Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

⚜Chapter 2⚜

149K 5.9K 1.4K
                                    

Snow's POV

Napagod ako sa paglilinis ng aking kuwarto. Basang-basa lahat. Mga damit, libro, at lahat ng bagay sa loob. Kahit ang kisame ay basa at napundi pa nga ang ilaw dahil nag-short circuit. Wala talaga akong kaide-ideya kung paano nabasa ang kuwarto ko nang ganoon na lang. Samantala, ang buong bahay ay binaha pero hindi naman nabasa ang lahat ng gamit. Parang dumaloy lang ang tubig doon and naging stagnant.

Pinagbintangan pa ako ng stepmother ko na binaha ko raw ang bahay dahil sa kuwarto ko lang din ang basang-basa lahat. Like duh, mag-e-effort akong kumuha ng gano'n karaming tubig para basain ang kuwarto ko at pabahain ang buong kabahayan? Ipagpapalit ko ang sarap ng tulog do'n? Ano akala nila sa 'kin, lunatic? Buti sana kung kadugo ko sila, baka may tsansa pa. Ako pa talaga ang pagbibintangan; mas kapani-paniwala pa nga na sila ang bumaha sa bahay.

Buti na lang may mga katulong din sa bahay kaya kahit papaano, hindi ako ang nakapaglinis sa buong kabahayan. Pinagtulungan namin na linisin ang sahig. Pero sabog na sabog naman ang tainga ko sa lintanya at muntikan pa akong masampal dahil sumagot ako. Hindi na kasi ako nakapagpigil dahil sa mga sinabi ni Friah.

Flashback

Nakayuko lang ako habang mala-megaphone ang bibig ng stepmom ko sa kakatalak sa akin na akala mo ay abot na sa kabilang siyudad ang boses nito. Kanina pa ito at umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya. Nauubusan na ako ng pasensya dahil sa mga pinagsasabi nito. Kaunting-kaunti na lang talaga.

"Wala ka na ngang silbi rito sa bahay, gumagawa ka pa ng kalokohan! Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga gamit na nabasa? Kaya mo bang bayaran 'yon lahat?" umuusok na saad ni Friah. Parang kaunti na lang ay masasapak na ako nito pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kahit baliktarin man ang mundo, mas matanda pa rin ito sa akin na dapat galangin kahit hindi naman ito kagalang-galang.

Naiyukom ko naman ang palad ko. Feel na feel ko talaga ang Cinderella moment dahil ganitong ganito si Cinderella, e. Mahilig 'yong magpaapi kaso may hindi tama. Ayoko na ng Cinderella moment, nakakapagod. Mapipigtas na yata ang pasensya ko. Nakakapagod maging mabait; kahit ang totoo naman ay may tinatago naman akong kamalditahan.

"Wala ka talagang kuwenta! Mana ka talaga sa nanay mo!" asik nito na siyang ikinaputol ng lahat ng pasensiya ko.

Tiningnan ko nang masama si Friah at medyo nagulat ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay tinitigan ko siya nang masama.

"Don't you dare insult my mom," may pagbabantang saad ko rito. Ni hindi ko nga kilala ang mama ko, ito pa kaya? Tapos kung makapagsalita akala mo, magkapitbahay sila ng mama ko dati. Akala mo ang daming alam.

"At wala akong pakialam kung nasira man ang mga gamit dito sa bahay! Ikaw ang walang karapatan sa pamamahay na ito. Ikaw na walang ginawa kundi magtatalak araw-araw at lustayin ang pera ng papa ko! Palamunin ka lang ng papa ko at ang mga walang kuwenta mong anak! Ni hindi niyo nga bahay ito at ni hindi niyo pera ang pinanggagastos niyo sa mga luho niyo! Ang kakapal ng mukha niyo! Kung makaasta kayo rito sa bahay parang kayo ang may-ari. Salimpusa lang naman kayo!" galit na galit na insulto ko rito. Wala akong pakialam kung masama na ang dating ko. If I insulted them, that was their fault. They triggered me to do this. Pero dahil sa ininsulto niya ang mama ko na nananahimik na sa kabilang mundo, ibang usapan na 'yon. 'Yon ang bagay na hindi ko kaya o basta-bastang palalagpasin lang. Patay na nga, dinadamay pa nila sa walang kuwentang bagay.

"You bitch!" Itinaas nito ang kamay nito para sampalin ako pero sinalo ko kaagad ang kanang kamay na sana ay dadapo sa pisngi ko. Mahigpit ko 'yong hinawakan at wala akong balak na pakawalan 'yon basta-basta.

Ngumiti ako nang malademonyong ngiti na siyang ikinakilabot nito. "Try to slap me, and you will find yourself homeless in the streets," banta ko rito. Yung totoo, hindi ko naman talaga gagawin 'yon pero kailangan ko na talagang sindakin ang mga ito dahil wala na yata silang plano na tumigil sa pang-aalipusta sa akin.

Akala kasi ng mga ito ay hindi ako lalaban. Ilang taon na ba akong inaalila ng mga ito sa sarili naming bahay? Limang taon na yata and now that I just turned 18 a week ago, all assets were transferred under my name. 'Yon ang habilin ni Mama kay Papa bago siya namatay. They created a will and it was notarized by the family's attorney. The will was already effective and secured, para kung may mangyari man daw sa kanya ay wala na raw akong poproblemahin.

"Y-you can't do that," namumutlang saad nito. Halatang kinakabahan na ito nang sobra-sobra. Maybe I was right after all. Pera lang ang habol nila kay Papa.

"M-mama..." nahihintakutan na saad dalawang stepsisters ko na ngayon ay namumutla at parang mga dagang na-corner ng pusa.

"Do you think I can't do that? I can do whatever I want in this house since I own everything in this house and all money that you have and are about to spend. Every single penny, I own it," saad ko rito with a possessive tone, making them know that I own every single thing in this household.

Napatawa ito nang pagak. "I am the legal wife of your father. Whatever he owns, I own," saad nito na biglang naging confident. She believed that their marriage was conjugal kaya malakas ang loob nito.

I smiled. "Too bad because 10 years ago, the will had already been created. Your marriage cannot change the fact that I am now the property owner of Sylveria's wealth. Your marriage has an automatic prenuptial agreement that you can't get any share of my mom and dad's money. If you are wondering why I knew all about it and still did nothing about your abuse, that is because you are the wife of my father. Somehow, I convinced myself that someday, you will learn to love me and treat me as your own, but I only hoped for nothing. So now, all the goody two shoes are long gone, my dear mother. So try to provoke me again, and you will end up in the streets as a beggar!" banta ko rito at nilayasan sila.

End of Flashback

'Yan ang nangyari. Wala sana akong kabalak-balak na ipaalam sa kanila ang buong katotohanan na ako na ang legal na tagapagmana ng mga Sylveria. It was for safety purposes kaya hindi iyon ipinaalam ni Papa kahit kina Friah. Pero wala na akong mapagpipilian. Kung hindi ako iimik, baka ako pa ang palayasin ng mga ito sa sarili naming bahay.

Pero isa pa ring malaking misteryo sa akin ang pagkabasa ng aking buong kuwarto o baka naman kagagawan nila 'yon para may dahilan sila na pag-initan ako at palayasin? Sa lahat ba naman ng kuwarto, sa 'kin pa talaga tapos ako pa ang pagbibintangan. Bangag ba sila?

Lumabas na ako ng kuwarto ko at pasalamat ko lang dahil malinis at tuyo na ang lahat. Nakita ko rin ang mga stepsister ko na may binabasang libro. Alam ko na nakita nila ako pero hindi ako pinansin ng mga ito. Hindi rin ito nag-abalang utusan ako dahil nga sa mga nangyari kani-kanina lang.

Hindi ko naman nakita ang aking stepmother o baka naman nag-e-emote 'yon sa kuwarto niya dahil di maka-move on sa mga pangyayari. Alam ko namang kayamanan lang ni Papa ang habol ng mga ito at ngayong alam na nila na wala silang makukuha ay parang gumuho na ang mga pangarap ng mga ito. Parasites will always be parasites.

"Seniorita Snow, handa na po ang pagkain," saad ni Manang Cleo. Ilang dekada na ito sa bahay at sobrang bait din nito. Ito ang nag-alaga sa akin mula nang maulila ako ng aking ina kaya maituturing ko na rin na magulang si Manang Cli kahit na katulong lang ito ni Papa sa bahay.

"Sige po, Manang, kain na po tayo," yaya ko rito. Talagang kasama ko ang mga katulong sa bahay na kumakain. Gan'yan na talaga kami dati pa pero nagbago 'yon no'ng nag-asawa si Papa dahil masyadong maarte si Friah. Allergic ito masyado sa itsura ng kahirapan.

●●●

Yuan's POV

Kasama ko ngayon sina Jin, Violet, Avis, at Luna. Nasa academy kami. Wala pa namang pasukan dahil enrollment pa ng Academy pero nandito na kami para sa isang pulong. Ipinatawag kami dahil may mahalaga raw na report na kailangan naming malaman.

Nakaupo lang kami at nababagot dahil hindi pa dumarating ang dapat mag-report.

"This is boring," saad ni Avis na nakapangalumbaba sa lamesa, and he's drawing circles on the table.

"You're making it worst. Humor me, Avis," sang-ayon naman ni Luna na mukhang inantok pa sa katahimikan.

I didn't know why we ended up being a group where we have different and incompatible personalities. Aminado ako na suplado ako masyado dahil matagal ko namg alam 'yon. Si Jin naman na tahimik na walang pakialam and he will only speak if he likes to, si Violet na puro pagpapaganda at pa-cute ang alam, si Avis na puro pagkain ang nasa-isip, at si Luna na madaldal na wala naman nag-aabalang nakikipagdaldalan.

"Hold your shits. An important report will arrive," saad ko naman sa mga ito. I already had a feeling about what made us gather here. Maybe it's because of that.

Sumunod naman ang mga ito habang si Violet ay pangiti-ngiti sa akin. Hindi ko alam pero gusto kong sunugin ang pagmumukha nito. Nakakairita noon pa, malamang dahil sa element nito na tubig kaya mukhang di ko talaga siya kasundo. Pero nakapagtataka lang dahil nakikipag-close ito sa akin kahit gusto ko itong ibalibag para lumayo ito. She's annoying the hell out of me, at madikit lang ako sa kanya ay naiirita na ako.

Bumukas na ang malaking pintuan at pumasok doon ang aming headmaster na may kasamang espiya. We all have spies na pinakalat sa buong kaharian. We kept on searching for gifted children para sa Academy at para na rin dagdag depensa at opensa sa mga kalaban pagdating ng panahon.

"Good day, Elites!" Headmaster Kier sang like he's in a good mood. Napaka-acentric ng pagkatao nito. He's hard to figure out and loves playing mind games. Kahit sa pananamit nito ay halatang halata rin.

"Good day, Headmaster," bati naman namin pero tumayo kaming lahat. Though we were Royalties, in the Academy, we were just merely his students in training to harness our potential.

"Take your seats," saad nito at nakiupo na rin habang ang espiya na kasama nito ay nakatayo lang at walang imik.

"What is this report all about, Headmaster?" tanong ko rito. Ayoko ng patumpik-tumpik pa. Time was running. We already wasted a lot, and I can no longer keep my shit from not knowing what this meeting was all about.

"Hhmm... yes, about that. I wanted to inform you about the certain disturbance that happened last night," unang turan nito sa amin na ikinaseryoso ng lahat. I didn't know if everybody felt it but I did. I was in the middle of my sleep and I was awakened because of that strange but powerful bone chilling aura. "Last night, we have found another elemental user," sagot nito na parang walang kaimpo-importante ang sinabi nito na siyang ikinagulat naman namin. But was that it? Nagulat ako dahil pinatawag kami sa gano'ng dahilan lang. I thought it was about the strange event last night.

Tuwing may nahahanap sila ay hindi naman nila kami ginagambala para ipaalam sa amin. Nakakapagtaka lang dahil pinapalaki ni Headmaster ang maliit na bagay.

"And why do we need to know that? I believe that responsibility is for the spy, and we don't have any business with it," takang tanong ko rito. It just didn't make any sense at all.

"That is because another water elemental rose up from a non-magic family," maikling sagot nito na titingin-tingin pa sa kuko kung may dumi ba.

I was surprised, and so was everyone. How could that be? An elemental born from a non-magic family? No one in history has the same element outside the family of Del Rochi. Kaya nagkatinginan na lang kaming lahat sa aming nalaman. Especially Violet, who's no longer smiling and wearing deadly eyes.

GODS ||Universe of Four Gods Series|| Book 1 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon