Snow's POV
Ilang araw ko nang napapansin na iniiwasan ako ng stepfamily ko. Ni hindi na nila ako inuutusan o sinisigaw-sigawan. For the first time since five years, walang naninigaw at namimingot sa
'kin. Naging tahimik ang buhay ko dahil wala nang nagbubunganga umagang-umaga sa bahay. Pakiramdam ko ay ako lang at ang mga katulong ang nandito sa bahay.
Pero napapansin ko ang stepmother ko na laging may kausap sa telepono nang pasikreto at kapag nakita ako kay biglang pinuputol nito ang tawag. Sa totoo lang, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa ikinikilos ng stepmom ko. Something was wrong and fishy. Hindi naman siya mangingisda para mangamoy isda.
Naputol na lang ang aking pag-iisip nang tumunog bigla ang doorbell kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Sino kaya ang tao sa labas? Wala namang bumibisita rito sa amin. Kung may kaibigan din ako, natatakot naman sa stepmom ko kasi reyna-reynahan dito sa bahay dati. Talo pa ang monarkiya kung umasta. Nakita ko naman na binuksan 'yon ng isa sa mga katulong namin kaya lumayo na ako sa bintana at umupo na lang sa sofa.
"Seniorita, may bisita po kayo," saad ng katulong namin na si Vera na siyang nagbukas ng gate kanina.
Nagtaka naman ako kung sinong bisita ito. Wala akong naaalalang may appointment o kung ano man sa akin. Mas lalong wala naman akong kaibigan para may bumisita sa akin.
"Snow!" biglang tili ng isang boses babae na matagal ko nang hindi naririnig. Halos hindi ko pa nga makilala. Kung hindi lang sa istilo ng tili nito, hindi ko makikilala.
"Yuki?" napamaang na tanong ko at nanlaki talaga ang mga mata ko nang makita ito.
"Yes, ako ito!" Patakbong lumapit ito kaya tumayo agad ako at sinalubong ito ng yakap.
"Yuki! Oh my God! Ang tagal ng hindi kita nakita. Hindi ako makapaniwala! Nandito ka na ulit! For good na ba ito? Dito na ba ulit kayo titira? Nasaan pala mga magulang mo? Magkapitbahay pa rin ba tayo?" Ang dami kong tanong. Ang tagal na kasi naming hindi nagkita. It was 10 years ago nang huli kaming magkita ni Yuki.
"Teka lang, mahina kalaban," natatawang saad nito saka kumalas ito mula sa pagkakayakap sa akin. "Well, to answer all your questions, why don't allow me to sit first?"
"Oops," sagot ko saka nag-peace sign ako sa kanya. Nawala ang hospitality ko dahil sa excitement ko na makausap siya at sagutin niya ang mga tanong ko. Pumunta kasi ito ng ibang siyudad na malayo rito sa Vermillion at hindi na kami nagkita. Hindi ko rin naman mabisita ito dahil bata pa ako noon at nang lumaki naman ay hindi naman ako makagalaw nang malaya dahil sa stepfamily ko.
Umupo na kami saka nagpagawa na rin ako ng juice at cookies para sa ngangatngatin namin habang nagkukuwentuhan kami.
"Bumalik na kami rito dahil natapos na ang kontrata ni Papa roon. Kaya for good na rin kami rito. And good thing dahil binebenta ang bahay na katapat sa inyo kaya binili 'yon ni Papa kaya magkapitbahay pa rin tayo," sagot nito sa akin.
Parang lumutang naman ang puso ko sa tuwa. Ang best friend ko ay makakasama ko na ulit!
"Really? I am so happy. Matagal ko na talagang pinagdarasal na sana bumalik na kayo rito. Miss na miss ko na ang best friend ko," emosyonal na saad ko sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal dahil siya ang kaisa-isang best friend ko. I didn't have any friends aside from her.
Pero bigla namang natahimik si Yuki. Yumuko ito na tila parang may sasabihin.
"But, I will no longer stay in our house, Snow," saad nito at mukhang nahihirapan ito sa pagsasabi.
Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. For good na raw pag-stay niya rito tapos sasabihin naman na hindi siya titira sa bahay nila? Ano ba talaga, Yuki? Prank ba ito? Baka biglang may susulpot na lang bigla na magsasabing you've just been pranked! 'Di ba? Uso pa naman 'yan ngayon. Malay mo ako ang napagtripan, hindi ko lang nalalaman, nagmumukhang tanga na pala ako sa national TV.
"Bumalik kami rito dahil papasok na ako sa Universe Academy," sabi nito and her voice became lower and lower na kung hindi lang malakas ang pandinig ko ay baka hindi ko 'yon marinig.
The news was like an atomic bomb dropped in Hiroshima and Nagazaki. The news was a bomb itself, and it shattered everything. Pero dapat hindi na ako nagulat, 'di ba? Dahil aware naman kami na elementalist ang parents ni Yuki. Both her parents can summon lightning. Kaya dapat in-expect ko na rin 'yon. Paanong nawala sa isip ko 'yon? Masyado na akong umaasa na magkakasama kami ulit. Papasok na si Yuki sa Academy na pinapangarap kong mapasok. And me? I will surely enroll in a common university to study business. 'Yon naman kasi ang gusto ni Papa.
Universe Academy was a boarding school. Walang makakalabas within the school year, unless there were some important circumstances that required the student to temporarily leave the school's premises. Pero kadalasan, nakakalabas lamang ang mga estudyante roon kung tapos na ang buong school year o kung may special case na required na lumabas ng Academy like missions. Bigla akong nakaramdam ng inggit, pero masaya ako para kay Yuki. Pinangarap ko na makapasok sa Universe Academy pero isa lamang akong ordinaryong tao, walang kapangyarihan, at isang pangarap lamang ang makapasok doon. I am not capable. Malungkot isipin na hindi ako makakapasok sa Academy pero mas nakakalungkot pala na alam mong makakapasok ang best friend mo roon samatalang ako, hindi.
"Yuki, masaya ako para sa 'yo. Sana pinanganak na lang din ako nang may kapangyarihan para magkasama tayo," nalulungkot na saad ko. Sana totoo na lang yung panaginip ko para kahit papaano ay makapasok ako sa Academy.
"Snow, don't worry. Four years lang naman 'yon saka may two months vacation din naman kami after school year," pangtsi-cheer up nito sa akin. She's trying to make things light, kahit ang totoo ay mabigat 'yon sa loob ko, but I was trying to be happy for her.
Napabuntonghininga na lang ako. Kung pwede lang sana na gawing super powers itong kadramahan ko sa buhay ay malamang matatanggap na ako sa Academy. If only a beautiful face was also a super power, then I was qualified. But kidding aside, totoo 'yon. Ni hindi ako makalabas ng bahay kung walang disguise. Nakasuot ako ng glasses na makapal at malaki para hindi masyadong mapansin ang mukha ko. Nilulugay ko lang din ang buhok ko para hindi masyadong kapansin-pansin ang itsura ko. Mas agaw pansin ang buhok kong hindi na dinadaanan ng suklay.
Ang nakakaalam lang sa totoong itsura ko ay ang family ko, katulong, at bestfriend ko, pati family rin niya. Pero yung ibang tao ay hindi alam ang totoong itsura sa likod ng salamin ko sa mata. As the modern kids say, nerd daw ako. This was what their mentality is. Kapag naka-glasses, nerd ka na agad. Hindi naman ako totally nerd dahil hindi naman ako manang sa kasuotan. Normal ako. Kung sa nerd tree pa, ako ang modernang nerd.
Nagkuwentuhan lang kami ni Yuki saka tumingin siya sa aming album kung saan nakalagay ang mga larawan noong kabataan ko hanggang sa lumaki ako. Catching up daw kamo. Ang cheesy lang ng babaeng ito. Nangibang-bayan lang, naging cheesy na. Sa bahay na rin nananghalian si Yuki at nakilala niya ang stepfamily ko na muntikan nang ismiran ni Yuki dahil kina Ria at Dia na mukhang sina B1 at B2 daw. Natawa ako sa description ni Yuki. Hindi ko naisip na parang sina B1 at B2 sina Ria at Dia. Or maybe iba lang din talaga ang wavelenght nitong si Yuki.
Inabot na ng gabi si Yuki rito sa bahay at dito na rin siya naghapunan. Grabeng catching up, 'di ba? Kulang na lang dito ko na patutulugin si Yuki. Pero siyempre, kailangan niyang umuwi. Kaya inihatid ko na lang siya sa kanilang bahay na nasa tapat lang naman din.
"Salamat pala. Ang sarap magluto ng kusinera niyo," saad ni Yuki na natatawa pa. "Buti, hindi ka tumataba."
"Isa lang ang motto ko, Yuki. To eat without getting fat!" saad ko na tatawa-tawa pa.
"Wow, sana all! Every girl's dream! Pero magandang motivation din 'yan. Pero yung step-sissy mo, bakit gano'n? Ang chachaka?" Nakuha pa talaga nitong mamintas, 'di ba?
"Grabe ka naman! Siyempre, evil witch ang motherhood nila. Saan pa ba nagmamana?" natatawang sagot ko rin dito. Nagkasundo pa talaga kaming mamintas, 'di ba? Best friends nga talaga. Pero gano'n talaga ang mag-best friend. Kung sino ang kaaway ng isa ay kaaway na ng lahat.
"Pero sige, pasok na ako, a? Baka makurot na ako ni Mama," saad ni Yuki habang nagpapaalam sa akin.
"O s'ya s'ya... Sige, bukas ulit, a?" sagot ko rito. Pumasok na ito sa gate nila at sinara na ito. Napabuntonghininga na lang ako nang bumalik sa aking alaala ang pagpasok nito sa Universe Academy. The heaviness in my heart came in at tila nang-aasar pa talaga.
Pumanhik na ako pabalik pero biglang namatay ang ilaw sa kalye. Ang tanging naiwan na ilaw ay ang sa gate ng bahay namin. Blackout? Imposible dahil may ilaw naman sa bahay. The bulb at our gate was still emiting light enough for me to see the road way back. Pero may napansin na lang ako, isang lalaking naka-bonnet ang nakatayo sa hindi kalayuan na nakaharap sa akin. I can't even believe I could see him in this darkness. Wala namang night vision itong salamin ko.
Nakaramdam ako bigla ng takot dahil sa lalaki. Hindi ko maintindihan pero masama ang kutob ko. Something in my gut was kicking in and was saying to run away because there was danger. But I could not assume na meron ngang mangyayari. Inisip ko na nagkataon lamang 'yon o baka naman may inaabangan lang ito at trip lang nitong mag-bonnet. Pero mas lalong bumaha na lang ang aking takot ng naglakad na ito papalapit sa akin. Bigla kong binilisan ang lakad ko at nagpanggap na hindi ko siya napapasin pero laking gulat ko na lang nang biglang hinablot nito ang braso ko nang marahas na ikinatigil ko sa paglalakad.
Napatingin ako rito at nasindak ako sa aking nakita. May hawak itong patalim na akmang isasaksak sa akin. Pero gumalaw ang reflexes ko. Na-block ko ang braso niya kaya hindi ako natamaan ng kutsilyo. Walang pagsidlan ang aking kaba. Wala na akong ibang maisip kundi nanganganib ang buhay ko. I wanted to survive and I wanted to know who the heck was this man who was trying to kill me.
"Sino ka?! Ano'ng kailangan mo sakin?!" asik ko rito. Wala akong maisip na kalaban sa labas, maliban sa stepmother ko.
"Pasensya na, miss, napag-utusan lang," saad nito at tumakbong pasulong ito sa akin hawak ang kanyang matalim na kutsilyo.
My heart was racing like horses and something swirled inside me na parang may gustong kumawala at bigla na lang naisip ko ang tubig out of the blue. In just a blink of an eye, may lumabas na tubig sa mga kamay ko and it burst out like it is from a fire truck na tumama sa lalaki at agad na tumilapon ito palayo sa akin at bumagsak ito sa sementadong daan at dinig ko pa ang pagdaing nito.
The water was still bursting out from my hands at hindi ko alam paano ito patigilin. Nabasa ang kalsada at parang may isang water plant na nasira at kumalat ang tubig kahit saan.
"Stop!" hinihingal kong saad. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang tumigil ito. Basang-basa ang kamay ko na may tumutulong tubig pa. The heck, parang gripo lang!
Holyshit. What was that just now? Nanlalaki ang mga mata ko na tinitingnan ang dalawang kamay ko. Napalunok pa ako. I tried to pinch myself pero masakit. Gising na gising ako at hindi ako nananaginip. Napatingin ako sa tao at nakabulagta pa rin ito, mukhang nawalan na ng malay dahil na rin sa impact. Sobrang lakas ng current na tumama rito na kung ordinaryong tao siguro ay malamang nagkalasog-lasog na ang katawan. Himalang hindi ito napuruhan nang malala.
I didn't know what was happening. But this was really freaking cool! Kahit nawiwirduhan ako, masaya ako! Anak ng tokwa, ikaw ba naman, sagutin ang dasal na matagal mo nang pinagdarasal gabi-gabi. Ilang kandila na rin ang naubos dahil sa pagtitirik ko. Tapos ngayon, biglang may powers ako! Aba naman, aarte pa ba ako?
Biglang nangisay ang lalaking bumulagta kaya sa takot ko na baka bumangon ulit ito para saksakin ako ay kumaripas ako ng takbo papasok sa gate at ni-lock ito. Hindi naman ako tulad ng iba na magiging curious at lalapitan pa ang kriminal kaya ang ending, manganganib ulit ang buhay or worse, masaksak na talaga nang tuluyan.
Hinihingal ako at napakuyom ang dalawang kamay ko. I swear to god, water just burst out from my palm! I can still feel it. This was not even a freaking dream! This was freaking reality. Water burst came out from my freaking hands! Did this mean I was an elemental too? But how?
BINABASA MO ANG
GODS ||Universe of Four Gods Series|| Book 1 (Published)
Fantasy|COMPLETED| Despite coming from a non-magical family, Snow Brielle Sylveria still yearns to become one of the gifted. When the opportunity to attend Universe Academy finally comes, one question remains: can she overcome the challenges and survive? *...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte