Chapter 6 (1 week Contract)

23 2 0
                                        

Pagdating ko sa bahay nakabibinging katahimikan ang nadatnat ko..

Bakit kaya ang tahimik?

"Andito na ko"

"Buti naman" -Dash

"Tulungan na kita sa dala mo " - Rene

"Hindi na ako na . Aayusin ko pa tong pinamili ko eh"

" O sige"- Rene

Dinala ko sa kusina yung mga pinamili at iniligay ko sa mga cabinet at ref para maiayos.

Pagkatapos kong mag- ayos Naupo din ako sa sala kung saan nakaupo din sila.

"May nangyare ba kanina nung wala ako?"

"Meron .." -Rene

"Wala naman" - Dash

(sabay nilang sagot)

"Teka ano ba talaga?"

Dash POV

Sabi nang wag magsalita eh.Nakakainis talaga tong babaeng to.

"Wala nga kumain lang kami. Diba?" sabay tingin ko ng masama ky babae.

"Oo.. hehe kumain nga lang kami" - Rene

"Mabuti naman. Kala ko nagkagulo na naman dito eh. Kanina kasi bago ko umalis nag- aaway kayo eh" - Kim

"Magkakagulo talaga kung dito titira yang madaldal na babaeng yan. .
P'Kim hindi pwedeng pagnakaalala yan tsaka lang aalis yan.Pano kung di na yan makaalala?Ano habang buhay yan dito?"

"hindi naman natin pwedeng basta nalang pabayaan si Rene." - Kim

"oo nga kawawa naman ako" - Rene

" Tumahimik ka nga!"

" ok" - Rene

"mag-isip na lang tayo ng pwedeng gawin sayo"

"sige" sabay nilang sagot.

Biglang may pumasok na idea sa isipan ko. Naisip kong gumawa ng kasunduan.

"May naisip ako!!..
Pwede mong galawin o gamitin lahat ng bagay na gusto mo... Kung gusto mo kong asarin Go! Kung gusto mong kainin ang mga pagkain jan, sige! Feel at home..
Pero may kapalit. Dapat sa loob ng isang linggo makaalala ka at kung hindi , paaalisin kita ng walang dalang kahit ano at ipababayad pa namin sayo lahat ng kinain mo at ginalaw mo dito kung sakaling makasira ka . At kung oo naman libre na lahat. Tutulungan ka pa namin magsimula .So ano Deal?"

"Deal" siguradong sagot ni Rene

"Teka isang linggo?Hindi madaling makaalala sa loob ng isang linggo. Rene sigurado ka ba?" - kim

" Oo kaya ko yan!" mayabang nyang sagot.

" Kung ganon. (gumupit ako ng buhok mula sa ulo ko at inilagay sa isang maliit na garapon) ilagay nyo na dito buhok nyo."

"Teka bakit may ganyan? Para saan yan?" - Rene

"Ganyan ang ginagawa namin kapag nangangako kami sa isa't isa .Kailangang ilagay sa garapon ang mga buhok ng mga nagpangakuan at itabi hanggat hindi pa nangyayare ang pinagpangakuan o ang pinagusapan. Ang hindi sumunod sa usapan o bumali ng pinagusapan ay kailangang magpakalbo" - Kim

"ha? may ganon?" tanong ni Rene

" Oo .. Matino kaming kausap kaya ilagay na ang buhok. " -ako

at nilagay na nga nila ang buhok nila sa garapon. Nilagay ko ang garapon sa mesa sa sala para lagi naming nakikita.

"Ngayon na ba simula nang isang linggo? " tanong ni Rene

" Oo"

"Sige. pero may isa kong kondisyon" - Rene

" Ano naman yon?" tanong ko

" Pagmag-uusap kayo sa loob o labas man basta kasama nyo ko kailangan magtatagalog kayo.Para naman naiintindihan ko kayo .Baka kung ano na pinag-uusapan nyo eh.Mas mabuti nang sigurado." - Rene

Sumang-ayon naman kami ni P'Kim sa gusto nya...

"kung ganon......"

Binuksan nya ang TV at kumuha ng mga chichirya sa kusina.

"Hoy! Anong ginagawa mo? "

"Nanood habang kumakain obvious ba?"

" Oo alam ko! Ang ibig kong sabihin makakaalala ka ba sa ginagawa mong yan?"

"Hay naku, diba sabi sa kasunduan pwede kong kainin ,galawin at gamitin lahat ng gusto ko? kaya ito nanonood ako .Tsaka malay mo makaalala ko sa panonood ko."

"Ay ewan sayo ,bahala ka nga ! kung sa tingin mo makakaalala ka sige .Pero tandaan mo ,kung hindi ka makaalala sa loob ng isang linggo babayaran mo lahat . LAHAT ng ginamit,ginalaw at kinain mo!"

"Oo na alam ko yun.Hayaan mo muna ako .Sige na umalis ka na ang ingay mo nanonood ako"

Ay grabe ,Feel at Home na Feel at home sya ha . Sige pakasaya ka ! Tingnan na lang natin pagkatapos ng isang linggo.

Pinagpatuloy nya naman ang panood samantlang ako eto papunta sa banyo para maligo .Pero bago yun nakita ko si P'Kim na busyng busy at pangisi ngisi sa Cellphone nya bakit kaya ?

I Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon