Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

⚜Chapter 4⚜

136K 5.7K 1.2K
                                    

Snow's POV

Maaga akong nagising ngayon araw. Ni hindi pa tumutunog ang alarm clock ko ay nagising na ako. Minsan ay nangyayari talaga ito sa akin. Paano ba naman kasi hindi pa ako maka-move on sa mga nangyari kagabi. Naging ligalig ang pakiramdam ko dahil sa natuklasan ko. Halos hindi ako dalawin ng antok dahil ang utak ko ay tumatakbo at nilamon na ang isip ko sa water power na natuklasan ko.

Pumunta ako sa CR at sinubukan ulit na palabasin ang tubig at lumabas muli ang tubig sa aking mga kamay na sobrang lakas ng current. It did not even take any effort. Basta inisip ko lang na palabasin, lumabas na siya. Para lang itong isang buhay na bagay na sumusunod sa kung ano ang gustuhin mo.

"Stop!" saad ko at tumigil naman. Binaha ng tubig ang bathtub pero dumadaloy naman ito sa drainage. Napapailing ako dahil sa mga nangyayari. Ni hindi ko nga alam saan galing itong tubig. Sa katawan ko ba? Baka ma-dehydrate ako, pucha naman. Do I need to drink lots of water? Peste, wala akong ideya kung ano ba dapat ang gagawin ko.

"Goodness, may powers talaga ako! It's not a freaking dream or hallucination." Masayang-masaya ako, sa totoo lang, kahit ligalig ang pakiramdam ko. Dahil may pag-asang makakapasok ako sa Universe Academy. Pero out of control masyado ang tubig. Mapagkakamalan ako nitong bumbera. Akala mo laging may sunog dahil sa lakas ng pressure. Bigay na bigay ang bulwak ng tubig.

Ilang ulit ko na sinubukang pakalmahin ang tubig at unti-unting kumalma ang tubig. Hindi siya naging madali sa pag-control dahil yung utak ko, naka-set talaga siya sa bursting water. Pero kalaunan, medyo nakukuha ko na rin ang timing at sikreto kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko. Hanggang sa kaya ko nang gumawa ng water balls. O 'di ba ang bilis? Kasi depende lang siya sa command ng isipan. Iniisip ko kasi kanina ang bursting water kaya mala-bumbero ang bulwak ng tubig. Ngayon naman na inisip ko ang water balls ay unti-unting namumuo ang tubig  sa kamay ko at naging bola ito. Inisip ko na umikot ito nang mabilis at umikot nga ito nang mabilis na parang gulong ng sasakyan pero at rest lang ito at nasa kamay ko lang.

I didn't know na ganito lang kadaling kontrolin ang isang kapangyarihan. It was all with the brain command at hindi na kailangan ng matinding concentration para mapalabas ang kapangyarihan. Marami kasi akong nababasa na mga fantasy novel na pahirapan ang pagpapalabas ng kapangyarihan. Yung iba, nagkakasugat-sugat ang mga kamay habang yung iba ay kailangan pang sumigaw ng Darna para magamit ang kapangyarihan. I never knew na ganito lang kadali kontrolin ang kapangyarihan.

"Hhmm... bakit pa may Universe Academy kung ganito lang kadali kontrolin ang kapangyarihan?" Nagtataka tuloy ako. Pwede naman siyang self-study, kaya ano pa ang silbi ng Universe Academy? Academics? Nah, I don't think so. They won't build a high maintenance academy just for that. Maybe, there was more in it.

Sinubukan ko naman ulit ang element ko. Naglabas ako ng kaunting tubig at balak ko nang gumawa ng alphabet waters. Inisip ko ang A, ini-imagine ko na mag-materialize iyon sa tubig at naging A nga ang tubig sa kamay ko habang nakalutang sa ere. Sumunod ang B hanggang umabot sa Z. It was just so easy. Isipin ko lang kung ano ang gusto kong mangyari sa element ay nangyayari kaagad nang walang kahirap-hirap.

Hindi ko na namalayan na naabutan na ako sa CR ng alas siete dahil tuwang-tuwa ako kaya kung ano-ano ang ginawa ko sa tubig. Ginawa kong pormang bulaklak or mukha ng stepmom ko na nakakatawa at fountain. Naligo na lang ako dahil baka magtaka pa ang mga tao sa bahay kung bakit hanggang ngayon ay nasa loob pa ako ng kuwarto ko. Wala akong kabalak-balak na sabihin sa kanila na meron akong power. Baka kasi ibenta ako ng stepmom ko; mukha pa naman 'yong pera.

Bumaba na ako at naabutan ko ang stepmom ko na pa-hum-hum sa sala at umiinom ng kape or tsaa o baka naman lason kaso hindi yon tumatalab sa itim ng budhi niya. Pero nabilaukan na lang ito nang makita niya ako. Na parang nakakita ito ng multo.

"What?" nagtatakang tanong ko rito. Hini naman ako naka-mudpack para magulat ito. Lalong ang ganda ko naman para mapagkamalan akong multo, baka sila pa, mga mukhang lamang lupa. Hindi na nito tinapos ang iniinom nito at dali-daling pumanhik ito sa kuwarto niya.

Tumuloy lang ako sa pagbaba ko at may nadatnan ako sa lamesita na sobre. Wala namang nakalagay na pangalan pero mukhang makapal ang laman. Pera? Mukhang pera ang laman. Nagulat na lang ako nang biglang bumalik ang stepmom ko at pahablot na kinuha ang sobre sa mesa. Napapataas ang kilay ko. Masama ang pakiramdam ko kay Friah. Base sa mga kilos nito, mukhang may binabalak itong masama and to think last night, wala talaga akong maisip na may malaking galit sa akin na gusto akong ipapatay maliban kay Friah.

"Hhmm..." That explained it. The horror in her face when she saw me a while ago. Pasensya na. Napag-utusan lang. 'Yon ang sinabi ng lalaki sa akin kagabi. Napag-utusan lang. At para saan yung sobre? Pera ba 'yon na pambayad sa taong papatay sa akin? Ang kapal naman ng mukha, pera ko pa talaga ang ipambabayad para patayin ako.

Kaya pala nasa mood ito nang hindi pa ako nakikita kasi akala niya tagumpay ang plano niya. Buti na lang talaga at ipinanganak akong matalino dahil baka hanggang ngayon, wala pa rin akong kaide-ideya kung sino ang may gustong magpapatay sa 'kin.

"Seniorita, sulat po para sa inyo," saad ng isang katulong at binigay sa 'kin ang isang puting sobre na may linings ng gold. Binuksan ko iyon at kumawala roon ang mabangong amoy. Scented paper. Para siyang isang imbitasyon kaya binuklat ko ito.

Dear, Miss Snow Brielle Sylveria

We are pleased to inform you that you are accepted into Universe Academy, School for Giftedness. Please be informed that school starts next week.

All freshmen are required to arrive one day before the opening ceremony. Please reach the registrar's office for your schedules.

Your books and uniforms are provided in the Academy.

Kier Cohen El Greco
Headmaster of Universe Academy

I was eyeing the letter like I was stunned! I was accepted! The letter said I was accepted to Universe Academy! But I never accomplished any application form to enroll. How come I was accepted? But the heck, who cares? Makakasama ko na si Yuki and little by little, my dreams were coming to reality.

●●●

Headmaster Kier's POV

"The letter was already sent, Headmaster. By now, she must have already read it," sagot ng spy sa aking harapan.

Having another water user from a non-magic family was such a mystery. Kaya sa simula pa lang ay napukaw na talaga ang atensyon ko. I sent a spy last night and he witnessed the manifestation of the girl's power. It was real and the intensity of her power was vast and deep. Naramdaman ko rin 'yon kagabi. All major elements has terrifying power pressure at nakadepende iyon sa lakas ng host, na mararamdaman ng lahat ng users milya-milya pa ang layo. It was a bone chilling power. Mas malakas pa kaysa kay Lady Violet ang bagong water user. That was the second manifestation from the girl and the intensity has skyrocketed.

Kinilabutan ako nang maalala ko ang pressure kagabi. Even Prince Yuan could not be compared with such power o baka naman nagkamali lang ako. According to the spy, may nagtangkang pumatay sa babae at biglang lumabas ang kapangyarihan nito. Baka dahil lang din sa matinding takot nito at pagiging protective nito sa sarili kaya nag-emit ito ng gano'ng kalakas na aura. It could be adrenaline rush. But it didn't mean na nawala ang interes ko kay Snow. I was looking forward to the new school year.

●●●

Yuan's POV

Naramdaman ko kagabi ang isang napakalakas na pwersa na nanggaling sa kung saan. Sobrang lakas nito na ikinakilabot ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganoon kalakas na pwersa kaya iniisip ko kung kanino 'yon nanggaling.

Alam kong naramdaman 'yon ng lahat ng users. Imposibleng merong hindi nakaramdam n'on. Nakatanggap din ako ng report ng biglang pagkagulo ng mga demon sa labas dahil sa pwersa kagabi. Biglang nag-alisan ang demons na nakapalibot sa barrier. It was like they feared the pressure.

Ang tanong na lang ngayon ay kanino iyon nanggaling. Ito na ba ang matagal nang sinasabi ni Prophet Uno na siyang magliligtas sa lahat? Pero sino? How come it only occurred now?

GODS ||Universe of Four Gods Series|| Book 1 (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon