CHAPTER 2

10K 183 13
                                    

"ALICE, STOP PULLING YOUR DRESS DOWN AND SMILE FOR ME," sita ni Amanda habang nire-retouch nito ang make up niya. Malapit nang magsimula ang party pero hindi siya komportable sa suot niya.

"This is a top, Mandy," aniyang nakangiwi.

"It's a dress. Come on, you'll survive."

"Ayokong maging sentro ng atensyon sa party na para sa iyo."

"You're exaggerating, Alice. Hindi naman yan gaanong maikli. Tama lang. Hindi ka lang sanay. Hindi ba kayo nagpapalda sa tinuturuan mong school? Ano'ng uniform ninyo dun, baro't saya?"

Sinimangutan niya ito nang tumawa ito.

"Tara na. Baka hinihintay na tayo nina Mama sa 10th floor." naroon kasi ang hall na pinagdarausan ng mga selebrasyon gaya ng kay Amanda at Jake.

"Mauna ka na. Tingin ko hindi ko kayang lumabas suot to."

"Alice naman, it's okay. I think you look fabulous."

"Good. That makes one of us."

Bumuntong-hininga ito. "Okay. Mauuna na ako, ha? Kailangan ko pa kasing kausapin ang party  rganizer bago mag-umpisa. But please, come down soon. I need my maid of honor there, okay? Don't pass out on me. And by the way? Please smile. I don't want my visitors thinking na may  alahi akong grumpy troll."

Binato niya ito ng unan mula sa isang sofa roon ngunit sa nakasarang pinto na lamang iyon  umama. Tumatawang umalis ang pinsan niya. Wala naman talaga siyang balak na hindi  umunta sa party. Baka hindi siya tigilan ni Amanda kung nagkataon. Alam niyang importante iyon sa kaniyang pinsan at ayaw niyang maging malungkot ito.

Tiningnan iyang muli ang kaniyang repleksyon sa salamin bago huminga ng malalim at nagpasiyang lumabas na ng suite ni Amanda bago pa man siya atakihin na naman ng kaba. Tinungo niya ang elevator at pinindot ang button para sa 10th floor. The party will be at full swing when she arrives pero okay na iyon para hindi siya mapansin.

Ilang segundo lang ay nakarating na siya sa pagdarausan ng pre-wedding party. Alam niyang nag-umpisa na iyon dahil dinig niya ang muted na tugtog mula sa nakasarang dalawang pinto ng hall.

Tinanguan at nginitian siya ng dalawang receptionist. Sinuklian niya ang mga ito ng ngiti at tinungo ang pinto. Pinagbuksan siya ng isang attendant. Huminga muna siya ng malalim bago humakbang papasok.


***


"DUDE, I REALLY CAN'T BELIEVE IT. IKAKASAL KA NA!"

"Oo nga. Tapos na ang maliligayang araw mo!"

"Shut up, you two."

Tahimik na pinagmamasdan ni Trent ang mga kaibigan na pinagkakatuwaan si Jake, ang nakababatang kapatid niya. Nasa bar sila ng hotel na iyon, ang Hotel De Santis, at nagpapalipas ng oras habang hinihintay na magsimula ang pre-wedding party.

Naroon sila sa branch na salitan nilang mina-manage ni Jake. Pero isa lang ito sa mga hotel branch na inaasikaso niya. Ang totoo ay ang mga branch sa Sicily talaga ang hawak niya.

Pinakiusapan lang siya ni Jake na mag-take over dito ng ilang buwan dahil nga busy ito sa nalalapit nitong kasal. Bilang regalo na rin sa kaniyang kapatid, maliban sa siya muna ang magma-manage dito ay libre na rin niyang ipinagamit ang ilang suites para i-accommodate lahat ng bisita for a span of two weeks. Meron na kasing mga naunang guest na maagang dumating dahil tutulong ang mga ito sa wedding preparations.

Pinanood niya kung paano buskahin at lokohin ng mga kaibigan nila ang kaniyang kapatid. Hindi na siya sumali sa ingay ng mga ito lalo na't nakakaagaw na rin sila ng atensyon doon, lalo na ng mga babaeng guests.

OBSESSION TRILOGY 1: Hunger [REPOST]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon