Dash POV
Pupuntahan ko na sana sya para iligtas ng makita kong dumating si P'Kim at ginulpi yung mga lalaking nambasatos sa pulubing babae.
"di naman pala nya kailangan ng tulong ko . nanjan naman si P'Kim diba?.Uuwi na nga ko sayang oras"
Umuwi na nga ako sa bahay para matulog. Alam kong dadalhin ni P'Kim yung pulubi dito sa bahay kaya nagmadali ako para uahan sila at para din di mahalata na lumabas ako.
Dumiretso na ko sa kwarto para matulog .Pero di na naman ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina para kumuha ng tubig dahil nauuhaw nadin ako.
Pagkagaling ko sa kusina naisip kong mag-upo na lang sa sala kasi nga di pa ko makatulog.
Ewan ko kung niloloko ko lang ba sarili ko .Lumabas ba talaga ako ng kwarto dahil nauuhaw ako o lumabas ako ng kwarto para abangan sila?
"Bakit kasi wala pa sila "
sabi ko sa sarili.Meron sa sarili ko na nagsasabing abangan sila at meron din naman nagsasabing bakit pa?
" oo nga bakit ko kailangang hintayin sila? Bakit ako nag- aalala? Kasama naman nung pulubi si P'Kim? Nailigtas nya nga kanina diba?"
"Haaay.." sabay kamot ng muka
" bakit ko ba kinakausap sarili ko!?".
Kim's POV
krrruugrruuuhhh. .....
Pauwi na sana kami ni Rene ng marinig ko ang tunog ng kanyang tyan.
" oo nga pala di ka pa kumakain mula paglabas natin ng hospital diba?"
" ahm. oo nagugutom na nga ako pasensya na sa tyan ko" nahihiya nyang sagot.
Dinala ko sya sa pinakamalapit na bukas pang restaurant para kumain .
Ang lakas pala nyang kumain. Hindi narin ako nagtataka kasi galing nga syang hospital at mahina pa kaya kailangan nyang bumawi ng lakas. Pero ibang klase ang lakas nya talagang kumain.
" Kim.., tinatawag mo kong Rene. Rene ba talaga pangalan ko?"
"Hindi...
wala lang kaming ibang maitawag sayo.Since napagkamalan ka namang Rene ni Yoshi ,Rene nalang itatawag namin sayo ok lang?"" Ah.. Yoshi pala pangalan nung magandang babae kanina. Uhm ok lang na Rene maganda naman yung pangalan kaso sino yun?
tsaka pala mukang di pa ko talagang magaling""Bakit naman?" -
" Hindi ko kasi alam kung nabibingi ako o hindi eh. Naririnig ko kayong nag-uusap usap kanina kaso di ko lang maintindihan mukang naapektuhan din ata ang panrinig ko" - sya
" Hahaha, hindi ka nabibingi ibang linggwahe lang gamit namin kaya di mo kami maintindihan .Thai kasi kami, Pinanganak ako sa Thailand ,bansa sa labas ng Pilipinas.Thai din si Dash ,Thai ang papa nya at pilipino naman nanay nya pinsan ko sya .Ang parents ko wala dito .Nasa Thailand andito lang ako para sa business at si Dash naman ,dito talaga sya gawa ng tatay nya."
"Eh anong meron sa tatay nya? Bakit di sya nakatira sa bahay nyo? Pati mama nya asan?" - Rene
" Mahabang storya .tsaka ko na ikukwento pag may time, bilisan na lang nating kumain ng makauwi na"
" oo nga,(^_^)hehe.
Alam mo.., ang daldal mo pala . Ang dami mo agad naikwento sakin haaha ."" ah ganon ba? hahaha"
At yun nga .Napakwento ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami.
Pagpasok namin sa bahay una agad naming nakita si Dash na nasa sala at nanonood ng TV.
BINABASA MO ANG
I Bumped Into You
De TodoI Bumped Into You (IBIY) "Make sure to pick a battle that's big enough to matter and small enough to win" Sabi nila lahat daw ng nangyayare sa buhay ng tao ay may dahilan At May mga pangyayare din sa buhay natin na itinadhanang mangyare. Pero...