Chapter Ten: Questions

14 1 0
                                    


***

KELLER

Bumangon ako at dumeritso sa banyo dahil magse-seven na. Isang oras na lang bago magsimula ang klase. Habang naliligo ako, napaisip ako sa lalaking sumusunod sa amin, more like stalker na sumusunod sa amin o sa akin? Posible kayang alam nya na hindi ako taga-dun?

Isinawalang bahala ko na lang yun at minadaling tapusin ang paliligo. Pagkatapos kong maglinis ng katawan, lumabas na ako at isinuot ang uniform ng Harvey High. Inilugay ko lang ang buhok ko dahil basa pa. Palagi kasi itong nakatali eh. Para maiba naman.

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako ng kwarto at nadatnan kong naghahanda na si...?

"Reve Sancus here!"- masayang bati nya sa akin.

Yeah right, si Reve pala. Bakit ba palagi kong nakakalimutan ang pangalan ng babaeng to? Buti na lang parati nyang pinapapaalala sa akin.

"Halika na kumain na tayo, malapit nang magsimula ang klase"- sabi nya sabay hikab.

"Anong oras ka natulog kagabi?"- tanong ko habang sumusubo ng pagkain. Umupo naman sya sa harap ko at nagsimula ring kumain.

"Eleven"- maikling sagot nya. Mukhang napahaba ang pagmo-movie marathon nya kagabi.

Patuloy lang kami na kumakain nang maalala ko na aalis pala ako sa friday ng gabi. Siguro sasabihin ko na kay Reve. Minsan lang kasi sya umuuwi sa bahay nila. Kaya kung aalis ako, sinasama ko sya minsan pero madalas na nagpapa-iwan lang sya dito sa dorm.

"Ah Reve may uuwi nga pala ako sa Friday ng hapon"- sabi ko sa kanya.

Ininom nya muna ang basong may lamang gatas bago magsalita.

"Anong meron?"- tanong nya habang pinapahiran ang bibig nya ng table napkin.

"Bonding daw sabi ni Mom, sama ka?"- aya ko sa kanya baka pumayag sya.

Bahagya naman syang umiling. Sabi ko na nga ba, hindi to sasama. Pag sinasabi ko kasing bonding, hindi sya sumasama. Ewan ko ba kung bakit.

"Mya pupuntahan rin kasi ako sa Sabado kaya hindi ako pwede"

"Saan ka pupunta?"- tanong ko at uminom ng tubig dahil tapos na akong kumain.

"Secret!"- masiglang sabi nya.

Napailing na lang ako dahil napaka-hyper nya. Parang first time na may pupuntahan tong si Reve ah? Hindi nya kasi trip yung paggala. Pero kung shopping ang pag-uusapan game na game to. Magkaibang-magkaiba sila ni Mom, si Mom kasi puro mga beach ang pinupuntahan. Minsan sa bahay ng kaibigan nya, minsan naman sa bahay lang tapos tuturuan nya lang akong mag-luto, magmo-movie marathon kami. Ganun lang yung bonding namin, napaka simple pero masaya.

Nang mailigpit na namin ang pinakainan, sabay kaming lumabas sa dorm at nagsimulang maglakad patungo sa classroom ng Grade 9.

"Oh new hairstyle yan Kell ah?"- puri ni Reve at bahagya pang hinwakan ang buhok kong nakalugay.

"Tumahimik ka nga dyan"- sabi ko at inilayo ang ulo ko dahil baka magulo yung pagkakaayos ng buhok ko.

Narinig ko syang nagsalita 'hmmp ang arte' pero pinabayaan ko na lang at ipinagpautloy ang paglalakad. Kung ano-ano pa yung kinukwento nya sa akin pero hindi ako nakikinig. Iniisip ko ying panaginip ko nung isang araw. Sino yung Ar na binanggit ko pero sigurado akong naputol yun at dapat may kadugtong pa yun. Nakaka badtrip lang dahil nagising ako kaagad. Naging busy rin kasi ako sa mga kaso nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko yun masyadong pinagtuonan ng pansin.

Glimpse of YesterdayWhere stories live. Discover now