Chapter 27

5K 131 38
                                    

Pakiramdam ni Alice ay nade-déjà vu siya habang habang inililibot ang tingin sa malawak at marangyang common receiving room na pinag-iwanan sa kaniya ni Jake.

Yes. She was back again at Hotel De Santis.

Nanlamig bigla ang pakiramdam niya nang pagbukas ng elevator mula rooftop hanggang lobby ay nabungaran niya ang pamilyar na lugar. Gustong-gusto na niyang tumalikod at maglakad pabalik pero nanlalambot na rin ang kaniyang mga tuhod.

Bakit? Bakit kailangan pa niyang bumalik sa lugar na iyon?  Ano ba ang dahilan ni Jake kung bakit siya nito dinalang muli sa naturang hotel? 

Bumuntong-hininga siya at tumayo upang maglakad palapit sa bintanang natatabingan ng malalaking venetian blinds. Basa na ng pawis ang kaniyang palad at agarang ipinahid niya iyon sa suot na uniporme.

Sa loob-loob niya, sa ilalim ng matinding kaba at takot, ay ang pangungulilang makita ang pamilyar na pares ng mga matang nakatatak na sa isipan niya.

Pero hindi niya alam kung anong sasabihin o gagawin kung magtama man ulit sila ng tingin ng mga matang iyon. Takot siyang makaramdam ng panibago at mas malalim na kirot sa dibdib. Takot na siyang mas masaktan pang muli.

Narinig niyamg pumihit ang seradura ng mabigat na pinto ng receiving room at sumasal na naman sa kaba at pananabik ang kaniyang dibdib.  Magkahugpong ang mga kamay na lumingon siya sa pabukas na pinto,  isang alanganin ngunit umaasang ngiti sa kaniyang mga labi...

Na nauwi sa isang gulat na pagbuka ng kaniyang bibig nang marinig ang sunud-sunod na pagtama ng takong ng sapatos sa itim na marmol na sahig.

"Oh,  look who came to join the fun." Ngumiti sa kaniya ang mga labing matingkad na pula.

Napahawak siya sa gitna ng dibdib.  "Sophia... "

"Hello,  Stepsis." Isang mapang-uyam na tingin ang ibinaling sa kaniya ni Ayvieh Sophia.

She was a sight to behold in her little black dress and fire-engine high heels.  Nangingislap ang mga alahas sa tainga,  leeg,  braso at mga daliri nito. Mas lalong nanliit ang pakiramdam ni Alice nang masilayan ang kapatid sa labas.

"How's life, Ate?" Walang bahid ng respeto ang binitawan nitong mga salita. "Wala na akong balita dito sa Pilipinas.  Ang tagal kasi naming naglagi ni Mama sa Las Vegas." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.  "I see na hindi ka pa rin nagbabago.  Ayos-manang ka pa rin." Pumalatak ito habang naglalakad palapit sa isang sofa at ipinatong ang kamay sa leather na sandalan niyon. 

Nanatiing tikom amg bibig ni Alice sa pinaghalong takot,  galit,  pangamba at sakit. Itinukod niya ang kamay sa katabing mesa upang magkaroon ng lakas na manatiling nakatayo.

Tinaasan siya nito ng kilay.  "What?  You don't have anything to say to your little sister?"

"Sophia... "

Natigilan siya nang may memoryang biglang sumulpot sa isip niya.

"We knew,  Alice.  We know that Sophie is your stepsister."

Tinawag itong "Sophie" ni Trent.  Ganoon ba kalapit ang mga ito?  Napaka-intimate ng tunog ng pet name na iyon mula sa mga labi ni Trent.  Mas lalong sumikip ang dibdib niya.

"Ayvieh Sophia,  you should have waited for us.  Gusto ka pa namang kausapin ni Mommy."

Namutla si Alice nang makita ang mga bagong dating.  Ang di katangkarang lalaki ay kahawig ni Sophia mula mata hanggang mga labi.  Sa buhok lang nagkakaiba ang magkapatid dahil matingkad na blonde silver na ang mahaba at wavy na buhok ni Sophia.  Samantalang ang kay Devon ay itim na itim naman.

OBSESSION TRILOGY 1: Hunger [REPOST]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon