Chapter 6

3 0 0
                                        

 " Punyeta kayo. Akala ko mamamatay na'ko!" Inis kong reklamo sa kanila. Panay lang sila sa pag-sorry.


Pinagplanuhan lang pala nila lahat to. Nainis ako nung una - Sino ba namang hindi? Eh halos mamatay na nga ako sa takot eh. Akala ko papatayin na ako o ano. Pero overall masaya talaga ako kasi naalala pa nila ang birthday ko at nag abala pang maghanda. Samantalang ako eh hindi nga alam na birthday ko pala. Hindi ko namalayan. Susmaryosep talaga.


Ang daming tao sa bagong bahay ni Keith. Dito nila pinag-isipan na icelebrate ang birthday ko since hindi ko alam ang place at para narin hindi mabuking ang plano nila. Isang matalik na kaibigan namin ni Jill si Keith pero ngayon lang siya umuwi galing abroad. Dun kasi siya nag-aaral. Naiyak nga kami eh kasi iiwan na niya kami – Eh ang tukmol tinawanan lang kami! Pasalamat siya mahal namin siya hmp!


Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sakin, " Happy birthday!" Greet ni Keith sakin.


" Salamat ah! Nag-abala pa kayo eh."


He smiled and pinched my cheeks. Napasigaw naman ako sa sakit. Punyetang to, " No prob, homie. That's what I do. Nowm sayn?" He said proudly. Napangiti na lamang ako.


Kong tutuusin, Keith is really handsome at napakabait pa. But he has a girlfriend and they have a baby on the way. Yep, that's right. The twerp got her pregnant. Mahal naman nila ang isa't isa at tinanggap naman niya ang responsibilidad bilang ama kaya walang problema yun sa mga magulang nila. All they need to do is get married right after college. But he needs to propose to her first. And his girlfriend is also a friend of ours by the way.


" Kamusta nga pala si Christina?" Tanong ko. His eyes suddenly twinkled at the mention of her name. I felt jealousy right at that moment. Sana may taong mamahalin ako at ganito rin ang magiging reaksyon niya kapag narinig niya ang pangalan ko.


" She's fine pero nag-desisyon kami na hihinto muna siya sa studies niya. Manganganak na siya eh and I don't want her stressed or anything. Kailangan siyang mag-relax. I want her safe and the baby as well." I can feel the love and affection in his voice. Nakakatouch naman. Noon eh ang kulit pa nitong si Keith – Pasaway palagi at parang walang direksyon sa buhay. But look at him now, he's really grown up into a man. I'm really proud as his best friend.


Kwento pa kami ng kwento kasama ang ibang friends ko ng tawagin ako nila mama at papa. And I know from the faces of everyone in this house, alam na nila ang tungkol sa issue. They've been glancing me every moment. Si Jill at Keith rin ay halatang magtatanong tungkol dun pero iniiba ko agad ang usapan.


I excused myself and went straight away to my parents. Nagulat nalang ako ng sumulpot bigla si kuya. And he's frowning which means he's not happy.


Kinakabahan ako ng todo but I still remained my composure, " Mama, I know that you know. Pero please, let's not talk about it right now. Birthday ko po and I wanna enjoy." I said directly. Wala nang paligoy ligoy pa. I mentally clapped my hands when their faces softened. Bigla namang hinawakan ni mama ang kamay ko, then squeezed it gently.


" I know. We're sorry, anak. It's just that nagulat lang talaga kami. Are you really sure about this guy?" She asked gently.

He's a RockstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon