Chapter 13

6.6K 123 1
                                    

HOLDING HER OWN GLASS of orange juice, Alice stared at the hall she was currently in, together with the persons primarily involved in Jake and Amanda's wedding. She couldn't hide the shocked expression on her face.

Kaninang umaga ay nagmamadali pa siyang lumabas ng kaniyang suite dahil late na siya sa unang araw ng wedding rehearsals. She slept late that night, thinking of what happened in the past few days. Things that complicated her life.

At ang resulta? Her face was pale with lack of sleep, her head hurt with too much overthinking and she believes that Amanda will lecture her endlessly for being late at her favorite cousin's wedding rehearsal, she being the maid of honor. Siya dapat ang nangunguna roon, hindi ba?

Pero pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa hall kung saan idaraos ang wedding ay parang may nagdaang bagyo roon. Not that the room was messy and whatnot, the people in it were.

There were loud arguments going on and there was a lot of shouting. A rather sharp curse reached Alice's ears and she winced, almost choking on her juice because the curse came from a very petite woman who was shouting at Blake.

Nagtaka si Alice. Nang nakilala niya si Blake ay napansin niyang mabait ito at mahaba ang pasensya. Sa kanilang magkakaibigan ay ito ang pinakatahimik at madalang sumabay sa lokohan ng mga kaibigan nito.

Pero sa nakikita niya ngayon ay salubong na ang mga kilay ng binata habang nakatingin sa maliit na babaeng sinisigawan ito. Sa hitsura ni Blake ay parang anumang sandali ay ihahagis na nito ang babae sa labas ng bintana.

Tinitigan ni Alice ang maliit na babae. Nakasuot ito ng isang blue na open-toed sandal. It contributed a few inches to her height. Marahil ay magkasing-liit lamang ito at si Alice. The woman had a bluetooth earphone on her ear, a gadget which looked like an organizer on one hand and a black clipboard on the other. Sa ayos nito ay nakilala ito ni Alice bilang ang wedding coordinator nina Amanda.

What was her name again? Mia ata, ani Alice sa sarili.

Na-curious siya kung ano'ng ginawa ng babae at ganoon na lang ang hitsura ni Blake dahil sa pagkakaalam niya ay kalmado itong tao.

"Refill?" nilingon ni Alice ang binatang bartender sa likuran niya. Marahil ay napansin nito ang nangangalahating laman ng kaniyang baso.

"Ah, yes, thank you," sagot niya rito sabay abot ng baso.

Nakangiting inabot iyon ng binata at mabilis na nag-refill ng tube ice at orange juice. "Isa ka sa mga bridesmaids?" tanong nito pagkababa ng baso sa counter sa harap niya.

Nagpasalamat siya at inabot ang baso. "Ah, ako ang maid of honor, actually."

Tumango-tango ang lalaki habang nagpupunas ng mga baso. "Welcome to hell." Nilingon niya ito dahil sa sinabi nito. Nakangisi ang lalaki habang iminumuwestra ang eksenang nangyayari sa harap nila. "Hindi ka makikigulo sa kanila?"

Umiling-iling siya. "Wala sa plano ko 'yan. Where's Jake and Amanda, by the way? Dapat ay nandito na sila't sinusuway ang mga batang 'to," ani Alice na ang tinutukoy ay ang apat na babae at limang lalaking nagkakagulo sa gitna ng eleganteng hall. Kung hindi lamang magaganda at mukhang mayaman ang mga ito ay iisipin niyang naligaw siya sa palengke.

Nagkibit-balikat ang binatang bartender. "Nandito ang dalawang 'yon kanina. Kaaalis lang nila before you came. And technically speaking, they did not simply leave. They sneaked out."

"Sneaked out?" nagdududang ulit niya. "Matatanda na sila. Why do they need to sneak out?"

"Hindi pa ba obvious? They're a couple very much in love with each other and will be wedded in less than two weeks. They pretty much can't keep their hands off of each other."

OBSESSION TRILOGY 1: Hunger [REPOST]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon