"Pinagsalitaan mo raw ng masama ang girlfriend ko." Ang cringy. Nakakainis. Ako pa ngayon ang mapapasama. This is just one of the things that I really hate about him the most. I mean, he's such a man of accusation.
"I just stated the truth. Kung masama ang dating nito sa kanya because I said something true, it's not my fault anymore." Like duh? I know I was wrong, but I am not one to back down most especially kung kinakalaban ako like that. Narinig niyo naman mga sinabi sa akin ng babaeng 'yun! This guy I love does not have good taste in women.
Paalis na sana ako nang may huwak sa wrist ko at iniharap sa mukha niya.
"But still-"
Para bang nainis bespren ko kaya nilift niya yung pagkakahawak sa akin ni crush at sabay tanggal.
"You don't have the right to hold her, you loser." Sobrang galit ang kanyang mga mata. It's my first time seeing him like this. And oo na, magmaang-maangan na or what pero... no. Hindi puwede. Never mind, you guys, bakit? Kasi hindi magiging kami. And if ever mayroon mang something, I have the habit of getting away from someone who likes me I don't like in return.
Binitawan niya ang kamay ko. Tumuloy na ako sa paglalakad nang hindi lumilingon palikod. I don't know why, but I was rather embarrassed. Natibok nang mabilis ang puso ko, and I'm not sure for whom. Anyway, basta! Bumalik na lang ako ng klasrum nang para ba gang natameme. Hayst. Kainis kasi sila. Nililito ang puso kong malambingin. Magsama na nga silang dalawa.
Pinagtanggol ka na nga, ikaw pa galit.
**
Tapos na ang klase, pero ako at usapan namin, hindi pa. Sinong namin? Ako at ni walang hiyang crush na iyon. Kung alam niyo lang, grabe. Hayst. Nakakaloka.
Nag-aayos na ako ng gamit ko nang parang may kumulbit sa akin.
"Hi." Sabi ni crush with matching wave at smile na braces ang makikita.
"Anong gusto mo?" Ang maingay na klase biglang tumahimik sa pagkakasabi ko na para ba gang nakaantabay sa isasagot ni Cadiz, ang crush ng bayan.
"Ikaw." Sabay kindat at paghiyaw ng mga kaklase ko habang ako naman ay natameme na naman. Pangalawang beses na ito sa isang araw ah. Napapunta ako sa labas nang alanganin kasi wala na akong masabi. Medyo kinilig ako doon. Kinilig ng very slight pero hindi puwede. Una, pinaglalaruan niya lang ako. Pangalawa, may girlfriend na siya at kung magkahiwalay man sila, ang dami-dami pang nakapila.
"Nang! Kinikilig siya o!" Sigaw ng isa kong kaklase na nasa may lockeran namin. Nakakainis naman. Pero malandi man si ateng, deep inside ay humihiyaw na ang puso ko. Yuck, ang corny.
Bumalik ako sa loob at nakasalubong siya.
"Kilig ka ano? Umamin ka na kasi na ako 'yung code name ng mga kaibigan mo."
Okay. Fantasy's over.
Tinitigan ko nang masama ang kanyang mga mata. This man ought to be punished. "Mr. Cadiz, ano ba? What do you want from me when you have a girlfriend already? Why are dying for a confession when I already did that before, and in fact, you just laughed at me!? You made fun of me! So don't you dare try doing this again, asshole."
Hindi porket matagal na kitang crush simula noong grade 8 pa tayo, nangangahulugang puwede mo akong lapastanganin. Like, hello? Just who do you think you are?
Namalik-mata ata ako.
Bakit 'yung kausap ko biglang nakahilata na sa sahig?
Shet. Shet. Shet. Sinusuntok siya ni bestie.
Mga kaklase ko pang engot, although may pumipigil, namamagitan sa dalawa, mga nanunuod at nageencourage pa makipagsuntukan pa lalo. Ano 'to? Isang ring at hindi classroom?
"Tama na!" Naiyak ako. Medyo duguan na si crush. Ayaw kong makita siyang ganito. Ang wala! Super OA ko naman doon, pero sure naman akong mayroong isa sa inyo na ganun 'yung feel kapag nakitang nasasaktan ang kanyang mga minamahal sa buhay. "Bes! Juanito! (oo, Juanito pangalan niya kaya ayaw ko sanang tawagin siya gamit pangalan niya) Sabi nang tama na!" Nahila ko siya palayo at sinampal. "Ano ba't nagkaganyan ka?"
Shet. Napagbuhatan ko siya ng kamay.
Shet. Shet. Shet talaga. Ang putik! No way.
I just froze because of what I did. I can't believe I hit him. No freaking way! But when I did recover from that one-second freeze, hindi akong nagdalawang isip na lumapit kay crush at binigyan ng panyo kahit alam kong ayaw niyang gumamit ng panyo ng iba. Kasi usually, diring-diri siya. Swear.
"I hope this will not end up with suing each other. Please." I apologized and followed my best friend who walked out. He just doesn't get it though. I know I slapped him, but it was to break him out of his temper. Out of his frustration only he knows where it came from.
"Juanito, saglit!"
Patuloy lang siyang naglalakad. Nang biglang humarap sa akin, nanlilisik ang mata na parang mangangain at puno ng kalungkutan.
"Why is it always him? Siya na lang palagi! Tuwing magkasama tayo, lagi mo na lang binubuhos sa akin kung gaano ka kalungkot."
"What do you mean? Wala naman akong kinukuwen-"
"Oo. Wala kang sinasabi. Pero sa galaw mo, sa mata mo, kitang-kita ko kung gaano ka kalungkot tuwing nakikita mo silang dalawa ng girlfriend niyang holding hands. Kitang-kita ko sa 'yong mga mata kung gaano kasakit tuwing nadadaanan natin silang nag-uusap sa lecheng canteen na 'yan!"
Galit na galit talaga siya. Tumuho ang luha ko sa kanyang mga sinabi. Sino ba namang hindi maluluha kung nasa ganitong situwasyon?
"- so bakit siya? Bakit ba ang Ms. Stick-to-One mo at Ms. Forever Loyal mo sa isang lalaking ni minsan, hindi lumingon sa 'yo? Guwapo naman ako. Good boy. Matalino. Top 1 sa klase. Mayaman din. Mas malaki pa nga ospital namin kaysa diyan sa lalaking patay na patay ka! Bakit siya pa!?"
Hindi na ako nakaimik. Tulo na ang uhog ko sa kakaiyak dahil takot, galit ako sa kanya, at damang-dama ko ang mga binitiwan niyang mga salita. I was at a loss for words.
"O. Eto ang lecheng handkerchief ko. Punasan mo ang uhog mong tuluaan na na hindi mo mapunasan gawa ibinigay mo ang panyo mo sa lalaking 'yon na hindi mo naman deserve because you deserve more than whatever he has to offer!"
Nilagay niya sa kamay ko ang panyo niya.
You know, a lot say that it's a choice to love. But the way I am today, how immature and desperate I still am, I think loving someone is a feeling you just know when you do, not a choice you carefully plan or decide to see a better future. I love my bestfriend, but it's not the same love I feel for the man who broke my heart.
Before my bestie can go away, I told him, "I am sorry. But I love him so much. No matter how hard or how less I even try, the feelings are still there. They're relentless and reckless and impatient. I'm sorry, but someone better deserves your concern. Thank you for all the years of friendship," I didn't want to say this, but I knew I had to. "This is good bye."
BINABASA MO ANG
Ako si Misis Cadiz
RomansaA 17-chapter story that is about a girl overcoming her unreciprocated love towards a playful, manipulative man.