Chapter 12

6.6K 148 4
                                    

MAINGAT NA ISINALIN NI AMANDA ang huling batch ng chocolate chip cookies sa isang malaking tray. Kumuha siya ng isa, hinipan iyon at saka kumagat. She smiled when the delicious sweet taste of chocolate exploded in her mouth.

Perfect, she thought. The family, especially the children, would definitely love it.

Kasama ng isa pang katulong na bitbit naman ang lemon juice at mga baso, lumabas sila sa kusina at dumeretso sa family room kung saan present ang buong De Santis family—aunts, uncles, cousins, and of course, the cute and energetic kids.

Lumapit siya sa pinsang si Alice at umupo sa couch sa tabi nito. Nakaupo ito sa makapal na carpet at kandung-kandong si Samantha, ang anak ni Cecilia. Limang taon pa lamang ito pero matatas at diretso nang magsalita.

Ngayon ay tumingala ito sa kaniya at ngumiti. "Zia!" Tita!

Nakangiting pinisil niya ang mapulang pisngi nito. Humagikgik ito. Her innocent golden eyes, a De Santis trait, sparkled with mischief. Samantha almost looked like a doll with long lashes and a beautifully and naturally-curled dirty blonde hair.

"Kumusta, baby? What are you doing?" tanong ni Amanda sa bata.

"Zia Ally. Count. One, two, four..."

Tumawa si Amanda nang kumunot ang noo ni Samantha habang nakatingin sa mga binibilang na mga daliri.

Nakangiting itinama ito ng pinsan niya. "You forgot Number Three, Sammy. Did it run away?"

Nanlalaki ang mga matang tumitig dito ang bata. "Three! Didn't run away. Asleep!"

"Ah... So mahilig palang matulog si Three," pagsakay niya sa usapan ng dalawa. Natutuwa siya sa bibong bata.

Mabilis na tumango si Samantha. "Sleepyhead. Like Danny!"

Si Danny—or Daniel—ang six-month old na kapatid ni Samantha. Nasa Sicily ito sa kasalukuyan dahil hindi pa ito pwedeng ibyahe ng malayo.

"Sammy, Danny's still a baby. Kailangan niyang matulog so he could grow faster," ani Alice habang inaayos ang buhok ni Samantha.

Samantha nodded with understanding kapagkuwan ay tumitig sa tray na hawak ni Amanda.

"Zia. Cookie?" hopeful na tanong nito, her big doe eyes shining.

Nakangiting tumango si Amanda, pinipigilan ang tawa. "Cookie. With chocolate chips."

"Yey!"

Binigyan niya ito ng isa.

"Cookie. Yum yum," masayang sabi nito at umupo ulit sa kandungan ni Alice habang masayang nilalantakan ang cookie.

Amanda patted the child's head and stood to distribute the treat to the other very eager children.

Nilapitan siya ni Jake habang nilalagyan niya ng tsaa ang mga tea cups sa mesa. Niyakap siya nito mula sa likuran at saka siya dinampian ng mabilis na halik sa pisngi.

"Okay?" tanong nito habang nakapatong ang baba sa balikat niya.

Tumango siya at dinampian din ng halik ang pisngi nito, at the same time handing him the tray holding the tea cups.

"Very sneaky, baby," remark nito.

She grinned at him. "You need to practice now doing menial chores, Mr. De Santis."

Jake put the tray down on a small round table. Amanda handed one cup to Signora De Santis.

"Grazie, cara," magiliw na pasalamat ng ginang.

OBSESSION TRILOGY 1: Hunger [REPOST]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon