Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

⚜Prologue⚜

300K 7.7K 3K
                                    

500 Years Ago...

The God of Fire, Water, Earth, Wind, Light, and Dark, established great harmony all over the Galaxy. There was peace over the years and thousands of years before. But one day, the elusive and introverted God of Darkness slowly developed greed over the years and started distancing himself from the others.

The other Gods did not notice the increasing gap between the God of Darkness and them, since the God of Darkness has been introverted since primordial times and has been putting distance from his brothers and sisters. But one day, with an unexpected event, the God of Darkness raised a revolution and created an army with his own power, and declared war between the other Gods.

It was chaos all over the Universe. Demonic beings scattered and spread all over Universe, like a plague slaying human beings and infecting them. The other Gods could no longer bear the doing of the God of Darkness. They have to stop the revolution. They came up with a decision to hand-pick humans to share bits of their power to protect the world from harm that was made by the Demonic beings. Every God shared their power to protect mankind and slay the Demons.

It was advantageous and effective as the first set of human beings received the gift from the Gods. But as years passed, Demons developed wisdom and found a way to be immune and escape death from the hands of the gifted. The Universe was sent to despair and chaos, as how the demons learned and discovered the unforeseen abilities that only demons can conjure.

The Gods decided to awaken a soul that was in deep slumber for hundreds of years to carry all five elements who has endless power. A being that can only stop the God of Darkness. A being who brought the God of Darkness into the depths of hell, who will also put him on the brink of death. The being who will change the world as soon as it shows its existence.

"I, who holds the fire, the God of Sun, give the power of braveness and burning determination to fight the darkness and give warmth to the cold hearts," the God of Fire chanted as he placed his hand on a crystal clear seed transporting his power.

"I, who holds the water, the God of Seas, give the power of calmness and wisdom to fight all evils who stand in the way and cleanse the tainted hearts," the God of Seas chanted as he placed his hand on the crystal seed, doing the same thing with the God of Fire.

"I, who holds the Earth, the God of Mountain, give the power of Earth to have a strong will and block away all evils and have a strong foundation of faith," he chanted and did the same thing.

"I, who holds the wind, the God of Air, give the power of agility and lightness to weight every difficult situation," the God of the air chanted.

"I, who holds the light, the God of light, give the power of a clear path and protect you from evil," he chanted and did the same thing.

"Your memories will be sealed away, and you will be given a new life. A life as a human and fate will lead you to your destiny." All the gods uttered the same words, and they dropped more power to the crystal.

The crystal seed emitted multi-colored light as it floated in the air, radiating power... vast and endless power. The Gods had already selected a woman who will carry the seed and will bear the savior of the Universe. A woman named Aria, a healer who's the last of her kind. Clueless that she will be the carrier of the savior of the Universe.

Present

Walang katao-tao sa kagubatan habang naglalakad si Aria. Araw-araw niyang ginagawa ang pagkuha ng mga ubas sa kagubatan. Ang naririnig lang niya ay mga huni ng ibon at kaluskos ng mga kuneho.

"Masagana ang ani ngayon," masayang saad niya habang naglalakad. Pero nagulat na lang siya nang biglang tumahimik ang paligid at huminto ang galaw ng lahat. Pati ang mga dahon ay huminto mula sa pagkakahulog. Parang huminto ang oras at biglang naging makulimlim ang kalangitan at paligid.

Napalunok na lang si Aria dahil sa takot. Isa lang ang nasa isip niya. Kagagawan ito ng isang Demon. Pero wala siyang makita kahit ano, pero sa halip na Fallen ay isang kumikinang na bagay ang lumulutang sa harap niya. Paiba-iba ang kulay nito. Tiningnan niya ang paligid nito pero wala namang kung ano na dahilan para lumutang ito. Bigla na lang dumampi ang kamay niya rito at lumiwanag ng nakakabulag na liwanag at pumasok sa kanyang katawan ang maliwanag na bagay na hindi niya matukoy kung ano.

"Ano'ng nangyayari?" takot na saad niya pero walang sino man ang makakasagot dahil wala ni isang tao sa kanyang paligid. Nagulat na lang siya nang bigla siyang lumutang sa ere at napunta siya sa isang dimensyon na purong puti ang paligid at may higaan na gawa sa puting balahibo ng hayop. Naramdaman na lang niyang lumapat ang kanyang likod doon at unti-unting naipikit niya ang kanyang mata dahil sa dahan-dahan na pagkaramdam niya ng antok at nawalan na siya ng malay.

500 Years Later

Isang malaking delubyo ang pumukaw kay Aria. Isang digmaan ang nagaganap sa Universe—Demons versus Elementals.

Gustong magsalita ni Aria pero nahihirapan ang kanyang lalamunan; tila barado iyon. Bumaba siya mula sa pagkakahiga pero nagulat siya nang mapansin niya ang malaki niyang tiyan. Malaki ito na tila may laman na pakwan sa loob nito at ramdam niya ang paggalaw ng nasa loob. Napakurap-kurap ulit siya. Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya dahil wala siyang maisip na dahilan para maging ganito ang tiyan niya. Wala rin siyang maalalang sakit para magkagano'n ang tiyan niya. Mas lalong wala siyang kasintahan o asawa para naman mabuntis siya.

Pero nagawa na yata niya ang lahat ng klase ng kurap pero walang nagbago. Malaki pa rin ang kanyang tiyan. Ang nagbago lang ay ang paligid. Ang kaninang nakikita niya na parang nasa loob siya ng isang puting kuwarto ay napalitan. Nasa gitna na siya ng kalsada ngayon, sementadong daan at may mga kabahayan na magaganda pero kakaiba sa paningin niya. Hindi niya napansin kung kailan siya napunta roon dahil kinain na siya ng pagtataka.

Napahawak na lang siya ng kanyang sentido dahil parang nahihilo siya sa mga nangyayari. Wala siyang maintindihan dahil sa mga wirdong istraktura ng mga kabahayan. Sa pagkakaalala niya, mga gawa sa kahoy ang kabahayan at hindi sementado ang daan. Naging kumbinsido si Aria na isa lamang panaginip ang mga nangyayari. Panaginip na anumang oras ay magigising na siya.

Napalingon na lang si Aria nang may paparating na malakas na ugong ng isang bagay. Hindi pamilyar sa kanya ang tunog na 'yon at kauna-unahang beses niya narinig ang ganoon klaseng tunog. At nagulat na lang siya dahil isang hindi niya mapangalanang bagay na itim at may apat na gulong ang paparating sa kanya. Napapikit na lang siya nang malapit na siyang abutan nito pero lumipas ang ilang segundo ay wala siyang naramdaman na sumayad sa kanya. Sa halip, nang ibinuka niya ang kanyang mga mata ay nakahinto na ang bagay na iyon sa kanyang harapan.

"Miss, are you okay?" saad ng isang boses babae kaya tiningnan agad ito ni Aria.

Isa itong magandang babae na mukhang ilang taon ang tanda sa kanya at may nag-aalalang mukha. Napapatingin ito sa kanyang bilog na tiyan. Pero hindi siya makapagsalita dahil ni isa sa mga sinabi ng babae ay wala siyang maintindihan. Banyaga sa kanya ang wikang ginagamit nito; pati itsura ng babae ay kakaiba rin para sa kanya.

Habang sa kabila naman, si Pearl ay nawiwirduhan sa babaeng muntik na niyang masagasaan. Kakaiba ang suot nito. Mukha pansinaunang tao ang istilo nito. Pero hindi maipagkakailang maganda ito at buntis. Tinitigan lang siya ng babae at halatang wala itong maintindihan.

"Are you a mute?" tanong niya ulit dito. Tiningnan siya ulit nito na puno ng katanungan ang mukha. Napalunok siya. Mukhang wala itong kaalam-alam o considered na illiterate kaya hinaplos ng awa ang kanyang puso. "Do you wanna come with me?" nakangiting tanong niya rito. But the response was still the same—a confused look from the pregnant girl she almost ran over.

Walang kaideya-ideya si Aria kung ano-ano ang pinagsasabi ng babae sa kanyang harapan pero bigla na lang siyang pinagpawisan nang may maramdaman siyang mainit na likido na dumaloy sa kanyang mga binti. Sa isang iglap lang ay parang kumalat ang libo-libong boltahe ng sakit sa kanyang tiyan at baywang na ikinaiyak niya. Pakiramdam niya ay pinagpipiraso ang kanyang tadyang.

"Oh my god, your water broke. We need to go to the hospital!" natatarantang saad ng babae pero wala pa rin siyang naintindihan dito.

Ngumangawa na siya. Hindi na niya maintindihan ang kanyang nararamdaman dahil sa sobrang sakit na parang ikakamatay na niya. Pero nagulat na lang siya nang biglang inalalayan siya ng babae papasok sa wirdong itim na may apat na gulong na parang maliit na kuwarto na puro upuan lang. Hindi na siya makapalag dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman at nang maipasok na siya sa loob ay umandar na lang ito at tumakbo sa kung saang hindi niya alam.

Mga ilang sandali lang ay ipinasok siya sa isang malaking puting gusali na gawa sa semento. Inihiga siya sa isang higaan at maraming mga nakaputing babae ang umaagapay sa kinahihigaan niya habang gumagalaw iyon dahil sa de-gulong ito. Wala na siyang maintindihan sa mga sinasabi ng mga ito. Hindi na maintindihan ni Aria dahil ang alam niya ay isa lamang itong panaginip pero ramdam na ramdam niya ang sakit.

Nanlamig ang kamay ni Pearl dahil sa mga nangyari. Sa buong buhay niya ay ngayon lang ito nangyari sa kanya. Nakaramdam siya ng bahid ng inggit. Pinangarap niyang magkaanak pero kahit kailan ay hindi sila pinalad ng asawa niya. Siya ang may problema dahil baog siya. Kahit kailan ay hinding-hindi siya magkaka-anak.

Ipinasok na ang babae sa delivery room, at naghintay na lang siya sa labas. Siya na ang tinanong ng nurse sa impormasyon ng babae pero ang problema ay hindi niya ito kilala. Wala rin itong dalang ID at hindi pa ito nakakapagsalita kaya sinabi na lang niya na kapatid niya ang babae at binigyan ng pangalan.

Ilang oras ang lumipas ay lumabas na sa delivery room ang doctor na akala mo ay galing sa operasyon. Pero isang balita ang gumimbal sa kanyang katauhan. The girl died while giving birth to her child. And now, the baby was an orphan.

Something inside clawed her heart and felt like it was drowned in pain. A very twisted fate for the newly born child and the right to have its mother was taken from it. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa bata dahil wala na itong mga magulang ngayon, but the doctor declared she was the only relative of the child and turned her to be the adoptive parent of the baby. It made her so happy, and she couldn't wait to deliver the news to her husband of having a baby into their family.

GODS ||Universe of Four Gods Series|| Book 1 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon