Chapter Twelve: The Card Hierarchy(Scarred Woman)

16 1 0
                                    


***

KELLER

Weird. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Kagabi kasi nung natulog kaming dalawa ni Reve, pinalangin ko na sana hindi ako mapupunta sa The Hill of Wind. And guess what? nagkatotoo. Nag-iexpect ako na kung ipipikit ko ang mga mata ko, mapupunta na ako sa lugar na yun pero hindi nangyari. Nagising na lang ako na umaga na.

Ang saya sa feeling dahil hindi na ako pumupunta sa lugar na yun pero at the same time...

Nakakalungkot rin dahil hindi ko nakasama o nakita man lang si Vesper kagabi. Nakasanayan ko na siguro. Bahala na nga. At isa pa ang sabi ni Vesper may pag-asa pa daw na makaalis sila sa lugar na yun though hindi nya deriktang sinabi. Kung patuloy na hindi na ako pumupunta sa The Hill of Wind sana may pagkakataon pa akong makapagpaalam kay Vesper. Ipapanalangin ko na lang na makaalis na si Vesper sa lugar na yun. Napabuntong hininga na lang ako sa dami na iniisip ko.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?"

Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. So Pana lang pala. Nagbabyahe na kasi kami ngayon papuntang Tagaytay. Maaga kaming umalis sa bahay kanina dahil malayo-layo pa ang byahe.

"Wala naman, inaantok lang ako"- sabi ko sa kanya habang nakatingin sa harapan kung saan magkatabi si Reve at Blanche. Nabigla nga ako nang si Pana ang pinatabi nya sa akin at dun sya kay Blanche tumabi. Parang ang close-close na nilang dalawa.

"By the way, sa Hemingway Academy pala kayo pumasok bago kayo nag-enroll sa school namin?"

"Ah oo"- sabi nya habang nagkakamot na ulo."Hindi ko sinabi sa inyo dahil baka pag-initan nyo kami ng ulo"- ani nya habang sinasaksak ang earphones sa tenga. "Gusto mo?"- sabi ni Pana at iniabot sa akin ang isang side ng earphones

Kinuha ko naman ito at isinaksak din sa kanang tenga ko. "Bakit naman kayo namin pag-iinitan ng ulo?"- sabi ko habang nakatingin sa kanya na pumipili ng kanta sa phone nya.

"Diba nga magkaaway ang Hemingway at Harvey?, sa grades, sa sports, sa lahat. Kaya ganun"- ani nya at clinick ang isang kanta.

Nabigla ako nang marinig ko ang kanta. It is one of my favorite songs of Katy Perry

The One that Got Away by Katy Perry...

Inihilig ko ang ulo ko sa may sandalan ng upuan. "You have a nice taste in songs hmm?"

"Sort of but this one is my favorite recently"- sabi nya at iginaya ang kanyang ulo sa may sandalan habang nakapikit.

"Did you know that your favorite song is your favorite because you associate an emotional event with it?"

"Really?"

"Hmm-mm"

"Then I guess your right"- sabi nya at ipinikit ang kanyang mga mata. Mukhang may malungkot na pinagdadaanan tong magkaibigan na to ah? Well, sa kanila na lang iyon. Sasabihan pa ako ng pakealamera kung magtatanong ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa ganda ng kantang tumutugtog. Idagdag mo pa na alas singko ng umaga kami umalis sa bahay

***

"Hoy Blanche ikaw na gumising sa kanila"

"Huh? Bakit ako?"

Glimpse of YesterdayWhere stories live. Discover now