Case #1
Napakapit nang mahigpit sa pinto si Natasha at halos atakihin siya sa puso nang makita ang isang babaeng naka-itim na nakaupo sa kama niya.
The woman’s existence screams danger and death.
“What are you doing here?” Natasha asked while trying to compose herself.
Sky abruptly stopped swinging her legs. Bumwelo ito bago tumalon para makatayo.
“Wala lang, wala akong magawa e. Dito na muna ako,” The woman replied nonchalantly.
Natasha walked towards her direction.
Aabutin na sana niya ang remote na nasa likod nito dahil nakaharang ito sa bedside table niya nang bigla itong umatras na kinagulat rin ni Natasha kaya napaatras rin siya.
“Woah, woah! Stop right there! You can’t touch me!” The reaper, Sky rudely pointed its finger at her.
Sky is also a reaper. Sky is not her real name or her name when she was still a human. Walang pangalan ang mga reapers, pero may numbers at letters na naka-embed sa batok nila. Sa batok na Sky, may nakatatak na 789152789.
Pumayag na rin si Sky dahil gusto niya rin ang pangalan. She named her Sky dahil minsan ay nahuhuli niya itong nakatingala sa langit.
Ito rin ang pangalawang reaper na nakilala niya at nangulit sa kanya nang malaman nito na nakikita niya sila. She thought, reapers are all the same, na walang emosyon at pakiramdam. But she was wrong because Sky is different. She’s rebellious, childish and attention seeker. She is full of emotions though, it is all fake.
Ginagaya lang niya ang mga emosyon ng ibang tao, pinag-aaralan niya ang bawat tao para makuha ang galaw nila.
One time, she asked Sky kung bakit iba siya sa ibang reaper?
Then she answered, Just for a change. Kaya natatakot ang mga kaluluwa na sinusundo namin dahil lagi kaming stiff and stoic. We’re just a reaper minus the grim. And i want the souls to remember me as the cool reaper.
Pero paano siya matatandaan ng isang kaluluwa kung dadalhin na nila ito sa kasukdulan?
“Hoy!” Sigaw ni Sky kaya nabalik siya sa realidad. Napairap siya dito at itinuro ang remote na nasa likod nito.
“I’m not going to touch you, okay? Nasa likod mo kasi ang remote ng aircon at kukuhanin ko sana kaso nakaharang ka.”
“Yun lang naman pala e! Akala ko naman kung ano!” Tumabi ito para makuha niya ang remote. “Alam mo naman na hindi pwedeng magkaroon ng physical contact ang isang reaper at ang isang tao, right? Kaya medyo—” Sky motioned for her to move away pero ito rin ang lumayo. She kept a safe distance between the two of them. “—lumayo ka sa’kin, okay?”
“Ikaw ang lumayo sa’kin. This is my home, nakikitambay ka lang dito.” Natasha replied, pinindot niya ang off button ng remote para mapatay ang aircon niya.
Like Sky said, reapers and humans are not allowed to have any physical contact. They are the angel of death, after all.
Once na mahawakan sila sa kahit anong parte ng katawan nila, the human soul will slowly die. Ito ang tinatawag nila na unplanned or sudden death.
Ito yung mga healthy physically pero namatay dahil sa misteryosong sakit o biglaan.
“May trabaho ka? Hindi ka ba papagalitan ng superior mo dahil tumatambay ka lang?” Natasha asked. Sky reached for her pocket watch and glanced at the time.
“Mamaya pa,” Sky replied at binalik na muli sa bulsa nito ang pocket watch.
“Okay, just lock the door when you leave.” Paalala niya dito bago lumabas sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
A Borderline Case [Case #1]
FantasyNatasha unravels the mysteries behind her family's death, her bestfriend's suicide and her resurrection.