko sa realidad.
Napatingin ako kay Fawn na nasa gilid ko at napapikit nang hawakan nya ang pisngi ko upang pahiran ang mga luhang kusang tumutulo.
Ang pangungulila ko sa Ama ay napunan nang mga ala'alang kailan man ay hindi ko na malilimutan.********
Nandito ako ngayon sa Palasyong pinaghirapang buuin nang aking Ama.
Nag-iisip ako kung pano ito tutulungan gayong wala akong alam sa mga pakikipag laban."Nandito ka lang pala."
Napatingin ako sa likod ko nang may magsalita. At nakita ang lalaking JK ang pangalan.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Nagpapahangin lang."
Sagot ko sa mababang boses."Pasensya na at hindi agad ako nakapagpapakilala sayo, JK pala."
"Eunice."
Sabi ko sabay abot sa kamay nya upang makipag hand shake.
Tinanggap naman nya ito nang may ngiti sa mukha."May itatanong lang ako."
Tanong ko sa kanya nang may pag aalinlangan."Ano yon?"
"Anong totoong nangyari dito at sa Papa ko?"
"Hindi ka ba sinabihan ni Fawn?"
Nagtatanong ang mata nitong nakatingin sa akin."Sabihin mo sakin kung anong nalalaman mo"
Sabi ko sa matigas na boses."Okay, okay."
Napatayo ito sa kinauupuan sabay taas nang kamay na akala mo may pulis na huhuli dito."8 years old ka pa nang unang punta mo dito. Sa panahon na yon' alam na nang ama mo na tinatraydor na sya nang isa nyang kapatid. Kaya ka nya dinadala dito upang sanayin sa mahika , at ang mga panaginip mo ay mga ala'ala nang mga panahong ikaw na ang pumupunta dito upang hanapin ang Papa mo. Sa apat na taong pabalik'balik mo dito ay nalaman nang kapatid nang ama mo kaya gumawa ito nang paraan para hulihin ka."
Tumigil ito sa pag sasalita at lumapit sakin habang hindi pinupulot ang eye contact namin. Yumuko ito para magpantay kami at parang tumigil ang mundo ko nang tatlong pulgada nalang ang layo nito sa mukha ko.
"A...anong
Anong ginagawa mo?""Wag kang gumalaw."
Sabi nito sa seryosong mukha."Pag sinabi kong tumalon ka. Tumalon ka agad."
Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatingin sa baba. Anong gusto nya? Mamatay na ako? Eh, ang taas nito.
"Gusto mo ata akong mamatay nang maaga eh!"
Sigaw ko sa mukha nya.Napapikit ito at inihilamos ang kamay sa mukha na iritang tiningnan ako pabalik.
"Look. Do it while i'm asking you nicely."
"Ha! Ayoko. Kung gusto mong tumalon ikaw nalang! Wag mo kong idamay!"
"Aah!"
Napasigaw ako habang napapa atras nang makitang may mga nilalang na pumalibot samin at napa dako ang tingin ko kay JK nang makitang bumunot ito nang pana mula sa likod at pinana ang mga nilalang na matatawag mong Beast.Hindi ko alam kung anong klasing pana yong hawak nya dahil pag ginagamit nya ito upang ipana sa mga nilalang ay kusa itong umiilaw at magiging abo ang ano mang tamaan nito.
"Eunice! Sa likod mo!"
Agad akong napatingin sa likod ko at nakitang tumatakbo papunta sakin ang nilalang.
"Wag mong hayaang makuha ang Orasang may susi.!"
"Ha?"
Agad akong napatingin sa leeg ko at nakitang kinukwentas ko na pala ang bagay na ito."Kaylan pa to napunta sa leeg ko?"
"Eunice! Yumuko ka!"
Napatingin ako kay JK na naka ready nang pumana sa deriksyon ko at buti nalang ay naka ilag agad ako at tumama ito sa nilalang na nasa likod ko.
"Ano bang ginagawa mo? Tumalon ka na!"
Napatakbo agad ako sa dulo nang veranda nang palasyo at tiningnan ang baba. Natatakot ako, ang taas nito. Hindi ko pa alam kung mabubuhay ba ko pagkatapos nito.
Ngunit pagtingin ko pabalik sa pwesto kung nasan si JK ay natatabunan na ito nang mga nilalang at nakita kung may tumatakbo na naman papunta sakin.
Sa bawat pag atras ko ay sya namang papalapit nang nilalang kaya wala na akong magawa kundi ang tumalon habang hawak ang orasang nasa leeg.
Sa pagtalon ko ay nakita ko pa ang pag tanggal ni JK sa Hodi nyang suot at syang liwanag nang paligid.
Tinakpan ko pa ang liwanag gamit ang kamay ko at nakitang may anghel na papunta sa akin.
"Patay na ba 'ko?"
Tanong ko sa sarili nang maramdamang mang anghel na sumalo sakin."Silly!"
Sabi nito at sapag adjust nang paningin ko ay sya namang kita ko sa mukha nang anghel na sumagip sakin."JK"
AN:
THIS IS JK EVERYBODY!Hope you like this story. And please leave a comment. And don't forget to press the star. 😁
YOU ARE READING
Strange World (BTS-Jungkook Fanfiction)
FanfictionEunice Jhen Rovilla is a girl who can see a strange world inside her dreams. What if one day, she got trapped by her own dreams, and the only way to go out is to find and rescue the lost King. Genre: Teen-fiction, Adventure, Fantasy