Chapter Four

12 2 9
                                    

Agad akong napahawak sa ulo nang maramdaman ang sakit nito. Teka? Asan ba ko?

Nilibot ko ang paningin sa silid na hinihigaan ko ngayon, hindi ito ang kwarto ko.

"Gising ka na pala."
Napalingon ako sa may bandang pinto nang marinig ang malamyos na tinig. Nagtataka ang mukhang tiningnan ko sya.

"Ipagpaumanhin mo ang aking kabastusan. Hindi pa pala ako nakapagpapakilala. Ako nga pala ang princessa nang lugar nato. Tawagin mo nalang akong Princess Fawn, at ipinadala kita rito para tulungan kami."

"Tulungan saan?"
Napangiti itong pumunta sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Tulungan mo kaming iligtas ang hari nang lugar nato. Isang taon na ang lumipas nang kunin sya at ikulong nang kapatid naming sakim sa kapangyarihan. Pati ang palasyong kanyang pinaghirapang ibangon ulit ay itinraydor pa sya nang kapatid namin at ito ang pumalit sa posisyon nya. Kaya ang lugar nayon na dating masasayang ala-ala ang naiwan ngayon ay parang empyernong nakatayo sa lupa."

"Bakit ako?"
Nagtatakang tiningnan ko sya sa mga mata.

"Madalas ka bang managinip nang mga kakaibang pangyayari?

"Oo, teka. Wag mong sabihing ikaw ang may gawa non?"

"Ang iyong mga panaginip ay minsan nang nangyari. Ipinapaalala lang sayo ang nakaraan upang maging handa ka sa iyong pagbalik dito."

"Teka. Ano bang sinasabi mo?"

"Ipapaalala ko sayo ang nakaraan"
Agad nitong hinawakan ang aking kaliwang pisngi at pumikit kasabay nang pag pikit nang aking mga mata ay syang pag labas nang mga ala'ala.

*******

Flashback 8 years old Eunice

Biglang napatayo ang batang si Eunice sa duyan na kanyang hinihigaan sa kanilang harden nang makitang lumabas mula roon ang ama nito.
Napansin nyang minsan ay parang may kausap ang Ama nito sa labas nang harden nang minsang sundan nya ito.

"Papa saan ka po galing?"
Tanong nito sa ama.

Agad na napatingin ang ama nito sa likod nang marinig ang maliit na tinig nang anak.
Hindi man nya naramdaman ang presensya ngayon nang anak ay alam nyang minsan na syang makita nitong may kausap sa harden.
Panahon na siguro na dalhin nya ang anak sa mundong kanyang kinagisnan.

Napaluhod ito upang magkapantay sila at hinawakan ang maliit na kamay ni Eunice.

"Gusto mo bang sumama kay papa?"
Tanong nito sa anak na ngayon ay naguguluhan. Bigla itong napatingin sa kamay nang ama na may hawak na  orasan.

"Papa gusto ko rin nang ganyan relo"
Sabi nito sabay turo sa hawak nang ama.

"Ibibigay ko to sayo sa tamang panahon"
Naguguluhan man na napatingin si Eunice sa ama ay ibinaliwala nalang nya ito, sa isiping ibibigay rin nang ama ang relong gusto.

"Sasama ka ba ngayon kay Papa?"

"Hmm? Teka po. Pag iisipan ko."
Sabi nito sabay hawak sa maliit na mukha.

Kinakabahan mang napatingin sa anak ay umaasa parin ang amang masasama nya ito.

"Okay po. Sasama ako. Hehehe"
Nagtatalon ang bata sa saya dahil sa wakas isasama na sya nang ama. Wala na kasi itong masyadong oras para sa kanila nang ina. Kaya nakapag desisyon na syang, sumama sa ama kahit saan ito mag punta.

Nakangiting iginiya nang ama si Eunice patungong harden kung saan ang daan papunta sa kanyang mundo.

"Eunice anak. Wag mong sabihin kay Mama mo kung saan tayo pupunta ngayon ha? Baka magtampo yon dahil di natin sinama."

"Opo Papa"
Naka ngiting napapatango ang anak at masayang sumunod sa ama.

********

Napangiti ang batang Eunice sa nakita. Sa buong 8 years nang kanyang pamamalagi sa mundo ngayon lang sya nakakita nang Castle sa tanang buhay nya.

"Eunice Welcome to the Maia World."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Strange World (BTS-Jungkook Fanfiction)Where stories live. Discover now