Chapter 1 ( Who are you?)

71 3 3
                                        


Dash POV

Boogsh......krrrkk..krrssssh..!..

"Rene! (ok ka lang?)(thai)"

"Hey ! Pulibi style nyo bulok ha ! papasagasa kayo sa sasakyan tapos dadalin namin kayo sa hospital tapos tatanggi kayo at magpapabayad na lang? Naku style nyo bulok .Dito na ko halos lumaki sa Pilipinas at halos alam ko na lahat ng panloloko ng mga pilipino (-_-)."

"Oh my Rene are you ok? May gasgas kaba?"

"Pulubi ! tayo na jan! di mo ba ko naririnig?tayo!"

inuga-uga ko na ang pulubing nakabangga kay Rene ,pero hindi parin ito bumabangon sa pagkakahandusay hanggang sa ....

"teka teka may dugo! totoo na pala to haiyst."

Jeng's POV

"Aaaaahhh!!!!!... Wag nyo na kong habulin please!! o kaya bagalan nyo na lang pagod na pagod na ko (tumatakbo)Waaahhhhh..

Aray!... aray aray aray nadapa pa ko ano ba yan (~_~) sa putikan pa . Bakit kasi bato bato dito eh. Bakit ganto ang daan masyadong masukal. Ang dumi dumi ko na . Daig ko pa mga aksyon star sa pelikula pero sila maganda/pogi padin ako hagard na (~_~).

Oh may daan dito palabas ,dito ko dadaan sa likod ng puno

Aray sumabit pa ko! ang dumi ko na nga sugat sugat pa sabit sabit pa. Pero wag na ko umangal anjan na sila!!!!! Jeng Emmanuel Ramirez TAKBO!!!"

Pagliko ko sa daang aking nakita laging gulat ko sa mga sumunod na pangyayare.

Boogshh......krrrk crsssssshh... aaaahgg..

Nanlaki ang aking mga mata sa pagkakabigla at hindi ko na nakuhang sumigaw pa .Naring ko na lang ang pagkakabungo ko sa isang magandang sasakyan .Ang daan pala na aking nakita ay daanan ng sasakayan (high-way) .At ito din ang daan patungo sa panibago kong buhay.

Unti- Unti na ngang bumibigat ang talukap ng aking mga mata .Nakita ko ang isang lalaking bumaba ng sasakyan, matangkad , matcho may itsura at mukang mamayaman .May sinasabi sya ngunit hindi ko na ito maintindihan wala na kong marinig at maramdaman ng sandaling iyon.Binuhat nya ako at isinakay sa mismong sasakyan na nakabunggo sakin .Hindi ko na alam kung anong nangyayare dahil sa mga sandaling yon ay tuluyan ng pumikit ang aking mga mata at nawalan na ako ng malay.

Dash POV
(Hospital)

"Ring...Ring... - Phone

"P'Kim? ( Punta ka dito sa Hospital) (thai)"

"Bakit(thai)" - Kim

"Papaliwanag ko na lang sayo mamaya basta pumunta ka na(thai) "

"ok "- Kim

Akala ko isang kalokohan lang yung nangyare kanina, hindi ko naman alam na nakabangga na talaga ako .Akala ko may mangga gantso lang. Isang pulubi pa tsktsktsk.

Nakita kong lumabas ang doctor mula sa room ng naaksidente ko .Tinanong nya ko ng tungkol sa pasyente pero dahil hindi ko naman alam kung sino yon at ayaw kong makulong nagsinungaling na lang ako .

"Anong pong pangalan nya sir para mailagay sa record - Doc

"Ahm. Actually I dont know .I just saw her slip down and bumped her head into a big rock. I saw blood and I immediately bring her here. "- me

Hindi ako makatingin ng diretso sa doctor nung sinasabi ko yon . Pero mas mabuti nayon kesa sabihin ko yung totoo .Kahit alam ko namang hindi ako makukulong at walang maghahabol sa taong nabangga ko dahil isa lang syang pulubi, mas mabuti na ang sigurado.

I Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon