Chapter Nine: The Killer's Stalker(Her's)

11 1 0
                                    


***

KELLER

Kasalukuyan akong nagdo-doorbell sa bahay ni Ms.Mary Ann. Si Vesper nagpaiwan sa loob ng kanyang kotse para gawin ang inutos ko kanina. Minadali nga nya yung pinagagawa ko sa kanya dahil hindi na daw sya makapaghintay na ipaalam sa mga pulis kung sino ang pumatay. Sus, palagi lang naman syang ganyan eh.

Nagdoorbell ulit ako at sa pagkakataong to bumukas na ang pintuan ng bahay ni Ms.Mary Ann at iniluwa nun ang hinahanap namin. Walang iba kundi si Ms.Mary Ann mismo. Lumapit sya sa may gate at nginitian ako pagkatapos pinagbuksan ako ng gate.

"Oh Kell, ayos na ba ang pakiramdam ko? Halika pasok ka"- yaya nya sa akin sa loob.

Sumunod naman ako sa kanya at saka umupos sa may sofa. Umupo naman sya sa sofa na kaharap ko. Napansin kong ang sinuot nyang tsinelas ay yung tsinelas na ginagamit nya sa labas. Hindi ba ang pangit naman ng ganun?

"Okay naman ang pakiramdam ko by the way may itatanong lang akong konting katanungan tungkol sa pagpatay kaninang umaga"- pagsisimula ko ng usapan. Deniritso ko na kung anong kailangan ko sa kanya. Wala na kasing oras eh. Baka mahuli pa ako.

"Ahh yung kanina? Akala ko ba suicide yun?"- tanong nya. Hanep din tong babaeng to eh no? Sinagot nya ang tanong ko ng isang tanong rin.

"May pakiramdam kasi akong hindi suicide ang naganap"- no hindi lang pakiramdam. Siguradong sigurado ako ng Homicide ang kasong to.

Ngumiti naman sya pagkatapos nun.
"Ganun ba? Okay lang naman sa akin. Sige magtanong ka na"- sabi nya.

Umupo ako ng maayos at pinagcross ang mga kamay ko na tila nanalangin. May hinahanap lang kasi akong ebidensya na nagpapatunay na ang pumatay ay yung taong yun.

"Nung pumunta ka sa bahay ng biktima, may nakita ka bang senyales na magpapakamatay sya o di kaya'y may napansin ka bang kakaiba?"- tanong ko pagkaraan ng ilang minuto.

Tumingala sya at inilagay ang mga kamay sa bibig na parang nag-iisip...

"Hmmm, wala naman. Pinag-usapan lang namin yung investment nya sa kompanya ko"- sagot nya. Mukhang wala akong makukuhang mahalagang impormasyon dito ah?

"Ganun ba? Pagkatapos nyong mag-usap umuwi ka na agad?"- sunod kong tanong. Baka may sasabihin pa syang makakatulong sa kaso.

"Hmmm, sa pagkaalala ko wala na dahil nagmamadali kasi akong umuwi dahil alam kong naghihintay kayo dito sa bahay."- sabi nya. Wala naman akong may nakuhang mahalaga dito sa babaeng to.
Pero wait, sa pagkakaalala ko. Malaking amount ang nakuha sa bibig ng biktima. So it means...

Bigla akong napatayo ng napagtanto kung alam ko kung asan ang ebidensya. Ngayon lang nagsink-in sa akin ang sinabi ni Inspector Bartolome kanina.

"Aalis na ako. Salamat nga pala sa impormasyon Ms.Mary Ann."- sabi ko at bahagya ko syang nginitian. Wala naman syang nagawa kundi tumango.
Aalis na sana ako nang narinig ko sya na muling nagtanong.

"Wait! May impormasyon ka na ba tungkol sa stalker ko?"

Hinarap ko sya at nginitian ulit. Hindi na ako interesado sa stalker mo Ms.Mary Ann dahil may mas interesanting bagay ang nakaagaw ng pansin ko. I wanted to tell her that pero baka ma-offend sya.

Glimpse of YesterdayWhere stories live. Discover now