Chapter 15

5.8K 115 0
                                    

Bumuntong-hininga si Alice at lumabas iyon bilang isang puting usok na mabilis ding naglaho sa malamig na hangin sa balkonaheng kinatatayuan niya.

Pinagkiskis niya ang mga palad at manghang inilibot ang tingin sa bulubunduking tanawin na nababalot ng hamog. Pagkatapos ng mahigit limang oras ay nakarating din sila sa Benguet. Ngunit ayon kay Amanda, dalawang oras pa ang kanilang ibibiyahe upang marating ang farm na pakay nila.

She took a deep breath and hoped the cool and clean air would cleanse her troubled mind.

The trip was excruciating. She believed it was the longest and most uncomfortable five-hour trip she had in her whole life. Mabuti na nga lang at mayroon pa si Amanda. If her cousin wasn't there, Alice may have jumped out the car's window to avoid an awkward moment with Trent.

Yes, Trent was back. Alice would not say that the short time he was gone was for the best because it still left her frustrated and sleepless at night.

No, his absence only made her nerves grew taut, at the point of breaking. And now that he had come back, catching her unawares, she feared that she'd effortlessly crumble in a heap.

Then came again the memory of the mysterious box delivered at her room.

Hindi napigilan ni Alice ang matinding pamumula ng kaniyang mga pisngi. Why would Trent give her such a gift?

"Alice, okay ka lang?"

Napapitlag siya ng kaunti nang tapikin siya ni Amanda sa kaniyang balikat.

"Mandy..."

"Okay?" nakakunot-noong ulit nito.

Mabilis siyang tumango.

Hindi nawala ang kunot sa noo ng kaniyang pinsan. "Bakit sobrang pula ng mukha mo?" Ipinatong nito ang palad sa kaniyang noo. "May sakit ka ba?"

Umiling siya at ngumiti. "Hindi lang ako sanay sa ganito kalamig na klima. Ngayon lang ako nakaakyat dito sa Benguet."

Tumango-tango ang kaniyang pinsan at tila nakumbinsi sa dahilan niya. Lihim siyang nakahinga ng maluwag at pinilit kinalimutan ang bagay na dahilan ng pag-i-init ng kaniyang pisngi.

"It's a beautiful sight, isn't it?" ani Amanda pagkatapos ng saglit na katahimikan. Nakasandal ito sa balustreng nakapalibot sa balkonahe ng café and resto na hinintuan nila para makapagpahinga.

Tumatangong tinignan ulit ni Alice ang tanawin.

"Alam mo bang may balak kami ni Jake na bumili ng property dito? Pero hindi pa siguro ngayon. Sabi kasi niya nakapagpatayo na siya ng bahay namin sa Sicily."

Nilingon niya ang pinsan. "That fast?"

Tumawa si Amanda. "Yeah, I know. Maging ako nagulat din. But how impossible could it be? I keep on forgetting that my soon-to-be husband is a De Santis. And that's a very expensive name. Kaya I don't doubt na kaya niyang makapagpatayo ng kahit ano sa loob lang ng maikling panahon."

"Jake's a sweet guy. I think it's just right he brings you to his native home. Huwag kang makakalimot, ha? Sulat ka."

Natatawang hinampas nito ang braso niya. "Baliw. Para namang hindi na 'ko uuwi ng Pinas forever. It's just that Jake wanted our child to grow knowing about his home. He or she will have Sicilian blood afterall. Even though he spent most of his years in this country, sa Sicily pa rin siya namulat at lumaki."

Biglang tumunog ang cell phone nito.

"You should get that," ani Alice. "Maybe it's Jake."

Tiningnan nito ang caller ID. "You're right. It's Jake. Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kaniya in person. Saka ko nalang siya na-message kaninang nasa biyahe tayo."

OBSESSION TRILOGY 1: Hunger [REPOST]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon