Kim's POV
Buti na lang magaling akong makipagusap pinayagan ka ,tayong ilabas ka.
Pero ang lakas mo ha .Ang bilis mong nagising yun nga lang wala kang maalala.Kumusta masakit pa ba katawan mo? Mukang maayos ka na ding maglakad eh.
(•_•) - babae
"Sige ok lang kahit di ka na muna magsalita.(^_^)
Tara na pasok na tayo sa kotse pupunta tayo sa bago mong titirahan.(^_^) ako nga pala si KIM😊
Wag ka nang mahiya at wag ka ding matakot halika na."
Hindi ko alam ang itatawag ko sa babaeng kasama ko ngayon.Naisip kong dalin na lang sya sa bahay na tinitiran namin ngayon ni Dash dahil wala din naman akong alam na pagdadalhan nito.Kita mo sa mga mata nya na nahihiya sya at muka talaga syang walang maalala . Nakasuot pa sya ng hospital gown hindi na kasi pwede yung suot nyang damit nung naaksidente sya dahil puro dugo na iyon ,sira-sira at madumi pa. Wala naman akong ibang dalang damit kaya binayaran ko na lang yung hospital gown na suot nya ngayon.
Nakarating na nga kami sa Bahay na tinitiran namin ni Dash pero hanggang ngayon iniisip ko padin kung ano itatawag ko sa kanya.tsk tsk tsk.
Pinapasok ko na sya sa loob ng Bahay kitang kita sa muka nya ang pagkamangha siguro ganon talaga maganda naman kasi talaga ang tinitiran namin may extra kwarto pa para sa mga bisita kaya pwede na sya dun.
Pinaupo ko muna sya sa sala at hinanapan ng damit na pwede munang ipasuot sa kanya .Muka naman syang mabait at naupo sya agad.Pumasok ako sa kwarto ko at ikinuha ko muna sya ng damit na pwedeng magkasya sa kanya pero mukang wala dahil sa maliit ang katawan nya kung ikukumpara sa katawan namin ni Dash .Pero naghanap pa din ako hanggang sa may nakita ako Long Sleeve na white na mejo manipis.Mahaba ito sa kanya dahil medjo maliit sya.
Iniabot ko sa kanya yung damit at itinuro ko kung saan sya pwedeng magbihis at magiging kwarto nya hindi ko na sya binigyan ng pantalon dahil magmumuka lang yong daster sa kanya at wala ring magkakasya.
Pumasok na nga sya sa sinabi kong kwarto para magbihis at sinara nya syempre yung kwarto.....
Halos kalahating minuto na pero di parin sya lumalabas ng kwarto.
Antagal naman nung magbihis.kanina pa yon ah.Baka Sumakit na lang bigla ulo nun at hinimatay
Kinatok ko na sya sa pinto dahil nagaalala ko baka ano na ang nangyari .Pagkatok ko ay binuksan naman nya ito agad dumungaw sya sa pinto at tinanong ko ito kung bakit ang tagal nya.
"Ahm.Di pa po kasi ako nakapagbibihis" - sya
"Bakit? "- ako
"Ano po kasi..ahm pano o ba to sasabihin.amm" - sya
"Ano ba yon? "- ako
"wala po bang?.... uhm ..ano."- sya
"Ano nga? sige sabihin mo wag ka mahiya" - ako
"panty't bra po" - sya
nakayuko nyang sinabi yon at halatang halatang hiyang hiya syang sabihin yon .hahahahahahahahhahahahh..gustong gusto ko na sanang tumawa non pinipigilan ko lang .di ko man lang naisip na kailangan nga naman nya nun .
"ah oo nga pala .,ganto na lang, jan ka muna bibili muna ko jan lang sa labas sandali lang yon malapit lang namn "
tumakbo na ko palabas para ibili sya ng underware .Natatawa na lang ako habang naglalakad at pangisi ngisi ewan ko ba nakakatawa sya .Habang naglalakad ako ay may nabunggo akong isang babae di ko sinasadya nakatingin kasi sya sa kung saan. Napansin kong halos magkasing size lang sila nung babaeng may amnesia kay kinapalan ko na yung muka ko at kinausap yung babae.

BINABASA MO ANG
I Bumped Into You
De TodoI Bumped Into You (IBIY) "Make sure to pick a battle that's big enough to matter and small enough to win" Sabi nila lahat daw ng nangyayare sa buhay ng tao ay may dahilan At May mga pangyayare din sa buhay natin na itinadhanang mangyare. Pero...